19 - Of course you're not

5.3K 199 13
                                    


Napahinto ako mula sa paglalakad ko papasok sana ng Building sa una kong klase ng maramdamang sinusundan niya pa rin ako.

Alam ko, alam kong sinabi kong hindi ko na siya muling kakausapin pero simula noong nakaraang linggo simula bumalik na ako sa pagpasok ko ay 'di na 'to nahiya na sundan-sundan ako tuwing na'sa labas ako, kulang na lang talaga ay pati sa loob ng bawat klase ko ay pumasok ito.

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. "Pwede ba?" Sa wakas ay pinansin ko na ito sa halos dalawang linggo niyang pangungulit.

"What?" Tumingin-tingin pa ito sa relo niya at sa may Building na malapit sa'min na tila nagmamadali. Akala mo talaga ay inosenteng papasok lang ito.

"You're following me. It's creepy." Ibinalik niya na ang dalawa niyang itim na itim na mata sa akin, sa sandaling iyon ay tila mabilis akong nagsisi na pinansin ko pa siya.... fuck, why is his eyes making me all weak? 

Umiwas na ako ng paningin. "Just stop please." Hindi siya sumagot kaya tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad patungo sa Building kung nasaan ang una kong klase, hindi ko alam kung sumusunod pa ito o hindi na dahil sa dami na rin ng mga estudyanteng pumapasok sa loob.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay pansin ko na ang kaluwagan ng espasyo sa pasukan ng gusali dahil sa kabilang gilid ay nandoon ang halos lahat, base na rin iyon sa pagkukumpulan ng mga tao.

May nag-away na naman ba?

It' not something new. 

Natuto na kaming hindi iyon pansinin unless ay isa sa mga malalakas na Group House iyong kasali sa away, ayon ang malaking balita sa paaralang ito.

Tinitignan ko pa rin ang kumpulan ng halos mapatalon ako ng makarinig ako ng boses sa literal na tenga ko dahil sa malamig na boses ni King. "Ranking." Nandito pa rin siya!?

Galit ko siyang hinarap upang sigawan sana ngunit pagkatingin ko sa kanya ay naglalakad na ito palabas ng gusali.

Sandali kong kintrol ang sarili ko na tawagin ito pabalik lalo na na... lalo na ng bigla akong nakaramdam ng pagsisisi.

Paano kung hindi nga siya iyon? Kung ganoon, walang awa ko siyang kinokonsensiya sa kasalanang hindi naman niya ginawa.





*****

Ngayon ay ang pang-apat na klase ko na, I am in my Math Class and I hate it so much kaya nang sabihin ng teacher namin na tapos na ang klase ay ako ang pinakaunang tumayo upang lumabas na ng klase.

Paglabas na paglabas ko ng pinto ng Math Class ko ay halos atakihin ako sa gulat dahil sa isang lalaking nakaitim na nakatayo lamang sa may hallway at nakapatong ang likod sa pader. 

"King." Napahawak sa puso na ika ko. "What are you doing here? I told you to stop following me." Patuloy ko habang naglalakad na dahil kailangan ko pa pumasok ngayon sa huling klase ko which is my Boxing Class.

Thanks god at hindi si King ang teacher ko doon, he's just an substitute no'ng first day, doon ko rin napagtanto na mas matanda sa'kin ito ng isang taon at itong taon na ang huling taon niya sa paaralang ito.

"I was waiting for my friend." Muntik na akong matawa sa inika nito.

King, may kaibigan? Sa gaspang ng ugali niya? Wala ngang lumalapit sa kanya!

"Funny." Huminto na ako sa paglalakad at hinarap siya. "You're waiting for your friend aren't you? Obviously, ako pa lang ang lumalabas ng room, nandoon pa siya so why are you following me?" Tinuro ko 'yong pinto ng Math Class namin kung saan sakto namang may lumabas na dalawang lalaking nagtatawanan.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now