20 - Her name was Princess 2

5.4K 177 24
                                    


"Ate bilin niyo na po, maawa na po kayo dalawa na lang po ito." Nakangusong pagpapaawa ni Princess sa dalawang magkapatid na naghihintay sa may TAXI Stand ng masasakyan.

Tulad ng iba, tinignan lang siya nang dalawang babae at ibinalik na agad ang paningin sa kanya-kanyang mga gadgets na hawak. Hindi naman na iyon bago... ganoon naman ang lahat kaya mabilis na siyang lumipat at kumapit sa nakasunod sa dalawang babae sa may pila.

Tinignan siya ng lalaki na hinawakan niya upang mapansin siya at mabilis na tinanggal ang pagkakahawak niya dito na akala mo ay may nakakahawa siyang sakit. "Kuya bili ka na---" Hindi na natapos na pakiusap niya nang tapusin agad siya ng lalaki na hinawakan niya.

"Wala akong pera." Masungit na sabi nito kaya napataray na lamang siya sa isip.

Ang sungit!

Pagod na pagod na siya at kanina pa siyang umaga nagbebenta, kanina sa may simbahan siya nagiikot ngunit hindi naman naubos doon ang binebenta niyang sampaguita kaya na'sa labas na siya ngayong ng pinakamalaking Mall sa lugar nila.

Kasabay ng pagod niya ay ang pagkagutom niya, malapit nang magalas-onse ng gabi ngunit hindi pa rin siya dinadaanan ng Papa Leynard niya... kaninang-kanina niya pa gustong gastusin ang nakita mula sa pagbebenta ng sampaguita ngunit alam naman niyang lagot siya kapag ginawa niya iyon.

Malungkot na lamang siya umupo sandali sa malaking hagdanan sa may entrance ng mall... nagsasarado na ito ngunit marami pa ring tao sa labas dahil umuulan at mahirap makakuha ng sasakyan.

'Kailan kaya siya makakakain?' Ayon lang ang tanging pumapasok sa isipan niya.

Alas-nwebe pa ng umaga ang huli niyang nguya ng pandesal at dalawang piraso lamang iyon kaya hilong-hilo na siya. Gutom na gutom na talaga siya, sinubukan niya kaninang manghingi ng pagkain sa mga nakikita niyang kumakain ngunit sinusungitan lamang siya ng mga ito.

Hindi niya na kaya.

Saan naman kaya siya makakabili ng pagkain dito sa labas ng Mall? 'E puro sarado na ang mga tindahan at mamahalin rin kaya wala siyang mabibili.

Inikot-ikot niya ang maliit niyang mukha upang maghanap ng kahit na anong pwedeng mabilhan na mura lang... iyong hindi mahahalata ng papa niya na nabawasan ang pera niya ngunit sa paghahanap niya ng tindahan ay siyaka niya na nakita ang pagod na mukha ng kanyang Papa.

Dalawang linggo na simula nang pag-trabahuhin siya ng papa niya ng ganito dahil natanggal ito sa trabaho at tuwing oras na upang umuwi at susunduin siya ng Papa niya ay hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot.... kahit kailan naman kasi ay pakiramdam niya hindi siya minahal ng Papa niya.

"Annie!" Tawag nito sa kanya nang makita na siya, mabilis naman siyang tumakbo palapit dito at natatakot na pinakita ang dalawang sampaguita na hindi niya nabenta, mabuti na lang ay hindi nito pinansin iyon. "Nasaan 'yong pera?" Mabilis niyang inilagay iyong isa niyang kamay sa may bulsa ng short niya at kinapa doon ang maliit na pitakang bigay sa kanya ng Papa niya upang paglagyan ng benta ngunit..... wala!

Nawawala iyong pera!

"S-sandali Papa, baka naiwan ko sa inuupuan ko kanina." Sobrang lakas ng tibok ng puso niya at hindi niya magawang tumingin sa mata ng Papa niya... alam niya kasing galit na galit na ito ngayon.

"Putangina." Mahinang bulong nito pero sapat para marinig niya. "Huwag mo akong paghihintayin ng matagal. Bumalik ka agad pero kapag wala 'yong pera... tangina mo lagot ka sa'kin." Nagsimula ng tumulo iyong mga luha niya pagkarinig ng mahina ngunit nangigil na wika ng Papa niya.

Loving the DemonWhere stories live. Discover now