Step - 5.

3.2K 102 24
                                    

"Uy, Aly... sana makapunta ka sa Friday. Gabi pa naman ang event sa school namin," sabi sa akin ni Sab habang hinihintay niya ang pangalawang cup niya ng ice cream.

"Magpapaalam muna ako kina Mama, okay?" sagot ko sa best friend ko habang tinitignan ko ang ticket na ibinigay sa akin ni Kiel.

Ito pala ang sinasabi ni Aron kanina na ibibigay ni Kiel sa akin. It's a ticket for a dance competition.

"Sigurado namang papayagan ka nina Tita," sagot agad ni Sab. "Isama mo na rin si Enz mo kung gusto niya."

"Pero isa lang ang ticket na binigay ko kay Aly," sabi naman ni Kiel pagkatapos niyang ubusin ang ice cream na kinakain niya. "Wala na akong extra."

"Sus! Nagdadamot ka lang kasi gusto mong ma-solo si Aly," duktong niya pa na sinundan naman ng tawa nina Aron at Sab.

"Gago! Wala na talaga," tanggi ni Kiel.

Hinsi na ako nag-react para hindi magpatuloy ang pang-a-asar nitong tatlo. Siguro naman wala lang talagang extra ticket si Kiel kaya hindi niya ako mabigyan.

"Mayro'n pa ako," sabi naman ni Sassica at inabutan niya ako ng isa pang ticket.

"Thank you, Sassi. Susubukan talaga naming makapunta," nakangiti kong sabi pagkatapos kong itago sa bag ang dalawang tickets na hawak ko.

Hindi ko sila mabigyan ng definite na sagot dahil may kailangan din akong gawin para sa surprise party ni Enz.

"Kahit iba na lang ang isama mo basta makapunta ka," duktong ni Sassica at nakita kong siniko siya ni Kiel dahil sa sinabi niya.

"Sasayaw ka rin ba?" curious kong tanong at binalewala ko na lang ang ginawa ni Kiel.

"Yeah," nakangiting sagot niya. "Matagal ko nang gustong mag-audition sa dance org ng college namin pero ngayong sem lang ako nagkaro'n ng time. Bago lang ako sa kanila," paliwanag niya pa.

"Oh, I see..." tatangu-tango kong sabi.

Gusto ko sanang itanong kung bakit siya kasama ni Kiel ngayon pero alam kong tutuksuhin lang ako nina Aron at Justin kaya tumahimik na lang ako.

"Pumunta ka na. Lagi ka namang present dati," pangungulit sa akin ni Sab. "Number one cheerleader ka pa nga nitong si Kiel," sabi niya pa at tinawan ko lang siya.

Dancing has been Kiel's passion ever since high school. Naalala ko pa kung gaano kalakas ang sigaw ko sa tuwing pinapanuod ko siyang magsayaw.

"Hindi na siguro gano'n," sabi naman ni Kiel bago pa ako makasagot.

Nakita kong siniko pa ni Aron si Justin. Sina Sab at Sassica naman, nakatingin lang sa akin na para bang naghihintay ng sagot ko.

"I'm still your cheerleader. Gusto mo magdala pa ako ng pompoms," nakangiti kong sabi aa kanya. "Magkaibigan pa rin naman tayo at susuportahan pa rin kita."

"Talaga? So, pupunta ka na sa Friday?" nakangiting tanong niya at wala akong nagawa kung hindi ang tumango.

"Oo na, sige na. Pupunta na ako."

"Yehey!" excited na sabi ni Sab sa tabi ko at niyakap niya pa ako. "Sa McDo ka na lang maghintay, Aly. Sunduin kita," sabi niya pa at muli akong tumango.

"Tayo-tayo lang ba? O buong barkada?" tanong ko.

"Lahat tayo," sagot ni Aron. "Nag-text na si Sab kanina sa iba pang girls at nasabihan na ni Kiel ang ibang boys noong magkakasama kami. Kaya nga kinukulit ka ni Sab na sumama dahil lahat kami sure na."

"Wow! Kumpleto pala ta—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang tumayo si Sassica at hyper na kumaway.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon