Step - 6.

3.3K 106 35
                                    

"Guys!" tawag ko sa barkada nang dumating kami ni Enz sa meet up place.

"Uy, Aly! Enz!"

Kumaway pa ang barkada sa amin at bumati naman kami ni Enz sa lahat nang makalapit kami sa pwesto nila. Kami na lang pala ang hinihintay at kasama rin ni Pam si Ash kaya nag-fist bump pa sila ni Enz.

"Nag-dinner na ba kayo?" tanong ni Mads pagkatapos humila ni Enz ng upuan para sa amin. Kumakain na kasi sila nang dumating kami.

"Oo, pinakain na kami ni Mama bago kami umalis sa bahay kanina," sagot ko bago ako bumaling kay Enz. "Nagugutom ka na ba? Gusto mo ulit kumain?" tanong ko.

"Hindi pa naman. Ang dami kong nakain kanina sa bahay niyo," sagot niya. "Ikaw ba?"

"Hindi pa rin. Busog pa ako," sagot ko naman.

Tumango siya at inabala niya na lang ang sarili niya sa paglalaro ng mga daliri ko habang nakikipag-usap siya kina Ash at Kit.

Half day lang ako ngayon kaya sinundo pa ako ni Enz sa bahay pagkatapos niyang magbihis sa kanila.

Ayaw niya sanang pumunta dahil baka raw maasar na naman siya kay Kiel pero nakumbinsi ko siya. Kaibigan niya rin naman si Sassi at pupunta rin ang mga high school friends niya kaya kailangan niyang pumunta.

"Si Sab pala? Sabi niya siya raw susundo sa atin, 'di ba?" tanong ko naman sa barkada.

"Tinext na ni Justin," sagot ni Luke. "Papunta na raw—oh, ito na pala si Sab," sabi niya pa nang dumating ang best friend ko.

"Oh, aalis na?" tanong ni Daena nang makabalik sila ni Sean. Nag-take out pa kasi siya ng pagkain.

"Tara na. Para makapili tayo ng magandang pwesto," aya ni Sab sa amin at sumunod naman kami sa kanya dahil tapos naman namg kumain ang lahat.

Dumiretso kami sa Centrodome kung saan gaganapin ang competition pagkatapos naming mag-surrender ng mga ids sa entrance.

Ilang beses na akong nakapunta rito sa school nina Sab. Malaki ang pinagkaiba nito sa Serendipity University dahil isa lang ang building dito pero malaki naman ito.

Sama-sama na ang iba't ibang colleges at departments pati ang tatlong cafeterias nila sa loob. Ang nakahiwalay lang sa building, 'yong malaking gymnasium nila na Centrodome ang tawag.

"Dito tayo," tawag sa amin ni Sab nang makarating kami sa dome nila.

Maraming food stalls sa labas at booths. Marami rin ang tao kaya nahirapan kaming makipasiksikan. Taun-taon naman kasing inaabangan ang dance competition na 'to sa school nila.

Nang pumasok kami sa dome, naka-setup na ang malaking itim na rubber mat sa gitna para hindi madulas ang mga dancers. Sa gilid naman ng court, may long table na para sa mga judges.

"Lalong gumanda 'tong dome niyo, Sab," puri ni Mads habang nakatingala.

Tinitignan niya 'yong mga seats sa taas at nakita ko na marami-rami na ring tao kahit maya-maya pa magsisimula ang competition.

"Pare, tingin kayo sa taas! Ang daming chicks!" sabi ni Luke kina Justin kaya halos mabili ang mga leeg nila sa pagtingala.

"Mamaya na 'yan mga brad. Tara na muna sa dugout. Nando'n si Kiel," aya sa amin ni Sab at may itinuro siyang parang maliit na room sa gilid. "Kanina pa ako kinukulit sa text nun."

"Tara na," sabi ni Pam bago niya hinila si Ash para sabay silang maglakad.

"Kiel!" sabay-sabay na tawag nina Daena sa kanya ng mga makapasok kami rito sa dugout ng group nila. "Na-miss kami namin, brad!" sabi pa nila at sunud-sunod silang yumakap sa kanya.

"Finally! We're complete again," nakatawanh sabi ni Kit at nakigulo na rin sila ng mga boys kina Kiel.

Nakatitig lang ako habang nagkakagulo sila. Pansin na pansin ko ang kulay blue na buhok ni Kiel tulad ng sa iba niya pang kasama.

Nakasuot silang lahat ng color white na muscle tee na may color blue na cross sa gitna, black harem pants at puting sneakers. He looks cool.

"Uy, sama ka sa kanila," bulong sa akin ni Enz nang bitiwan niya ang kamay ko. "I'll be okay here," paninigurado niya sa akin at bago pa man din ako makasagot, tinawag na siya ng mga kaibigan niya.

"Enz!"

Masaya siyang sinalubong ng mga high school friends niyang kasama si Sassica. Kakarating lang nila rito sa dugout at mukhang si Sassica ang sumundo sa kanila sa labas.

"Bro!" tuwang-tuwa siyang lumapit kina Keeno at nagtapikan pa sila ng mga balikat.

Hinila ako ni Sassica palapit sa kanila at sinalubong naman agad nila ako ng ngiti. Mababait ang mga kaibigan ni Enz kaya hindi naman ako nahirapang makisama sa kanila.

"Hi, Aly!" bati nina Keeno, Jeff, Glenn, Leo at Iggy sa akin. Marami ang high school friends ni Enz kaya nagtataka ako kung bakit kulang sila ngayon.

"Nasaan sina Paco, Bry at Ralph?" nagtatakang tanong ko dahil sinabi sa akin ni Enz na hindi sila umaalis kapag kulang sila.

"Susunod," sagot ni Leo. "Malapit na raw sila."

"Sa kotse kasi sila ni Ralph nakasakay," duktong ni Glenn. "Kaso nasiraan 'yong sasakyan ni Ralph kaya pinaayos pa nila."

"Oh, kaya pala. Buti naayos naman agad," sabi ko at narinig ko si Sab na tinatawag ang pangalan ko.

"Sige na, sama ka muna sa kanila," rinig kong sabi ni Enz.

"Oo nga, Aly. Hihiramin din muna namin si Enz sa'yo," sabi pa ni Keeno. "Bibili lang kami snacks sa labas. Hindi kami kumakain, eh. Layo ng school ni Sassi."

"Okay," nakangiti kong sagot. "Walang problema. Go ahead."

"May gusto ka ba?" tanong naman sa akin ni Enz bago sila lumabas ng mga kaibigan niya.

"Melon shake na lang," sagot ko at humalik siya sa noo ko bago sila tuluyang lumabas.

Naiwan si Sassi at nakita ko na ipinapakilala na siya nina Aron sa iba pa naming barkada.

"Oh? 'Yong cheerleader ko bakit ayaw lumapit dito?" nakangising tanong ni Kiel habang nakatingin sa akin.

"Cheerleader mo kaming lahat," maingat kong sagot at tumabi ako kay Sab na nakatayo sa harap niya. "You look cool today," puri ko sa kanya.

"Gwapo na ba ako?" nakatawa niyang tanong at nakitawa pa ang best friend ko.

"Pwede na," nakikisakay kong sagot bago ko binago ang topic. "Galingan mo mamaya, ha? Para champion na kayo. Last time first runner up kayo, 'di ba? Kaunti na lang."

"Good luck mo naman ako para mas galingan ko," sabi niya naman bago niya ako hinila palapit sa kanya. "Pahingi naman ng good luck kiss?" bulong niya pa sa akin kaya sinuntok ko agad ang balikat niya.

"Ikaw lagi mo na lang akong binibiro—"

Nanlaki ang mga mata ko sa mabilis na paglapat ng mga labi niya sa labi ko. What the hell did just happened?!

"Kiel!" sigaw ko sabay tulak sa kanya at nagtinginan sa amin lahat ng nandito sa dugout nila.

"Good luck kiss," nakangisi niyang sabi at napasinghap ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Enz.

Sinuntok niya agad si Kiel at namumula ang mukha niya sa galit. Walang makapag-react dahil lahat kami, gulat na gulat sa nangyari. Parang kanina lang, nagkakatuwaan pa lahat dito pero ngayon ang seryoso na ng aura.

"Ano bang problema mo?!" rinig kong galit na galit na tanong ni Enz habang kinukwelyuhan niya si Kiel.

"Ikaw? Anong problema mo?" nang-a-asar na tanong ni Kiel at hinawi niya pa ang mga kamay ni Enz. He's provoking him! "Friends kiss, chill out!"

"But not on the lips, you asshole!" galit na sagot ni Enz at sinuntok niya ulit si Kiel bago niya ako hinila palabas ng dugout.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon