Step - 25.

1.6K 49 17
                                    

I remember everything that happened last night. Hindi naman totoo na kapag lasing ka, hindi mo na alam ang ginagawa mo. Alam ko. I knew what I was doing but I cannot think clearly, I cannot stop myself. Kaya alam kong nakasakit ako.

I would've blame the alcohol if I was my fifteen-year-old self. But I am nineteen years old already, I have to take responsibility for my actions. Dahil kahit nasasaktan din ako, that doesn't entitle me to hurt other people.

"Uh... guys..." mahinang tawag ko habang sama-sama sila sa living area.

Naka-setup pa sa sahig ang mattress na tinulugan nila kagabi pero lahat sila, gising na. Dito sila natulog pagkatapos akong linisan nina Sab. Si Kiel naman ang natatandaan kong bumuhat sa akin papunta sa kwarto.

"Ininom mo ba 'yong Gatorade at gamot na nilagay ko kanina sa side table mo?" tanong agad sa akin ni Sean. "Effective 'yon na pampawala ng hangover."

"Oo, 'pre. Salamat. Medyo okay na ang pakiramdam ko dahil do'n," sagot ko at isa-isa ko silang tinignan. Nahihiya ako kaya napayuko ako at pinaglaruan ko ang mga daliri ko. "A-ano... guys, I'm sorry about last night."

"Sus! Wala 'yon. 'Di na nga namin napag-usapan," sabi agad nila at tinapik pa ni Sab ang space sa tabi niya para ro'n ako maupo.

"Ano, okay ka na?" tanong sa akin ni Luke pagkatapos niya akong akbayan. "Maaayos din 'yan."

"Sana nga," mahina kong sagot at pinilit kong ngumiti. "'Wag na nating pag-usapan, brad. I'll cook breakfast for you na lang. Para makabawi," sabi ko pa at tumayo na ako para pumunta sa kusina.

Pinagtulungan nilang ligpitin ang tinulugan nila at sumunod sa akin ang mga girls para tumulong sa pagpi-prepare ng almusal.

Naiwan naman ang mga boys sa living area habang naglalaro sila ng cards na nakita nila sa taas ng divider. Mamaya pang tanghali ang uwi nina Mama't Papa kaya solo pa rin namin ang bahay.

"Kailan pa kayo nag-break ni Enz? Kagabi lang ba o matagal na?" diretsong tanong sa akin ni Mads habang naghahanap ako sa ref namin ng pagkain na madaling lutuin.

"Christmas Eve," maikli kong sagot.

"Hindi mo pa rin ba kayang mag-kuwento?" tanong sa akin ni Sab.

"You know, girls... we both tried," sagot ko. "But it's not enough to keep us going anymore."

Alam kong kaya nandito si Enz kagabi dahil gusto niya pa ring maging maayos kami. Hindi siya pupunta rito para lang magdala ng regalo at flowers kung ayaw na talaga niya.

Pero nang makita niya kami ni Kiel, iba na naman ang inisip niya. And it's exhausting already. Paulit-ulit na naman akong magpapaliwanag at paulit-ulit lang niyang pipiliin na hindi makinig.

Siguro nga wala akong karapatan dahil alam kong sa aming dalawa, mas pagod si Enz. Pero hindi naman do'n nasusukat ang pagmamahal. Hindi sa kung sino ang mas pagod, hindi sa kung sino ang mas nasaktan, hindi sa kung sino ang mas nagbigay.

Dahil pareho lang kaming nasasaktan ngayon. Pareho lang kaming pagod, pareho lang kaming nagbigay at natalo. Pero hanggang dito na lang ba? Ito lang ba ang kaya namin ni Enz?

"Magkasama kami ni Enz noong Christmas Eve dahil family reunion namin sa side ng Padilla," panimula ko. "Okay pa naman at first. Everything was going smoothly until he saw me with Kiel. Of course, he got mad. That was the last straw for him."

"May kasalanan ba talaga si Kiel?" tanong naman ni Pam.

"Wala. Kiel was there because he wanted to say goodbye and to give me his parting gift. Sabi niya, papakawalan na niya ako," sagot ko. "I know that it's wrong for me to blame him. Hindi niya kasalanan. Kami ni Enz 'yong mali. Hindi kami nagkaintindihan."

"Siguro kung may higit na dapat makaintindi kay Kiel, ikaw 'yon. Kasi alam mo 'yong pakiramdam ng sitwasyon niya dahil ganyan ka rin noon sa kanya. Ilang beses mo ring sinabi na papakawalan mo na siya, na papabayaan mo na siya... pero nahirapan ka rin, 'di ba?" seryosong sabi sa akin ng best friend ko.

"He's trying to be a good friend, Aly. At kahit may mga nagawa si Kiel na alam nating mali, hindi mo pwedeng isisi sa kanya ang lahat. Nahihirapan din 'yong tao. And just because you're hurting doesn't mean that you have to hurt him, too," duktong niya pa.

"I know, Sab. I know," mahina kong sabi dahil guilty ako sa mga sinabi niya.

Alam kong nasaktan ko si Kiel kagabi at alam kong kailangan kong humingi ng tawad sa kanya dahil sa mga nasabi ko.

"You have to talk to him. Kagabi pa tahimik 'yon," sabi naman ni Pam at tumango ako sa kanya. "Iwan mo na 'to sa amin. Madali na lang naman 'to. Mag-usap kayo ni Kiel, ayusin niyo 'yan."

"Thank you, girls. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala kayo, kung wala ang barkada," sincere kong sabi at tumawa lang sila.

"Oh sige na, kausapin mo na si Kiel," sabi na lang nila kaya pansamantala ko muna silang iniwan sa kusina para puntahan si Kiel sa labas.

"Opo, Mommy... susunod ako... sige... bye..." rinig kong sabi niya bago niya ibaba ang phone. Hindi ko siya magtignan nang bumaling siya sa akin kaya sa ibang bagay ko na lang itinuon ang pansin ko. "Uy, Aly. How are you feeling?"

"I'm okay. Thank you for asking," sagot ko bago ko siya tinignan. "Can we talk?"

I am expecting na galit pa siya sa akin pero tumango siya at agad na itinuro ang bench na nakalagay sa terrace namin. Nailigpit na nila ang mga gamit at kalat kagabi kaya balik sa dating ayos ito.

"Effective ba talaga 'yong Gatorade at gamot na pinainom sa'yo ni Sean kanina?" pagbasag niya sa katahimik na namamagitan sa aming dalawa.

"Dapat humigop ka ng mainit na sabaw para mas gumaan ang pakiramdam mo," duktong niya pa at marahan lang akong tumango.

"Maybe later," sagot ko na lang bago ako nagtanong. "Are you... mad?"

"I am not mad, Aly. I am hurt. Those two are different things," diretso niyang sagot. "But it's okay."

"I am so sorry, Kiel. You do not deserve this. You and Enz does not deserve the pain that I am causing," malungkot kong sabi. "I am not worth it."

"Do you know why I'm finding it hard to let you go? Because you were always there for me. Through ups and downs, despite everything. You saw through me when I was being a shit person. You understand..." sabi naman niya.

"Alam mo, gustung-gusto kong samantalahin ang pagkakataon ngayon dahil pwede na. Wala na siya. Iniwan ka na niya. Pero, alam ko na hindi pa rin ako ang pipiliin mo kaya hanggang dito lang ako," duktong niya.

"Kiel naman..."

"Aly, isa lang naman ang gusto ko," sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. "Habang wala siya, pwede bang ako muna? Wala akong hihinging kapalit. I just want to take care of you."

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit nagtitiis si Kiel para sa akin kahit na malinaw naman sa kanyang hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya. Alam niya namang sinasayang niya lang ang oras niya sa akin.

"Kasi mahal kita," walang pag-a-alinlangan niyang sagot.

"You don't have to..."

"But I want to," pilig niya at napailing na lang ako.

Kiel is a good friend and he's important to me. Ayaw kong maging madamot sa hinihingi niya pero alam kong masasaktan ko lang siya lalo.

"Let me, Aly. Please..." pakiusap niya at napapikit naman ako habang tumatango.

Kung ipilit niya 'to nang ipipilit, wala rin naman akong magawa kung hindi ang pagbigyan siya. Pero wala akong maipapangako sa kanya. Hindi ko pa kaya.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon