Step - 20.

1.7K 54 5
                                    

Hawak ni Enz ang kamay ko nang pumasok kami sa Xela. Iniwan muna kami nina Mama't Papa na naging busy sa pagbati at pakikipag-usap sa mga relatives namin.

"Merry Christmas po," bati namin ni Enz sa lahat ng taong nakakasalubong namin sabay mano. Ipinakilala ko na rin si Enz sa mga tito't tiya ko na ngayon lang siya makikilala personally.

"Ay nako, kay gwapong bata!" sabi ng mga tita ko at nahihiyang nagpasalamat si En sa kanila. "Basta ba hindi mo paiiyakin itong pamangkin namin, wala tayong magiging problema," sabi pa nila.

"Hindi po, don't worry," paninigurado ni Enz at ngumiti naman ako sa kanya bago bumaling sa mga tita ko.

"Actually, he's not only good looking but he's also smart and he takes good care of me," proud kong sabi. "He's everything. Full package po 'yan kaya wala po kayong dapat ipag-alala," duktong ko pa at nagtawanan naman sila.

"Alam na ba ito ng lolo mo?" tanong naman ng isa ko pang tita at tumango naman ako.

"Yes, Tita. He knows pero ngayon niya palang niya makikita si Enz personally kasi he's been busy," I explained at tumango naman sila.

"Basta kami, we like him and we approve," sabi pa nila at para silang mga teenagers na kinikilig.

"Aly!" tawag sa akin ng mga pinsan ko kaya nagpaalam muna kami ni Enz sa mga tita ko.

"We're so glad that you could join us, Enz," bungad ng mga pinsan ko sa kanya.

'Yong mga lalaki ko namang pinsan, inaya kaagad siyang sumama sa kanila at uminom pero sinamaan ko sila ng tingin.

"Uy 'wag muna, Kuya Ryan! Mamaya niyo na agawin sa akin si Enz, kararating lang namin," sabi ko pa at nagtawanan naman sila.

"Enz, mamaya ha? Sama ka sa amin," sabi naman ni Cole at umakbay pa siya sa akin. "Hayaan mo na 'tong si Aly, kami ang bahala."

"Siya ang boss, eh. Siya ang masusunod," natatawang sabi ni Enz sabay halik sa sentido ko.

"Under mo na agad 'tong si Enz, Aly?" nakatawang sabi naman ni Kuya Eaton habang may hawak siyang beer.

"Hindi naman niya ako under but I actually don't mind if I am," depensa ni Enz pero inaway ko pa rin si Kuya Eaton.

"Hindi kaya!" umirap pa ako kaya nakisali na rin ang mga babae kong pinsan.

"Let them be, Eaton," saway ni Ate Chloe sa kanya. "It's Aly's first Christmas with her first boyfriend so let them enjoy it," sabi niya pa habang nagsasalin siya ng champagne.

"Hindi naman sila maghihiwalay. Magkakasama lang tayo rito sa table na iinom," sabi naman ni Tyler. "Clingy talaga nitong si Alyson kahit kailan. Oy, walanh forever!" asar niya pa kaya pabiro ko siyang sinimangutan.

"Shut up, Ty! 'Wag kang bitter! Hindi porke't nag-break kayo ng girlfriend mk, idadamay mo na kami. May forever kaya, ito nga kasama ko na," sabi ko pa at kunwari namang nasusuka ang mga pinsan ko.

"Cheesefest!"

"Patay! Namemersonal na si Aly," kantyaw pa ng iba naming pinsan at kunwari namang umiyak si Tyler.

"Bading," asar sa kanya ng mga pinsan naming lalaki at nagtawanan naman kami.

Everyone is really in a cheerful mood kaya ang gaan ng atmosphere. Ang festive rin ng setup sa Xela pati ng mga pagkain. May kinuha pang jazz band si Kuya Timothy para tumugtog ng Christmas songs.

"Ate Alex, congrats on your pregnancy again!" bati namin ni Enz sa kanya nang makita namin sila ni Kuya Timothy na magkasama.

"Thank you!" nakangiti niyang sabi sa amin pagkatapos niya kaming i-beso.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon