Step - 12.

2.4K 76 24
                                    

Nauna kaming dumating sa ospital ni Enz dahil dumaan pa raw sa mall ang barkada para mag-dinner. Hindi na kami sumabay dahil nakakain na kami ng dinner bago pumunta rito.

Hawak ni Enz ang basket of fruits na dala namin at ang mga balloons na may nakasulat na 'get well soon' habang nasa loob kami ng elevator.

"Good evening po, Tita Ges," bati ko sa mommy ni Kiel nang pagbuksan niya kami ng pinto.

"Good evening po," bati naman ni Enz at ngumiti si Tita Ges sa amin.

"Oh, come in, Aly..." mahinahong niyang sabi at bumaling pa siya kay Enz. "You too, Hijo. Halika sa loob."

Pumasok naman kami ni Enz at ibinaba niya ang mga dala namin sa side table na itinuro ni Tita Ges.

Tulog si Tito Kiefer sa hospital bed pero bumubuti na raw ang lagay niya nitong mga nakaraang araw. Malapit na rin siyang mag-therapy para mapabilis ang recovery niya.

"Buti napadalaw ka ulit," sabi pa ni Tita Ges sa akin. "Sino naman itong kasama mo?" ngiti niya pa.

"He's my boyfriend po, Tita. Si Enz," pakilalala ko at ngumiti naman si Enz.

"Hello po, Ma'am. Nice to meet you," magalang niyang sabi.

"Nice to meet you," sabi naman ni Tita Ges at tinapik pa nito ang balikat niya. "You can call me Tita."

"Sino'ng dumating, 'My?"

Nakayuko si Kiel nang lumabas siya ng banyo habang tinutuyo niya ang kamay niya ng bimpo.

"Sina Aly at Enz," sagot ni Tita Ges habang nag-pe-prepare siya ng snacks. "Kumain na ba kayong dalawa? Kumain muna kayo nitong apple. Ngayon pa lang kasi ako magpapabili ng dinner kay Kiel dahil dadating din ang mga relatives namin."

"'Wag na po kayong mag-abala, Tita. Kumain na po kami," sagot ko. "Tutulungan ko na lang po kayo para mag-prepare," I even volunteered.

"Bibili na lang muna ako ng dinner nina Tito't Tita, 'My," sabi niya at sinulyapan niya lang kami ni Enz pero nag-iwas din agad siya ng tingin.

"Kaya mo ba 'yon dalhin lahat, Anak? Masyadong marami 'yon," sabi naman ni Tita Ges at binalingan niya si Enz. "Ang mabuti pa, magpatulong ka na lang dito kay Enz," suhestiyon pa niya at nagkatinginan lang kaming tatlo.

Wala namang alam si Tita Ges sa mga nangyayari pero syempre ang awkward pa rin para sa amin.

"Kaya ko na 'yon mag-isa, Ma," tanggi agad ni Kiel.

"Okay lang naman po sa akin, Tita," singit naman ni Enz kahit halatang nag-a-alangan sila pareho ni Kiel.

"Okay naman pala rito kay Enz, Anak. Magpasama ka na at mahihirapan ka pa kapag ikaw lang," pilit naman ni Tita Ges kaya hindi na nagprotesta si Kiel at umalis na silang dalawa ni Enz.

Naiwan naman ako rito dahil tutulungan kong magbalat ng fruits si Tita Ges.

"Aly, alam mo ba kung sino ang bagong kinahuhumalingan ng bunso ko? Natatandaan mo ba noon nagpunta ka sa bahay namin? May dala kasi siyang bouquet noong umaga tapos latang-lata naman siya umuwi. May black eye pa nga," kuwento sa akin ni Tita Ges.

"Hindi rin po kasi ako sigurado kung dapat sa akin manggaling, Tita. Complicated po kasi," naiilang na sagot ko.

Ayaw ko namang magsinungaling. Pero ayaw ko rin na ako ang magsabi kaya tipid lang ang sagot ko.

"Malihim kasi talaga ang batang 'yon. Hindi ko pa nga malalaman ang tungkol kay Leni kung hindi nabanggit ng Kuya Gil niya," kuwento pa ni Tita Ges.

Graduating na ngayong taon si Kuya Gil kaya naabutan niya pa sina Leni at Kiel. Same university lang kasi silang magkapatid.

"Alam mo kasi, ang bunso ko na 'yon, minsan naghahanap ng pag-a-alaga sa iba," pagpapatuloy niya at malungkot siyang ngumiti. "Alam kong may mga pagkukulang din kami ng daddy niya sa kanila ng kuya niya. Lalo pa't hiwalay kami."

"Tita, hindi niyo naman po kasalanan," pagco-comfort ko sa kanya. "Napalaki niyo pa rin naman po sila ng maayos kahit na hiwalay na kayo ni Tito."

"Pero Aly, walang anak ang may gusto ng hindi buong pamilya," malungkot ang ngiti ni Tita Ges at marahan ko nang pinisil ang kamay niya.

Naalala ko tuloy noon, kapag nagku-kuwento sa akin si Kiel tungkol sa pamilya niya. Minsan niya lang mabanggit ang mga parents niya pero laging may lungkot sa mga mata niya.

"Wala rin naman pong magulang ang may gusto na hindi maibigay ang lahat para sa anak nila..."

Hindi na nagsalita si Tita Ges at niyakap na lang niya ako. Gustung-gusto kong mag-kuwento sa kanya dahil alam ko na ginagawa niya 'to para rin mag-reach out kay Kiel. Pero ayaw ko namang pangunahan si Kiel.

Iniba na ni Tita Ges ang usapan para hindi na rin daw siya masyadong malungkot. Kinumusta niya ang relationship naman ni Enz at do'n na umikot ang kwentuhan namin.

"Bakit parang ang tagal naman yata nung dalawa?" puna ni Tita Ges nang mapansin niyang isang oras na ang nakalipas. "Malapit na raw dumating ang mga tito't tita ni Kiel."

"Do you want me to check on them, Tita? Puntahan ko na lang po sila," I suggested. "Baka po marami lang tao."

"Sige nga, Aly. At baka kung ano na nangyari sa mga 'yon," nag-a-alalang sabi niya kaya lumabas muna ako sa room ni Tito Kiefer.

Lumabas ako ng ospital at natigilan nang may narinig akong usapan sa gilid ng vending machine sa labas.

Nakabili na sila ng pagkain pero mukhang may malalim silang pinag-u-usapan. Ni hindi nga nila napansin na nakalapit na ako kaya nagtago na muna ako sa gilid ng vending machine.

"Sorry pala sa ginawa ko last week kay Aly," rinig kong sabi ni Kiel. "I should've played fair. Kung gusto ko siyang makuha, dapat gawin ko ng tama."

"No," iling ni Enz. "Hindi mo kailangang maging patas dahil wala tayong pinaglalabanan dito. She already made a choice. We should respect that."

"Nasasabi mo lang 'yan dahil ikaw ang pinili," seryosong sabi ni Kiel. "It would've been easier for me to say that too if she picked me."

"And it would've been harder for me to see her with you if she had chosen you," balik ni Enz. "Pero kaya ko siyang isuko. Kaya kong magsakripisyo kung sa'yo talaga siya magiging masaya."

"Wala ka sa posisyon ko. You don't understand how hard it is to give her up," sumbat ni Kiel at tumingin siya ng diretso kay Enz. "Akala ko kaya ko. Akala ko madali. Pero hindi pala. I can't give her up just like this. Pinakawalan ko na siya noon, hindi ko na 'yon hahayaan mangyari ngayon dahil mahal ko siya."

"Tama na," mariing sabi ni Enz habang nagsusukatan sila ng tingin. "You had your chance, Kiel. You just took her for granted. Sinaktan mo siya. You never considered her feelings and yet, despite everything, she continued to love you."

Ramdam na ramdam ko ang intesidad sa pagitan nilang dalawa kaya natatakot ako na baka may mangyari na namang gulo. Pero nanatili lang ang galit na titig nila sa isa't isa bago nagsalita si Kiel.

"I refuse to back down," determinadong sabi ni Kiel. "I'm not losing her this time. So, may the best man win?"

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ni Enz pero tinignan lang siya ni Enz.

"No. There's no competition. Wala ka nang ipinaglalaban dito. Mali na," iling niya bago niya tinabig ang kamay ni Kiel. "You already lost her when you took her love for granted. Stop this."

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon