Step - 23.

2K 63 23
                                    

Tatlong araw na kaming hindi nag-u-usap ni Enz mula noong nakipag-break siya sa akin at mula noong nangyari ang eksena sa bar.

It wasn't a dream. He really came back for me. Sabi ng mga pinsan ko, totoong nando'n siya pero pinaalis nila si Enz para wala nang gulo. I didn't hear anything from him after that.

Nag-aalala ako para sa kanya kahit hanggang ngayon, binabalewala niya pa rin ako. He is not answering my texts and calls.

Sa mga high school at college friends na lang niya ako nakikibalita. Nag-text pa sa akin si Sassica kahapon para magtanong kung may problema raw ba kami ni Enz dahil nagpapa-set siya ng inuman.

Hindi naman ako sumagot dahil gusto ko munang ayusin ang problema sa pagitan namin ni Enz bago ako magpaliwanag sa ibang tao.

"Anak, ayaw mo ba talagang sumama sa Batangas?" tanong sa akin ni Mama habang tinutulungan ko silang magbuhat ni Papa ng mga dala nilang pagkain at bags papunta sa sasakyan.

"I'm not in the mood, Ma. Dito na lang ako sa bahay. I'll be fine here," I assured her.

Aalis sina Mama't Papa ngayon dahil may get-together si Mama kasama ang high school batchmates niya. Sinasama nila ako dahil families naman daw ang nando'n pero wala akong ganang makipag-socialize sa ibang tao kaya hindi na lang muna.

"Uuwi rin kami bukas ng mama mo. Make sure to double check the locks, okay? 'Wag kang makikipag-usap at magpapasok kapag hindi mo kakilala. Kapag may kailangan ka, just call," bilin naman ni Papa at humalik siya sa noo ko bago siya sumakay sa kotse.

"Kung gusto mo, you may tell your cousins to come over para may kasama ka," sabi pa ni Mama pero agad akong umiling. "May mga pre-cooked meals sa fridge. Initin mo na lang. Marami 'yon kasi akala namin ni Papa mo, tuloy ang bonding niyo ng barkada mo ngayon."

"Ma, kaya ko. I'm a big girl. I can handle this," I assured her. "And I'm sorry kasi nasayang 'yong preparations niyo ni Papa."

"That's okay," sagot ni Mama. "I know that something is off, Anak. You can tell me when you're ready," sabi niya pa at malambing niyang hinawakan ang pisngi ko.

"Thank you, Ma. I love you," sagot ko at humalik siya sa pisngi ko bago siya sumakay sa shotgun seat ng sasakyan.

"I love you too, Anak. Mag-i-ingat ka. Mag-text ka kung may kailangan ka o kung may mangyari, ha?" bilin niya ulit at tumango na lang ako.

"Ingat kayo ni Papa," paalam ko sa kanila at kumaway na ako bago sila mag-drive palayo.

Naglakad na rin ako pabalik sa bahay namin nang malayo na ang sasakyan ng parents ko at kinuha ko agad ang phone ko.

Baka sakali na nag-text na si Enz kahit isa lang pero wala pa rin. Puro text messages lang galing sa barkada ang natanggap ko.

Sab:
Aly, bakit cancelled? Anong nangyari? Kung hindi pwede sa inyo, kina Daena na lang daw tayo.

Sab:
... or may lakad kayo ni Enz? Magtatampo talaga ako kung 'yan ang dahilan. Last month pa 'to naka-set, ah? Ikaw pa nga 'yong excited, eh.

Sean:
Brad? Magkakasama na kaming mga boys kasi naglaro kami kanina ng basketball. Ituloy na natin.

Kiel:
Aly, usap naman tayo. May problema ba?

Napapikit ako sa text ni Kiel. Ilang araw na rin siya nangungumusta pero isang beses ko lang siyang sinagot para sabihing ayos lang ako.

Hindi ako galit. Hindi niya kasalanan. Kung may dapat sisihin dito, ako lang 'yon. Dahil ako ang nagkulang kay Enz. Dahil habang nagiging kaibigan ako kay Kiel, nasasaktan ko rin pala siya.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon