Step - 14.

2.3K 70 10
                                    

It's Friday today. Last day na ng prelims kaya babalik muna sa kani-kanilang provinces ang mga blockmates kong nagdo-dorm.

Simula na rin kasi ng Christmas break bukas kaya two weeks din kaming mapapahinga sa school works.

"Cippy, 'wag mong kakalimutan 'yong mga pasalubong namin, ha!" rinig kong bilin ni Lyn.

Uuwi na kasi si Cip sa Bicol mamaya para magbakasyon kasama ang family niya.

"Oo nga. Gusto ko ulit ng tarts, please? Tsaka uwian mo naman ako nung slippers na gawa sa abaka," sabi ko naman at nakisali pa ang iba naming kaibigan sa mga bilin nilang pasalubong.

"Hindi pa ako nakakauwi, pasalubong na agad ang nasa isip niyo," irap ni Cip sa amin. "Mabuti pa 'tong si Enz. Naalalanh magbilin na mag-ingat ako," duktong niya pa sabay sandal sa boyfriend kong napapagitnaan naming dalawa.

Tumawa lang si Enz habang kumakain siya ng pizza. Sinundo niya ako kaya inaya na rin siya ng mga blockmates ko sa Yellow Cab na malapit sa university. Bonding na rin kasi namin 'to bago mag-Christmas break.

Pati kasi sina James, Trixie, Mikee, Yza at Lyn, uuwi rin sa kani-kanilang mga provinces kaya hindi rin kami magiging kompleto kung mag-se-set ng bonding sa bakasyon.

"Umaarte ka na naman, bakla!" asar ni Ann kay Cip at nakisali pa sina Quincy.

"Enz, oh. Inaaway nila ako," nakangusong sumbong ni Cip sa kanya at kumapit pa siya sa braso ni Enz kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Sa harap ko pa talaga!" kunwaring nagseselos na sabi ko pero tinawanan lang ako ni Enz sabay halik sa noo ko.

"I love you," bulong niya pa sa akin kaya napangiti ako

"I love you," balik ko naman kaya nagparinig si Cip.

"Oh sige, maglandian kayo sa harap ko. Bastusin niyo pa ako," kunwaring naiinis na sabi niya kaya natawa kami at nilagyan ko na lang siya ng isa pang slice ng pizza sa plate niya.

"Gutom lang 'yan, baks. Kumain ka na nga," sabi ko pa at umiling naman siya.

"Ibang gutom 'to, Aly. Gutom sa lalaki 'to," seryoso niyang sabi kaya lalo kaming nagtawanan. "Sige, tawanan niyo pa ako at ang pagiging loveless ko!"

"Hoy bakla, wala rin kaya akong love life," sabi naman ni Lyn at nakisali pa sina Mikee, Wendy, Ann at Yza.

"Kami rin, 'no!" duktong pa nila. "Kasali na naman tayo sa SMP..."

"Samahan ng Magagandang Psych majors!" pagtatapos ni Cip sa sentence nila at nag-apir-apir silang anim.

"Ang mga kaibigan ko talaga, ang hilig magbuhat ng sari-sarili nilang bangko," sabi naman ni Dian kaya nagsimula na silang magbatuhan ng asaran na nauwi na naman sa tawanan.

Ang ingay-ingay na naman, talagang sinusulit na rin namin 'to dahil dalawang linggo rin naming ma-mi-miss ang isa't isa.

"Ikaw, Aly... ano nga pala ang plano niyo ni Enz sa Christmas break?" baling sa akin ni Trixie pagkatapos nilang mag-kuwento ni Quincy tungkol sa mga plano nila kasama ang kanya-kanya nilang boyfriends para sa darating na break.

"Wala pa," sagot ko at nakita ko na parang naghihintay pa sila ng paliwanag kaya nagpatuloy ako. "Hindi pa kasi namin napag-u-usapan talaga."

"Sigurado naman akong may plano na 'tong si Enz," singit naman ni Yza. "Si Enz pa ba?" duktong niya pa at nag-a-alangan namang ngumiti si Enz pero ako lang yata ang nakapansin nun.

Sina JP at James lang ang walang imik tungkol sa pinag-u-usapan namin dahil may iba silang topic. Malamang tungkol na naman 'yon sa mga chicks dahil rinig na rinig namin ang maloko nilang tawanan habang may tinitignan sila sa phone ni JP.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon