Step - 3.

3.5K 100 26
                                    

Hanggang 2 PM lang open ang Ninyo at around 6 PM pa ulit sila mag-re-resume kaya pagkatapos naming kumain ng lunch, umalis na rin kami ni Enz.

Medyo na-traffic kami ni Enz kaya inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagte-trace ng circles sa right hand niya.

"Ayoko pang umuwi," mahinang sabi ko.

Wala naman kasi akong kasama sa bahay. Nasa grocery pa sina Mama't Papa kasama sina Tito Anton, Tita Lorna at Lhexine.

"Gusto kitang i-uwi," sagot niya kaya hinampas ko ang dibdib niya.

"Enz!"

Nilakihan ko pa siya ng mga mata at tumawa lang siya. Maya-maya, inilapit na niya ang labi niya sa tenga ko tsaka siya bumulong ng kung anu-ano.

"Gusto kitang i-uwi. Gusto kitang pakasalan, gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka. Gusto kong gumising sa tabi mo palagi, gusto kong ikaw ang una kong makikita sa umaga at ikaw ang huli kong makikita sa gabi..."

"Stop it! You're making me blush," saway ko sa kanya pero ngiting-ngiti naman ako.

"I like making you blush," sabi niya pa bago niya hinawi ang bangs na humaharang sa mga mata ko. "You're beautiful when you blush."

"Only when I blush?"

"You're beautiful every time," seryosong sabi niya at inangat niya pa ang baba ko para magtama ang mga tingin namin.

"Kiss mo nga ako?"

"Ngayon na?" nabiglang tanong niya.

"Ngayon na," ulit ko at napapikit na lang ako habang unti-unting naglapit ang mga mukha namin.

Hawak niya ang magkabila kong pisngi at naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa akin. We shared a sweet and gentle kiss inside the car.

Pareho kaming naghahabol ng hininga nang humiwalay kami sa isa't isa. Rinig namin ang sunud-sunod na busina ng sasakyan sa likod namin at natawa na lang kami nang makita naming umandar na pala ang mga sasakyan.

Nag-drive na rin naman si Enz bago pa kami makarinig ng kung anu-ano sa mga sasakyan sa likod. Dadaan daw muna kami sa mall dahil ayaw ko pa ngang umuwi.

"Photo booth muna tayo, please?" request ko sa kanya pagkatapos niyang palagyan ng load ang card niya sa TimeZone. "Hindi na natin natuloy-tuloy 'yon."

"Noong inaya mo kasi ako dati, nabangga ka kay Leni kaya nakalimutan na natin," sabi niya at hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Hayaan mo, Ai... kahit sa pader ako mabangga ngayon, hindi na natin kakalimutan," paninigurado ko at tumawa naman siya.

"Ang cute mo talaga," sabi niya pa bago namin pinuntahan ang photo booth. Kung anu-anong poses ang ginawa naming dalawa sa mga shots at pareho kaming kumuha ng copy.

Pagkatapos namin sa photo booth, inaya niya naman akong pumunta sa isa sa mga claw catchers. Susubukan niya raw na ikuha ako ng stuffed toy.

"Mahilig ka sa elephants, 'di ba?" sabi niya bago niya i-swipe ang card. "Kapag nakakuha ako, kiss mo ako. Kapag hindi, i-ki-kiss kita."

Itinaas-baba niya pa ang kilay niya habang nakanguso at nakalapit ang mukha niya sa akin kaya pabiro ko siyang itinulak palayo.

"Ikaw talaga!"

"Joke lang," bawi niya at nag-swipe na siya ng card. "Alam mo namang malakas ka sa akin kahit walang kiss," duktong niya pa bago niya sinimulang pindutin ang mga buttons sa machine.

"I want the grey one," nakangisi kong sabi sa kanya habang itinuturo ko ang gusto ko. Iba't iba ang colors ng mga stuffed elephants pero nag-i-isa na lang 'yong color grey. "Go, Ai! You can do it!" cheer ko sa kanya habang inilalapit niya ang claw sa gusto kong stuffed toy.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon