Step - 22.

1.8K 57 12
                                    

Iyak ako nang iyak pero hindi ko magawang habulin si Enz dahil sinabi niyang pabayaan ko na muna siya.

I want to. Gustung-gusto ko siyang sundan pero nagmakaawa siya sa akin na hayaan ko muna siyang mapag-isa kaya wala akong nagawa kung hindi sundan ng tingin ang taxi na sinakyan niya.

Hindi ko alam kung para ba akong zombie na mugto ang mata nang pumasok ako pabalik sa Xela kaya naisipan kong yumuko. Tahan na ako pero mabigat ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.

Hindi ako nakaligtas sa mapanuring tingin ng mga pinsan ko kaya hinila agad ako nina Ate Stephanie sa table nila.

"What's wrong? Where's Enz?" sunud-sunod pa nilang tanong ni Ate Chloe sa akin at pinalibutan na ako ng mga pinsan kong babae.

"I'm okay," paninigurado ko at sinubukan kong ngumiti sa harap nilang lahat.

"Malungkot lang ako kasi umuwi na si Enz. Hindi na nga siya nakapagpaalam sa inyo kasi sobrang urgent."

"Sayang! Akala pa naman namin, makakainuman namin si Enz ngayong gabi," rinig ko namang sabi ni Cole.

"Pero bakit parang umiyak ka?" tanong naman sa akin ni Louise at umiling na lang ako.

"It's just cold," palusot ko at kinuha ko agad 'yong bote ng beer na kakabukas lang ni Tyler. "Let's just drink. Wala namang dahilan para umiyak ako," sabi ko pa at dire-diretso kong ininom ang hawak kong beer.

"Woah, Aly. Easy!" away naman sa akin ni Kuya Ryan pero hindi ako nakinig at nagsimula na agad ako sa pangalawa kong beer.

"Can we go to a bar later? Perhaps, after ng program and after nating salubungin ang Christmas? May malapit dito sa Xela, right?" aya ko pa sa kanila at sabay-sabay silang napatingin sa akin.

"May problema ka ba? You can tell us," worried na sabi ni Ate Kristine.

"Wala. Ano ba naman kayo, I am perfectly fine!" Liar. "I just wanna have fun tonight kasi na-miss ko kayo." I just wanna forget the pain.

"Nag-away ba kayo ni Enz?" tanong naman sa akin ni Celine na kapatid ni Ate Chloe kaya napailing na naman ako.

"Hindi. Wala naman kaming dapat pag-awayan." Kasi wala na kami.

"Pagbigyan niyo na si Aly, mukhang may pinagdadaanan 'to kahit ayaw sabihin," sabi naman ni Kuya Eaton na umakbay pa sa akin.

"Member ka na rin ng SMP? Samahan ng Masasakit na Puso?" biro naman ni Tyler at nagulat silang lahat nang tuluyan na akong umiyak.

"Fuck you, Ty! Napaka-insensitive mo talaga!" sisi agad ng mga pinsan ko.

"Aly! Sorry na! Sabi ko naman kasi sa'yo walang forever," apologetic na sabi ng pinsan ko pero lalo lang akong umiyak.

"Gago, Kuya Ty! You're not helping!" saway ng kapatid niyang si Geoff sa kanya.

"Please... make me forget," pakiusap ko sa kanila.

Walang pumapansin sa amin dahil nagkakasiyahan lahat sa games. Nag-u-umpisa na kasi ang program para sa family reunion namin.

"Kurt, give me my keys. We're going," utos ni Kuya Ryan sa kapatid niya at ibinato naman ni Kurt ang susi ng SUV sa kanya. "Aly, stop crying. Do you want them to see you like that?" Saway niya pa sa akin at inabutan niya ako ng tissue para punasan ang pisngi ko.

Hindi na ako umimik habang kinakalma ko ang sarili ko. Ang mga pinsan ko naman, isa-isang nagpaalam sa mga parents nila na aalis kami dahil nagka-ayaan daw na mag-party at manlilibre si Kuya Ryan dahil ngayon na lang ulit kami nagkita.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon