Step - 28.

1.7K 61 6
                                    

Ilang linggo na rin ang nakalipas. Pinipilit kong maging okay dahil ito ang dapat kong gawin para sa sarili ko.

Kailangan kong tanggapin na may mga bagay at tao akong kailangang pakawalan kahit na gusto ko pa itong ilaban. Dahil may mga bagay kang kailangang ipatalo para sa taong mahal mo. At kung ang pag-iwas ko ang hinihingi niya, gagawin ko. Para sa kanya. Dahil mahal ko siya.

"Aly, hold this," inabot sa akin ni Cip ang isang one-fourth illustration board kung saan may nakasulat na free hugs sa malalaking letra gamit ang black marker.

"What?! No! Ikaw ang may idea n'yan, you do it," tanggi ko agad.

"Gagawin ko rin 'yan," sabi niya naman at pinagpilitan niyang hawakan ko ang illustration board. "Lahat tayo may ganyan, hindi lang ikaw."

The whole Psychology department was randomly divided into four teams: yellow, green, red and blue. These teams are required to put up a booth together with us, the officers, as a part of the celebration of our Psychology week which starts today.

"Bantay na lang ako sa booth," sabi ko pa pero umiling lang siya.

"The year level representatives will do that. But as for you, Miss Vice President-External, sasama ka sa amin. Napag-usap na natin 'to sa meeting, 'di ba?"

Ang theme ng booth namin, Random Acts of Kindness kung saan pwedeng bumunot sa fishbowl ng kindness ideas.

This is to pay homage for the International Random Acts of Kindness week and also, to make other people happy in simple ways that we can do.

This 'free hugs' campaign is also a part of this project because according to Cip, 'sometimes, when you don't know what to say, a hug says enough'.

Ito rin ang first project namin as the new batch of officers dahil tapos na ang term namin nina Kuya Cent. Actually, to run for a higher position (or to run for another term) is not in my plans but I have to support Cip.

Isa pa, last week ng January ang campaign period and I saw that opportunity as a good way to distract myself.

"Ate Aly, isipin mo na lang na for a good cause naman 'to, na makakapagpangiti tayo ng mga tao. You can do it," sabi naman ni Jam, ang auditor namin.

"Isa pa, Valentine's na sa Sabado, you know..." itinaas baba pa ni Eunice ang kilay niya. Siya naman ang partner ko, ang vice president-internal.

"Malay mo makahanap ka ng date mo," dagdag pa ni Cip.

"Hindi naman ako naghahanap. Tama na muna sa love love na 'yan," iling ko. "Fine, I'll do it. Just enough with the love life talks," sabi ko pa at pumwesto na kami sa Plaza Mayor.

Humiwalay ng location sa university ang iba sa amin kaya iilan lang kaming naiwan dito.

"Free hugs!" pangunguna ni Gabe na nasa kanan ko.

Nakangiti siya at kitang-kita ang dimples niya habang may ilang babae na lumapit sa kanya para yumakap. Kay Sue rin na nasa left side ko, may mga lumapit na. Mostly guys.

"Aly, kaunting effort naman para bumenta ka. Smile!" biro ni Cip na nasa likod ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Leche!" asar kong sabi at ibabato ko na sana ang hawak ko pero may kumalabit sa akin kaya napalingon ako.

"Pa-hug naman," sabi niya nang magkaharap na kami kaya excited ko siyang niyakap.

"Kiel!" ngiti ko at sinuklian niya rin naman ang yakap ko.

Binuhat niya ako at inikot-ikot kaya tawa ako nang tawa. Tinutukso na kami ng mga kasama ko pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Anong ginagawa mo rito? Ba't hindi mo sinabi na pupunta ka?" tanong ko.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon