Step - 26.

1.8K 53 27
                                    

Almost three weeks have passed since our classes resumed. Halos isumpa 'to batchmates ko dahil sa kabi-kabilang deadlines.

Every week nag-su-submit kami ng output sa thesis kahit drafts lang para ma-monitor ng professor namin at respective thesis advisers ang progress ng ginagawa naming study.

Sumasabay pa ang mga professors namin sa ibang minors sa pagpapagawa ng kung anu-anong projects at reporting.

Usually, panay na rin dapat ang reklamo ko. Ayokong-ayoko kasi na natatambakan ako ng school works na para bang walang katapusan.

Pero ngayon, nagpapasalamat pa ako na tambak kami ng gawain. At least, may diversion ako kahit papaano.

"Ewan ko kung nagpapaka-grade conscious ka lang na hindi mo naman ugali o gusto mo lang talagang patayin ang sarili mo kaya kulang na lang, ikaw na ang tumapos ng lahat kahit na group project 'yan," nakahalukipkip na sabi ni Lyn habang nakatayo siya sa gilid ko at pinapanuod akong mag-edit sa laptop ko.

Vacant namin ngayon pero abala ako sa paggawa ng brochure tungkol sa disorder na assigned sa amin para sa Abnormal Psychology naming course.

"Madali lang naman 'to," kibit-balikat kong sagot. "Maupo ka na nga. I'm almost done," sabi ko pa at naupo naman siya sa tabi ko.

"Si Shane dapat ang gumagawa n'yan. Ikaw na nga ang nagsulat ng fractured fairytale, 'di ba? Bakit pati 'yan sa'yo?" pagpapatuloy niya pa.

"I told her that I'll do it. Kaya ko naman," sagot ko at ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

"Cip, pagalitan mo nga 'to," rinig kong sabi niya. Naghanap pa talaga siya ng kakampi sa kadarating lang na si Cip kasama si Yza.

"Oh, bakit ikaw gumagawa n'yan?" tanong ni Cip nang bumaling siya sa akin. Magkaka-group kami para rito dahil alphabetical ang groupings.

"Matatapos ko na. 'Wag mo na akong pagalitan," sagot ko at narinig ko ang buntong-hininga niya sa likod ko.

"Kumain ka na ba?" tanong na lang niya at ibinaba niya sa tabi ng laptop ko ang dala nila ni Yza na brown paper bag galing sa Jollibee. "Kumain ka nga muna."

"I am not hungry," tanggi ko. "Pero salamat."

"Hoy, umayos ka nga," seryoso niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Nangingilid ang luha sa mga mata ko kaya niyakap niya agad ako. "Hindi na ba naayos?"

"Hindi na. Ayaw na talaga niya," iiling-iling kong sabi at nagsimula na akong umiyak sa balikat niya. "Hindi ko alam kung paano pa magiging maayos."

Medyo nataranta ang mga kaibigan ko nang makita nila akong umiiyak. Alam naman nila ang nangyari. Napansin nila na hindi na ako sinusundo ni Enz at sinasabayan pauwi.

"Tara nga sa labas. You need air," sabi naman ni Cip at inalalayan niya ako patayo.

Si Lyn naman binuhat ang laptop ko at si Yza ang may dala ng gamit ko. Kaming apat lang ang magkakasama dahil kumakain pa sa labas ang iba naming kaibigan.

Hinang-hina ako habang naglalakad kami palabas ng library at parang bigla akong nahilo dahil siguro galing kami sa malamig na lugar at biglang uminit.

"Cip! Si Aly!" Ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Masakit ang ulo ko nang idinilat ko ang mga mata ko. Napangiwi ako at napahawak sa noo ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero puro puti ang nasa paligid ko at nakasuot pa rin ako ng uniform.

"Nurse Cynthia, gising na siya!" rinig kong sabi ni Lyn. Lumingon ako at pinagmasdan ang paligid kung nasaan kami.

"Bakit nasa clinic tayo?" nagtatakang tanong ko sa kanila habang hawak ko ang sentido ko.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon