Step - 17.

1.8K 65 21
                                    

If I can, I would take away Kiel's pain and his sadness. I would do anything for him to stop hurting, to love him just the same. But I can't. I cannot hurt Enz for Kiel anymore. It will always be him, it will always be Enz in a heartbeat.

"Alyson!" tawag ni Mama mula sa kusina. Halos kakagising ko lang at tulog pa si Kiel nang dumaan ako sa kwarto niya kaya pinabayaan ko muna siya.

"Ma, bakit?" tanong ko habang hinihintay kong mag-load ang mga messages ko sa Facebook.

"Ano ba 'to mga cellphones na nakalagay sa bigas?" tanong niya. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko siyang nakapamaywang.

"That's my phone and Kiel's, Ma. Nabasa rin kasi ng ulan kahapon," paliwanag ko sa kanya.

"Sabi ko naman sa'yo, iingatan mo iyong mga binibili namin ng papa mo dahil hindi naman namin pinupulot ang pera," sermon niya sa akin. "Sayang naman itong cellphone niyo ni Kiel kung masisira."

"Sorry, Ma," nahihiya kong sabi dahil regalo nila ni Papa ang phone na 'yon noong birthday ko.

"Tignan mo mamaya kung gumagana pa, 'pag hindi ipa-repair na lang natin," sabi niya pa at tumango naman ako. "Kumusta si Kiel?"

"Natutulog pa siya nang dumaan ako sa kwarto niya kanina pero normal na ulit ang temperature niya," sagot ko.

"Ihahatid na lang daw siya ng papa mo mamaya. Nag-aalala na rin kasi ang Tita Ges mo. Tumawag siya kaninang madaling araw dahil wala si Kiel sa bahay nang dumatinh sila galing sa ospital. Ikaw raw ang alam niyang kasama dahil nagpaalam nga raw na magsisimba kayong dalawa," kuwento naman ni Mama. "Sa amin ng papa mo, hindi ka nagpaalam. Basta-basta ka na lang umalis kahapon. Hindi namin nagustuhan 'yon, Alyson," seryoso niya pang duktong kaya nag-apologize na lang ako imbis na magpalusot. Mali naman talaga ang ginawa ko.

Iniwan din naman ako ni Mama at bumalik na siya sa kusina para magluto ng almusal. 36 hours pa ang hihintayin ko para i-check kung gagana na ba ang phone ko.

Nag-message muna ako kay Kuya Timothy gamit ang laptop ko para humiram ng phone dahil baka may spare pa siya. Mas madali kasing way of communication ang phone ngayong malayo si Enz sa akin.

Alyson Ruiz:
Kuya Timothy, are you busy? Nasa office ka?

Timothy is typing...

Timothy Padilla:
No, I am not that busy. I am only checking the inventories so... what's up?

Alyson Ruiz:
Pahiram naman ng phone? Nabasa ng ulan 'yong akin kahapon. Hassle! 😭

Timothy Padilla:
Sira na 'yong dati kong phone kaya nagpalit ako. Si Ate Alex mo, may spare phone pa. I'll talk to her. Papayag naman 'yon.

Alyson Ruiz:
Thank you, Kuya! 😘 Punta ako sa bahay niyo mamaya, ha? Kunin ko.

Timothy Padilla:
Sige, no problem. 😜 Btw, I have to go. I'm needed outside. See you later.

Alyson Ruiz:
See you!

Bago ako mag-off sa Facebook, pinindot ko muna 'yong isa pang tab kung saan nag-lo-load ang inbox ko kanina at nakita ko na si Enz pala 'yong nag-message. Kagabi pa 'yon at sunud-sunod ang messages niya sa akin.

Lorenz Antonio Chua:
Check your Viber, please.

Lorenz Antonio Chua:
Hey Ai, why are you not replying?

Lorenz Antonio Chua:
I'm starting to get worried. Kinausap ko si Tita Elena, umalis ka raw at hindi ka nagpaalam. Saan ka nagpunta?

Lorenz Antonio Chua:
Are you home already? Please vibe or chat me when you get home. I'm really worried about you. 😪

Lorenz Antonio Chua:
Aly, where are you?

Lorenz Antonio Chua:
Aly! I'm worried sick! I will seriously book the earliest flight back there just to find you and I'm not kidding.

Lorenz Antonio Chua:
That's it, Aly! I'm going home!

His last message was sent around eight o'clock last night. Pauwi palang siguro kami ni Kiel no'n at hindi ko na rin naman nagawang mag-online kagabi dahil inalagaan ko pa si Kiel. Nakatulog na rin naman ako nang lumabas ako sa room niya dahil sa sobrang pagod.

Nag-reply agad ako kay Enz pagkatapos kong basahin ang messages niya pero hindi naman siya naka-online kaya maya-maya niya pa siguro 'to mababasa.

Alyson Ruiz:
Sorry kung hindi agad ako nakapag-reply, Ai. Nabasa ng ulan ang phone ko kagabi. I'll explain later. But I'm okay. Sorry kung nag-alala ka pa. 😪 Please do not go home impulsively and enjoy your trip. Malulungkot n'yan sina Tita, sige ka.

Sana, hindi niya itinuloy ang plano niyang pag-uwi. Kararating lang nila ro'n kahapon at sayang naman kung uuwi rin agad siya dahil lang nag-a-alala siya sa akin. I don't want to ruin their family trip.

"Good morning," rinig kong bati ni Kiel kaya bahagya akong na-distract sa mga iniisip ko.

"Good morning," balik ko naman.

Kukumustahin ko sana siya pero tinawag na kami ni Mama para kumain ng almusal. Inutusan din ako ni Mama na tawagin si Papa na nasa study room para sabay-sabay kaming kumain.

"Good morning po, Tito, Tita. Thank you for letting me stay last night," grateful na sabi ni Kiel habang nasa dining area kami.

Kinumusta naman siya nina Mama't Papa at hindi ako masyadong nakisali sa usapan nila dahil iniisip ko pa rin ang messages ni Enz sa akin.

Konti lang ang nakain ko at nag-excuse muna ako para magpahangin sa terrace. Sumunod naman si Kiel sa akin kaya naiwan sina Mama at Papa na sinundan lang kami ng tingin.

"May problema ka ba? Parang kanina ka pa bothered," sabi niya naman at tumabi pa siya sa akin sa upuan.

"It's nothing," tanggi ko agad.

"You can tell me," pamimilit niya at umiling naman ako.

"Wala nga," sagot ko at iniba ko na ang usapan. "Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam mo. Ihahatid ka raw ni Papa maya-maya dahil nag-a-alala na sa'yo sina Tita Ges."

"Thank you for taking care of me," nakangiti niyang sabi pero sumeryoso rin naman siya. "Sorry rin pala sa lahat."

"Kalimutan na natin 'yon," nakangiti kong sabi at tumango naman siya. "We can always have a fresh start, right? Fresh start as friends," duktong ko pa at inilahad naman niya ang kanang kamay niya sa akin.

"So... friends again?" sabi niya pa habang hinihintay niyang kunin ko ang kamay niya.

"Friends again," sabi ko naman at kinamayan ko na siya.

"Hug?" nag-a-alangan niyang sabi at hindi naman ako nagdalawang isip na tumango. Wala naman sigurong masama dahil wala naman 'tong malisya para sa akin.

Natawa na lang ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya nang pumayag ako at mahigpit na yakap agad ang ibinigay niya sa akin. Niyakap ko rin naman siya at napangiti na lang ako nang bumulong siya sa akin.

"I'm glad we're friends again. I promise to respect my boundaries this time," bulong niya at tinapik ko naman ang likod niya. "Thank you, Aly."

"You're always welcome, Kiel."

"Nakakaistorbo ba ako?"

Agad akong humiwalay kay Kiel nang marinig ko ang boses niya.

"Enz!" gulat kong sabi nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng bahay namin. Totoo ngang umuwi siya. Umuwi siya para lang masigurado niyang safe ako.

"I got the earliest flight possible and went straight here because I was so worried about you last night," seryoso niyang sabi.

Napansin ko na parang wala pa siyang tulog habang nasa gilid niya ang luggage at bag niya.

"But here you are. You're safe and you're hugging someone else. Great!" sarcastic niyang sabi at napailing na lang siya sa amin ni Kiel.

"You got it all wrong, Enz. Please let me explain," pakiusap ko at binuksan ko ang gate ng terrace para lapitan siya pero umatras lang siya dala ang luggage at bag niya.

"No, Aly," muli siyang umiling at disappointed siyang tumingin sa akin. "This time I don't want to hear it."

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon