Step - 29.

1.9K 54 28
                                    

Hindi ko alam kung sino ang nagpauso ng term na 'walang forever'. Literally speaking, mayro'n naman talagang forever. Nasa dictionary, sa letter 'f'. Hanapin mo kasi madali namang makita, mahirap lang panindigan ang kahulugan.

for•ev•er [fəˈrevər]
adverb

1. for all future time; for always
2. continually

Nakakatawa kapag naalala ko ang mga binitiwang pangako. Ang mga salitang basta-basta na lang nawalan ng kahulugan dahil may isang nagdesisyong bumitiw at umalis na sa buhay mo. Nakakatawa... pero bakit walang masaya? Bakit walang nakangiti?

Parang kailan lang noong una kong nakita si Enz sa bus pero mag-i-isang taon na pala sa isang buwan. March 3 to be exact. 'Yon din ang birthday ni Kiel. How ironic. Parang nanadya talaga ang tadhana na paglaruan kaming tatlo.

"Wala ka bang pasok?" tanong sa akin ni Kuya Timothy habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya na nakaparada sa harap ng compound namin. Sa bahay siya natulog kagabi dahil pinalayas siya ni Ate Alex.

"Mayro'n pero college week tapos sports fest lang naman today," sagot ko. "Alam mo namang hindi ako sporty type kaya hindi na lang ako pumasok. Kaya na nila 'yon," sabi ko pa. Ako na ang nagbukas ng compartment dahil may buhat siyang dalawang boxes na galing sa akin.

"Ah, okay. What are these boxes, anyway?" tanong niya habang inaayos niya ang pagkakalagay ng mga 'yon sa compartment niya. "Balikbayan box pa 'yong isa."

"I'm decluttering," maikli kong sagot. "So... tell me, bakit ka pinalayas ni Ate Alex kagabi? Inaantok na kasi ako kaya hindi ko na kayo masyadong inintindi nina Mama no'ng dumating ka," pag-i-iba ko ng usapan.

"Ang pangit ko raw, eh. Naiinis daw siya sa mukha ko," buntong-hininga ni Kuya Timothy at tawa naman ako nang tawa.

"Sa guestroom nga dapat ako matutulog pero ayaw niya raw talagang maramdaman ang presensya ko sa bahay kaya pinalayas ako. Binato pa nga 'yong mga damit ko sa labas," paliwanag niya.

"Seryoso? Mukhang ikaw ang pinaglilihan ni Ate Alex, ah?" sabi ko naman nang humupa ang tawa ko.

"Topak lang yata 'yon. Ewan. Magtatatlong buwan na siyang buntis tapos laging sa akin galit," napailing siya at isinara na niya ang compartment. "Kalat ba talaga ang laman ng mga kahon na ito o ayaw mo lang makita?" tanong niya naman at nagkibit-balikat lang ako.

"I don't wanna talk about it," pag-iwas ko. "Basta... we have to dispose those boxes."

"Gusto mo munang pumunta sa beach house before we get rid of those?" tanong niya habang pinapaikot niya ang susi ng kotse sa index finger niya. "Para makapag-isip ka."

"The one in Bataan? 'Yong ibinigay ni Lolo sa'yo?" tanong ko at tumango naman siya. "Sure," sagot ko kaya sumakay na kami sa sasakyan niya.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang isinusuot niya ang seatbelt niya.

"I want Chinese," wala sa sariling sagot ko bago ako napailing. Naalala ko na naman si Enz, this should stop. "I changed my mind. Just pizza. Then strawberries and cream sa Starbucks, please? Tall lang."

"Okay," tango niya at pinakialaman ko naman ang iPod na naka-connect sa stereo niya.

"Can I play it?" tanong ko at tumango naman siya.

Pinindot ko na ang play button at sumandal ako sa headrest ng shotgun seat. Walang pangalan 'yong track na napili ko kaya hinintay ko 'yong magsimula.

Noong iwan mo ako nang walang pasabi at pangako ng pagbabalik, umiyak ako buong gabi...

Napamura agad ako nang marinig ko ang unang verse ng tula. Sinubukan kong 'wag mag-react at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa bintana.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon