Step - 11.

3K 74 15
                                    

"Uy En—wow, ang galing! May babaeng kasama," sarcastic kong bulong sa sarili ko nang makita ko siyang pumasok ng library.

May kasama siyang babae at tumatawa sila habang naglalakad. Malaki ang ngiti niya nang magtama ang mga mata namin pero nag-iwas agad ako ng tingin.

Nako Lorenz Antonio Trinidad Chua, 'wag na 'wag mo akong malapit-lapitan!

"Hi," rinig kong sabi niya mula sa likuran ko. He even hugged me and kissed the top of my head. "Busy'ng-busy ka, ah?" duktong niya pero hindi ko siya pinansin.

"Uy, bakit wala ka yatang imik?"

Kinalabit niya pa ako pagkatapos niyang maupo sa vacant carrel sa tabi ko pero nagpanggap akong walang naririnig.

"Uy..." Nagpatuloy siya sa pangungulit pero inirapan ko lang siya. "May kasalanan ba ako? Ai naman..."

"Ai mo mukha mo," inis kong sagot sa kanya.

"Bakit ka naiinis sa akin?" inosenteng tanong niya at gusto ko agad siyang sabunutan dahil hindi niya alam kung bakit ako naiinis.

"Bakit ako tinatanong mo?!" inis kong sabi at medyo napataas ang boses ko kaya tumingin sa akin ang ibang students.

"Oh, 'wag ka raw maingay," asar sa akin ni Enz kaya lalo akong nainis sa kanya.

"Kasalanan mo," mahina pero pa-angil kong sabi.

"Hindi ko nga alam kung anong kasalanan ko sa'yo?" umilinh siya at halatang nagpipigil ng tawa. "Time of the month ba, Ai? Ang lakas ng topak mo ngayon, ah."

"Hindi ako natutuwa. Tumatawa ba ako?" gigil kong sabi sa kanya pero ayaw niya pa rin magseryoso.

"Bakit nga kasi? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit hindi mo itanong do'n sa kasama mong babae?" asar kong balik.

"Ah, si Jen?" tanong niya na para bang dapat kilala ko na ang babae na kasama niya kanina. "She's just a friend. Irregular student siya kaya ngayon mo lang siya nakita."

"Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa kanya," masungit kong sagot.

"Pero nagpapaliwanag ako kasi wala lang naman 'yon. Ipapakilala pa nga kita dapat sa kanya kaso mukhang busy ka raw kaya sabi niya next time na lang," depensa niya at mahina niya pa akong siniko. "Selos ka?"

"Bakit naman ako magseselos?" Tinaasan ko pa siya ng kilay pero ibinaba niya lang 'yon gamit ang daliri niya.

"Stop frowning," saway niya. "It's really nothing. There's no reason for you to be jealous."

"If it's nothing, why are you with her a while ago? Bakit sabay kayo pumasok dito sa library? And you're even laughing with her!" I pointed out.

"I saw her heading here after the exams so I decided to walk with her," paliwanag niya.

Morning ang schedule ng exams ni Enz at afternoon naman ako kaya mas maaga ang pasok niya.

"And I am laughing with her because she was telling me a funny story about her boyfriend," duktong niya pa.

"So, may boyfriend siya?"

"Yes, five years na sila."

"Bakit alam mo? Interesado ka sa kanya?"

"Hindi gano'n."

"Eh, ano?"

"Well, she told me. And I told her about you," he patiently explained.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon