Alternate Ending

2.9K 60 16
                                    

FIRST YEAR

These things have become a routine for us every Friday night. The usual coffee shop, our breaks whenever he thinks that I'm being too serious in studying, the short walks back to my apartment... me and him.

"Stop staring!" saway ko nang i-angat ko ang tingin ko. Nahuli ko siyang nakangiti habang nakatitig sa akin. "Para kang sira."

"What?" ngisi niya. "I like watching you study," he reasoned out.

"Ay, nako. Tigilan mo nga ako." irap ko sa kanya at ibinato ko ang yellow highlighter na hawak ko. "Inumin mo na nga lang ang kape mo."

"Malamig na, eh. I'll buy a new cup instead," sagot niya. "Ikaw? Do you need another cup of tea?" tanong niya pa. He knows that I don't like coffee.

"Yes, please," tumango ako at ngumiti sa kanya. "Thank you."

Pansamantala siyang umalis para bumili ng panibagong coffee at tea. Tahimik siyang bumalik sa pwesto namin at ibinaba niya ang tea sa harap ko. Muli akong nagpasalamat bago bumalik sa pagbabasa at hindi na niya ako inistorbo pa.

"May tanong ako," sabi ko habang naglalakad kami pabalik sa apartment ko. Malapit lang ito sa medicine school kung saan ako nag-a-aral at sa coffee shop na madalas naming puntahan.

"Oh?" balik niya nang lumingon siya sa akin. Buhat niya ang makakapal kong libro at notes na ginagamit ko sa pag-aaral.

"Why do you keep doing this?" diretso kong tanong at kumunot naman ang noo niya. "I mean, these things. For me. Watching me study, walking me home... I just don't get it. It's a waste of time. Halos hindi na nga tayo nag-u-usap dahil pre-occupied ako sa p-a-aral most of the time. Isa pa, you're busy as well."

"Hindi naman ako 24/7 busy, Aly," sagot niya. "I can still make time for you."

"But... why?" mahina kong tanong.

Huminto kami sa harap ng apartment ko bago niya ako hinarap. Inabot niya ang mga libro at notes ko na buhat niya kanina bago niya sinagot ang tanong ko.

"I think you already know the answer to that question," hinalikan niya ang noo ko bago siya ngumiti. "Good night, Aly. Pumasok ka na, malamok dito sa labas."

SECOND YEAR

I watched as the trickles of raindrops raced. The rain is pouring hard and I'm trapped inside our building because I forgot to bring an umbrella with me.

"Nasa school ka pa? Ang lakas ng ulan," tanong niya nang sagutin ko ang tawag niya.

"Yes. Wala kasi akong dalang payong," sagot ko sabay baling sa labas. "Ang hirap ding maghintay ng tricycle na maghahatid sa akin sa apartment. Ang dami kasing nag-a-agawan sa pagsakay. Baka sumugod na lang ako sa ulan."

"Papunta na ako. Susunduin kita. 'Wag kang aalis d'yan," dire-diretso niyang sabi.

"Nasa clinic ka pa, 'di ba? 'Wag na. Kaya ko naman," tanggi ko.

He's already in his sixth year, his last year for his program. He's been busy with his patients, papers and exams but he still manages to make time for me.

"I'm done with my last patient. Don't argue with me anymore," sagot niya. "I'm coming so stay there." 

"Fine! Mag-ingat ka, please? Delikado sa daan. Ang lakas ng ulan," bilin ko at narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.

"I'll be fine. Promise," paninigurado niya bago niya ibinaba ang tawag.

Naupo ako sa isang baitang ng hagdan habang pinagmamasdan ko ang madilim na langit sa glass wall ng med building.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon