Step - 10.

2.8K 95 30
                                    

Hindi ako mapakali habang itinatapik-tapik ko ang mga daliri ko sa dashboard ng sasakyan ni Kuya Timothy.

Hindi naman traffic at malapit na kami sa Xela pero pakiramdam ko, hinihila ang oras. Na parang imposibleng may maabutan pa kami.

"Stop biting your lips, Aly. It's going to bleed if you continue to do that," mariing saway sa akin ni Kuya Timothy nang muli na naman akong napakagat sa labi ko.

"Enz is looking for me..." sabi ko naman habang nakatingin sa phone ko na puno ng text messages galing kina Kuya Elmo at kay Enz.

Almost everyone's looking for me. Kahit ang mga college friends ko na invited, hinahanap din ako dahil naghihintay sila ng signal ko para sa isa pang surprise. Kasali sana ang barkada pero mas kailangan nilang samahan si Kiel.

"Malamang," sagot niya habang diretso siyang nakatingin sa kalsada at naka-focus sa pag-da-drive niya.

"Are you still mad at me? I'm sorry," panunuyo ko pagkatapos kong itabi ang phone ko.

Wala akong sinagot na texts dahil alam kong guilty ako at mas gusto kong mag-explain in person lalo na kay Enz. I know that I have a lot of explaining to do and he deserves to hear it sincerely and not just from a text message.

"You know that you're my favorite cousin, right? So, how can I be mad? Kung tutuusin, hangga't kaya kitang kunsintihin, gagawin ko," paliwanag niya. "Pero hindi ka ba napapagod sa cycle niyong tatlo? It's never-ending, Aly."

"We're not in a cycle anymore, Kuya. Kiel is my friend and Enz is my boyfriend. That should be clear by now," paliwanag ko habang palapit na kami nang palapit sa Xela. "And this is not about the three of us. It's about Kiel's family and I want to be there for him as a friend."

"I understand your point," sagot niya. "But you still have to prioritize. Dahil baka sa susunod, maging magulo na naman. Ayaw lang kitang masaktan at ayaw ko ring makasakit ka ulit."

"Kuya, I know that you're only looking out for me and I thank you for that," sincere komg sabi. "Pero hindi naman na siguro magkakagulo. Ayoko namang mangyari 'yon."

"Dapat lang," sabi niya naman at nakita kong papasok na kami sa parking ng Xela. Sana may abutan pa kami.

"Bilisan mo. Nand'yan pa sila. I asked the guys to stall the party," sabi sa akin ni Kuya Timothy habang naglalakad kami.

Tahimik kaming pumasok sa entrance ni Kuya Timothy at pansamantala niya akong iniwan dahil pupuntahan niya raw muna si Ate Alex.

Nilibot ko agad ang tingin ko sa buong Xela. Masaya ako dahil maraming pumunta at maayos ang kinalabasan ng party. Nakita ko pa sina Tita Lorna at Tito Anton, ang parents ni Enz. Katabi nila si Lhexine, ang bunsong kapatid ni Enz, at nasa iisang table sila kasama ang parents ko.

"Good evening po, Tito, Tita. Pasensya na po kung ngayon lang ako dumating," sabi ko agad pagkatapos kong bumeso sa kanila pati na rin kina Mama't Papa.

"Don't worry, Hija. We understand," paninigurado sa akin ni Tita Lorna.

"Naipaliwanag na namin ng papa mo kung anong nangyari," bulong ni Mama sa akin kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Muli akong humingi ng pasensya kina Tita Lorna at Tito Anton bago ako nagpaalam dahil kailangan ko pang magpakita kay Enz. Nasa harap siya at kasama niya ang mga pinsan niya.

Habang naglalakad ako, nakita ko ang mga college friends ko at ang mga college friends ni Enz. Hindi sila magkakasama sa table pero magkalapit lang sila kaya bumati muna ako at nagpasalamat sa pagpunta nila.

"Uy Aly, pakilala mo naman ako ro'n sa mga boys na college friends ni Enz," bulong sa akin ni Cip habang pa-simple niyang tinuturo sina Drix.

"Mamaya na, baks! Pigilan mo muna ang harot na nararamdaman mo," nakatawang saway ko sa kanya. "Pupuntahan ko lang si Enz."

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon