Step - 15.

2K 66 19
                                    

Sunday morning, maaga ang flight nina Enz. Sumama ako para maghatid sa kanila sa airport kasama si Kuya Timothy. Tumulong pa siya sa pagbubuhat ng ibang bagahe nina Tita Lorna dahil marami silang dala.

"Salamat, Hijo," sabi pa ni Tita Lorna pagkatapos ibaba ni Kuya Timothy ang mga dala niya.

"Have a safe flight po," sabi pa ni Kuya Timothy at naghintay siya na makapagpaalam naman ako.

"Tita, mag-i-ingat po kayo," sabi ko naman at yumakap siya sa akin.

"Sayang at hindi ka makakasama, Aly," nanghihinayang niya pang sabi.

"Sa susunod na lang po," nakangiting sagot ko habang hawak niya ang kamay ko. Bumaling naman ako kay Tito Anton na buhat-buhat pa ang natutulog na si Lhexine. "Tito, enjoy po kayo ro'n."

"We will, Aly. But I'm sure my unico hijo will enjoy it more if you're with us," tukso pa ni Tito Anton kay Enz na ayaw humiwalay sa tabi ko.

"Don't make me change my mind, Dad. Baka bigla akong hindi sumama," biro naman ni Enz sa daddy niya at tinawanan lang siya ni Tito Anton.

"Oh siya, magpaalam na kayo sa isa't isa. Sumunod ka sa amin pagkatapos, Enz," sabi pa ni Tito Anton.

Itinulak na niya ang pinaglalagyan ng mga bagahe nila pagkatapos niyang ibigay si Lhexine kay Tita Lorna.

"Happy holidays to you and your family, Hija. I-kumusta mo na lang kami sa mama't papa mo," pahabol pa nina Tita Lorna.

"I will po. Have a safe flight!"

Nagpaalam na rin si Kuya Timothy kay Enz at sa labas na lang daw niya ako hihintayin pa makapag-solo daw muna kami kahit papaano.

"Uy," tawag ni Enz sa akin at marahan niya akong iniharap sa kanya. "Aalis na kami."

"I'm going to miss you," malambing kong sabi sabay yakap sa kanya. "Umuwi ka agad."

"Kung pwede nga lang, 'wag na akong umalis," sagot niya sa akin habang sinusuklian ang yakap ko.

"Ang drama natin samantalang magbabakasyon ka lang naman," nakatawa ko pang sabi kahit na malungkot talaga ako dahil kung ako lang ang masusunod, hindi ko  na siya papaalisin.

Pero ayoko namang maging selfish dahil alam kong hindi lang dapat sa aming dalawa umiikot ang relationship namin.

"Sobrankirang ma-mi-miss," sabi niya pa at pinisil ko naman ang ilong niya.

"Baka naman ipagpalit mo ako sa mga chicks sa Beijing. Lagot ka sa akin n'yan," banta ko sa kanya at tinawanan niya lang ako.

"Ngayon pa ba kita ipagpapalit?" sagot niya at hinalikan niya pa ang kamay ko. "That will never happen."

"Good," nakangiti kong sagot. "Mag-behave ka ro'n, ha?"

"Opo," tangi niya. "Ikaw rin," sabi niya pa at tumango naman ako.

"Mag-i-ingat kayo, ha? Message mo agad ako kapag nakarating na kayo tapos magpahinga ka muna bago ka mamasyal," bilin ko naman at sunud-sunod siyang tumango. Tinawag na siya ng mommy niya at humingi pa siya nh five minutes.

"Sige na, aalis na kami," paalam sa akin ni Enz at mabilis niya akong hinalikan sa mga labi ko. Muli niya akong niyakap nang mahigpit at pinanggigilan niya ng halik ang bawat parte ng mukha ko. "I love you. I love you so much."

"I love you, Ai. I'll see you soon," nakangiti kong sabi sa kanya at hinalikan niya ulit ang labi ko bago siya tumakbo papunta sa parents niya.

Kumaway pa siya sa akin at nag-flying kiss kaya umarte pa akong sinasalo ko 'yon tulad noong dati kaya pareho na lang kaming natawa.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon