Step - 7.

2.6K 102 22
                                    

Hawak lang ni Enz ang kamay ko habang naglalakad kami palabas sa dome. Maputi ang complexion niya kaya halatang-halata sa mukha niya ang pamumula. He's angry.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami. Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami ro'n sa isa sa mga benches sa labas.

"Nasaktan ba kita?" tanong niya agad sa akin pagkatapos niya akong bitiwan.

Bahagya siya lumuhod sa harap ko para pantayan ako at sinuri niya agad ang pulsuhan ko. 

"I'm sorry. Naging mahigpit yata ang hawak ko," mahina niyang sabi at hinalikan niya agad ang pulsuhan ko.

"Hindi naman ako nasaktan. It's okay," paninigurado ko. Magsasabi naman ako kapag nasasaktan na niya ako. "Medyo matagal mo lang hawak kaya siguro namula."

"Kahit na. That's not okay," sabi niya naman bago niya masuyong hinaplos ang mga labi ko na para bang binubura niya ang nangyaring paghalik sa'kin ni Kiel kanina. "That asshole..."

"I didn't kissed him back. I am your girl, remember?" nakangiting paalala ko at mabilis niya akong hinalikan sa mga labi ko.

"I love you," sabi niya pa habang nakatingin sa mga mata ko.

"I love you," sabi ko naman habang hinahawi ko ang buhok na nakaharang sa noo niya. "There's no need for you to be jealous, okay? He's a jerk. Nang-a-asar lang 'yon."

"I don't like it when he's around. He only brings trouble," mahinang sabi niya.

"He's just a friend," paliwanag ko at hinila ko siya patayo para maupo sa tabi ko. "At hanggang do'n na lang 'yon, okay? Kung hindi malinaw sa kanya, problema na niya 'yon."

"Noong nalaman kong bumalik siya, natakot ako. I tried giving him the benefit of doubt but he keeps showing his feelings. That he still wants you," seryosong sabi niya.

"Naiintindihan ko naman na hindi na siya mawawala sa buhay mo parte siya ng barkada niyo pero hindi na tama ang ginagawa niya. This should stop," dagdag niya pa.

"Don't worry, iiwasan ko na siya para hindi na kayo mag-a-away," I assured him.

"Dapat siya ang umiwas. Wala ka namang ginagawang masama. It's him who doesn't know his place," iling niya.

"He'll eventually understand," sabi ko naman.

"I hope he does," buntong-hininga niya. "Do you still want to go back?"

"Uwi na lang tayo. I'll text Sab," sagot ko.

Mas makakabuti kung hindi na muna sila maghaharap ni Kiel. Sigurado naman akong maiintindihan kami ng barkada dahil nakita naman nila kung ano ang nangyari.

"Nasa'n bag mo?" tanong ni Enz at naalala ko bigla ang red satchel na dala ko. "Naiwan mo ba sa dugout? Nando'n 'yong wallet ko kaya ako bumalik kanina," paliwanag niya.

Naalala ko na kinuha nga pala ni Sassica 'yong bag ko kanina para ilagay sa table.

"Oo, naiwan ko," sagot ko tsaka ako tumayo. "Nando'n din 'yong wallet ko, Ai. Babalikan ko na lang."

"Samahan na kita," sabi niya pero pinigilan ko siya.

"Hindi na. 'Wag na," tanggi ko. "Sandali lang ako. Kaya ko na. Baka mag-abot pa kayo ni Kiel."

"Sigurado ka?" tanong niya at tumango naman ako. "Okay. Sa gate na lang kita hihintayin," sabi niya bago niya ako hinalikan sa noo.

Marami pang students sa labas ng dome kahit gabi na. Binilisan ko na lang ang lakad ko para hindi masyadong matagalan sa paghihintay sa akin si Enz. Kukunin ko lang ang bag ko at uuwi na rin kamj.

"Aly!" tawag niya sa akin.

Nang lumingon ako, nakita ko siyang nakaupo sa curb. Nasa tabi niya ang bag ko at parang kanina pa siya naghihintay rito.

"Sabi ko na babalik ka," nakangiti niyang sabi at napansin ko agad ang namamaga niyang pisngi dahil sa suntok ni Enz.

Naaawa ako sa kanya pero siya rin naman kasi ang may kasalanan. He provoked Enz and he deserves that punch.

"Binalikan ko lang 'tong bag ko," malamig kong sabi sabay kuha ng gamit ko. "Thank you. Aalis na ako," paalam ko at mabilis ko siyang tinalikuran para hindi na humaba ang usapan namin.

"Aly, wait!" rinig kong pigil niya sa akin.

Alam kong hinahabol niya ako pero dire-diretso lang ang lakad ko kaya hinila niya pa ang pulsuhan ko para lang lingunin ko siya.

"Ano bang gusto mo, Kiel?!" galit kong tanong tsaka ko tinabig ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Ikaw," diretso niyang sagot.

"Ito na naman ba tayo? Hindi na nga pwede!" inis kong sabi. "Akala ko naman naiintindihan mo na. Paulit-ulit na kasi."

"Akala ko nga rin naiintindihan ko na," nakayuko niyang sagot. "Pero mula noong Monday, wala na. Nakita lang kita, ito na naman ako. Sa'yo at sa'yo pa rin ako bumabalik."

"Pero Kiel..."

"Alam ko, Aly. Alam kong mahal mo siya, alam kong hindi na ako," duktong niya agad sa sasabihin ko. "Just... just, please... let me make it up to you," pakiusap niya.

"I'm sorry," mahina kong sabi sabay iling. "We can't do that."

"I'm sorry, too..." sabi niya naman bago siya nag-iwas ng tingin sa akin. "Sorry sa ginawa ko kanina. I should've played fair if I really wanted to prove that I deserve another chance from you."

"Wala kang kailangang patunayan sa akin. I'm not giving you another chance," mariin kong sabi. "Gusto ko lang na tigilan mo na 'to para wala nang gulo," pakiusap ko pa.

"Alam ko," sagot niya at muli niya akong tinignan. "But I don't know how to stop. I don't know how to shut these feelings off. Ako dapat, Aly. Hindi siya."

"Masaya ako kay Enz at mahal ko siya. Let me go. You deserve to be happy with someone else," diretso kong sabi.

"How can I do that, huh? When it's you that I want," balik niya sa akin.

"Naging masaya ka naman kay Leni noon, 'di ba? Ibig sabihin, kaya mong maging masaya sa iba, kaya mong hindi ako gustuhin," sagot ko. "'Wag kang gumaya sa akin, Kiel. Don't cage yourself. Be happy with someone else. This will only be messy if you don't stop."

"I am trying but I can't..."

"Try harder. Not for me but for yourself," sabi ko naman. "Kiel, I don't regret investing my feelings for you. Buy I am healed now. Only love can heal a heart that was hurt by love. Let yourself heal, too."

"Heal me, then..." rinig ko ang pakiusap sa tono ng boses niya. "Bumalik ka na sa akin, Aly. Please..."

"I can't," iling ko. "Alam mo, hindi ko naman minahal si Enz para lang makalimutan kita. Nakalimutan kita dahil minahal ko siya," duktong ko pa at diretso ko siyang tinignan sa mga mata niya.

"So, tell me... how can I come back to you if I am so in love with him?" tanong ko at naglakad na ako palayo bago pa siya makasagot. Hindi na rin naman niya ako hinabol pa.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon