Step - 13.

2.6K 74 22
                                    

"Uy! Bakit ang tagal niyo?" tanong ko sa kanila nang mag-decide akong lumabas mula sa tinataguan ko. "Hinahanap na kayo ni Tita Ges."

"Kanina ka pa ba?" tanong agad ni Enz sa akin kaya nagpanggap akong walang narinig.

"Kadarating ko lang," sagot ko. "Mukhang may pinag-u-usapan kayo, ah? Nakaistorbo ba ako?"

"Hindi. Pinag-i-isipan lang namin kung kukuha pa kami ng tubig dito sa vendo," palusot naman ni Kiel. "Ang haba rin ng pila kanina sa fast food kaya natagalan kami."

"Oh... kaya pala," tatangu-tango ko na lang na sabi. "May water dispenser naman sa room ni Tito Kiefer, 'wag na kayong kumuha ng water," duktong ko pa.

"Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko," sabi na lang ni Kiel at napahawak pa siya sa batok niya. "Balik na lang tayo sa taas. Baka nando'n na mga relatives namin," sabi pa niya at nauna na siya sa paglalakad pabalik sa lobby ng ospital.

Hinawakan ni Enz ang kamay ko at tahimik kaming sumunod kay Kiel. Mukhang may malalim siyang iniisip kaya hinayaan ko na lang muna siya. Hihintayin ko na lang i-open up niya sa akin ang tungkol sa nangyari kanina.

"Oh, bakit ang tagal niyong dalawa? Akala ko kung saan na kayo nakarating kaya pinasunod ko pa si Aly sa inyo," salubong ni Tita Ges nang makabalik kaming tatlo.

"Ang haba kasi ng pila, 'My," maikling sagot ni Kiel at ibinaba na nila ni Enz sa gilid na table ang mga pagkain na binili nila.

Kami ni Tita Ges ang nag-ayos ng mga pagkain. Nanatilinh tahimik si Enz habang nakaupo sa couch at si Kiel naman, nakaupo sa tabi ng daddy niya.

Ilang sandali pa, may narinig kaming kumakatok sa pinto. Tumayo si Enz para buksan 'yon dahil siya ang malapit. Sinalubong namin ang barkada at tahimik naman silang pumasok sa loob.

Pagkatapos bumeso ng barkada kay Tita Ges, inabot din nila ang mga dala nilang healthy food para kay Tito Kiefer. Ilang sandali pa, dumating na rin ang mga relatives nina Kiel kaya lumabas muna kami.

"Uy pare, pasensya na pala dahil hindi kami nakapunta nung Sabado," sabi ni Kit kay Enz na dinuktungan pa nina Luke, Sean, Justin, at Aron habang nakaupo kami sa mga upuan sa labas.

"Ayos lang 'yon," nakangiting sagot ni Enz sa kanila.

"Belated happy birthday pala, Enz!" sabi naman nina Mads, Pam, Daena at Sab. "Sorry kung hindi rin kami nakapunta. Mukhang masaya pa naman 'yong party."

"Magaling 'yong nag-organize," proud na sabi ni Enz sabay akbay sa akin.

"Don't give me too much credit. Late na nga ako dumating," iling ko.

"But you still did a great job," paninigurado sa akin ni Enz sabay halik sa sentido ko.

"Kailangan talaga may next time pa 'yan, Enz. Para naman maipakilala mo ako sa mga guy friends niyo nina Ash."

"Sure," sagot ni Enz. "Marami pa kaming kaibigan na single," nakatawa niya pang duktong.

"Ang harot!" tukso naman ni Daena kay Mads.

"Ako na lang kaya ang loveless sa ating mga babae," nakangusong sagot ni Mads.

"Loveless din kaya ako," singit naman ni Sab at napatingin kami kay Justin dahil siya ang nag-react sa sinabi ni Sab.

"Mayro'n naman kasi sa tabi-tabi. Ayaw mo lang pansinin," tukso ni Sean kay Sab habang nakasandal sa balikat niya si Daena.

"Oo nga," sang-ayon pa ni Justin at tinawanan lang siya ng mga boys.

"Tama na kasi ang pahaging," sabi pa ni Luke at tinapik-tapik niya ang balikat ni Justin. Ang best friend ko naman, namumula lang sa tabi ni Kit.

Lumipas ang oras sa pag-u-usap namin sa labas ng room ni Tito Kiefer. Ni hindi namin namalayan na malapit na palang mag-twelve midnight kung hindi pa tumingin sa orasan si Ash.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon