Step - 2.

4.5K 112 16
                                    

Pumunta kami sa Quezon City ni Enz pagkatapos ng mass. Kaya pala may dala siyang sasakyan. It seems like he really planned this day for us.

"It's a nice place, right?" tanong niya sa akin nang tumigil kami sa tapat ng fountain at wishing well habang naglilibot kami sa garden tulad ng ibang guests at couples na nandito rin para mag-lunch.

"It is," nakangiting sagot ko habang manghang-mangha kong inililibot ang tingin ko sa paligid. "This is a very beautiful place."

Sa Ninyo ako dinala ni Enz. It's an ancestral home that was converted into a restaurant. It's a very beautiful place, I'm in awe. Plus, it's a cozy and intimate, too.

"Yes, maganda," sang-ayon niya pero napansin kong sa akin siya nakatingin. "Sobrang ganda..."

"Ikaw talaga! 'Yan ka na naman sa mga ganyang galawan mo," sabi ko naman at pabiro ko pa siyang inirapan.

"What? I'm just being honest," depensa niya at pinanggigilan ko naman ang pisngi niya. "Labi ko na lang panggigilan mo. I won't mind," tawa niya pa kaya siniko ko siya.

"Shhh. 'Wag kang maingay. Ang landi mo," nakatawang saway ko sa kanya.

"Hindi kita nilalandi. Nilalambing kita," depensa niya. "Bawal na ba?"

"Bawal sa iba. Sa akin lang pwede. Ako lang dapat, okay?" sagot ko at hinalikan niya naman ang sentido ko.

"Of course," he assured me. "I'm all yours, miss."

"Dapat lang."

Magsasalita pa sana si Enz pero may babaeng nadapa sa gilid namin kaya pareho kaming napahinto. I remember her. Siya 'yong kasabay naming dumating dito kanina, sila ng boyfriend niya na panay ang public display of affection.

Napasinghap ako nang makita kong nabali ang heel ng isa sa pumps na suot niya. Nagasgas ang tuhod niya sa semento pati ang palad niya. It will surely bruise.

"Hey, are you okay?" concerned na tanong ni Enz sa kanya at tinulungan niya pa itong tumayo.

Pinulot ko naman ang bag ng babae na nabitiwan niya dahil kapit na kapit siya kay Enz. Hindi ko na lang binigyan ng meaning dahil nasaktan na siya. Siguro, nahihirapan lang talaga siyang tumayo.

"Okay lang ako," nakangiting sagot niya kay Enz. "Thank you, ha?" duktong niya at mas dumikit pa siya kay Enz kaya tumaas na ang kilay ko.

"Uhm... hey," singit ko sabay abot ng bag niya. "Here's your bag."

"Thanks," maikli niyang sabi sa akin.

Aabutin na dapat niya ang bag sa kamay ko pero biglang nanlata ang mga tuhod niya kaya inalalayan ulit siya ni Enz.

"Ouch! Ang sakit! Hindi ko yata kayang maglakad!" daing niya at napayakap pa siya kay Enz.

Naghihinala na ako kung masakit lang ba talaga o nag-o-overreact na siya. Wow! She's really something...

"Excuse me, miss. 'Di ba may boyfriend ka?" tanong ko sa kanya at tumaas anh kilay ko nang makita kong nakakapit na sa leeg ni Enz ang mga kamay niya.

"Busy siya, eh. May kausap sa phone kaya nga mag-isa lang ako," paawa niyang sabi.

Ngumuso pa 'yong babae at mas hinigpitan niya ang pagkakahawak kay Enz nang mapansin niyang niluluwagan na nito ang pag-alalay sa kanya.

"So?" iritado kong balik dahil malapit nang maubos ang pasensya ko.

Halatang nakakaramdam na rin si Enz na hindi ko nagugustuhan ang sitwasyon pero ayaw talaga siyang bitiwan nung babae.

"Hihiramin ko lang naman 'tong kuya mo sandali. Magpapaalay lang sana ako pabalik. I'm sure you wouldn't mind?" sabi niya pa at ngumiti siya sa akin kaya lalo akong nainis.

"Are you insulting me? Of course, I would mind!"

Hindi ko alam kung may itataas pa ba ang kilay ko para lang mapaintindi ko sa babaeng 'to na naiinis na talaga ako.

"You better have your eyes checked. Can't you see? He's not my kuya. he's my boyfriend so stop flirting!" I snapped.

This bitch! Anong 'kuya'? Ni hindi nga kami magkamukha ni Enz para mapagkamalan niya kaming magkapatid!

"I'm sorry," sagot niya pero halata namang sincere.

"You're sorry? Really?! Eh, bakit ayaw mo pa ring bitiwan ang boyfriend ko?" napiling na lang ako sa kanya at isiniksik ko sa kanya ang bag niyang hawak ko pa rin.

Hinila ko si Enz palayo sa kanya at aarte pa siyang na-out balance na naman kaya mabilis ko siyang hinawakan. Hinila ko siya sa pinakamalapit na cabana na nakita ko at inupo ko siya sa isang upuan.

"There! Sit down! If your boyfriend is too busy for you right now, wait for him and do not go around trying to get the attention of other guys because it's not a nice thing to do!" dire-diretso ko pang sabi.

Ilang sandali pa, nasa likod ko na si Enz at dala-dala niya ang bag nitong babae na naihulog na naman niya.

"Ito pala ang bag mo, miss," magalang na sabi ni Enz at nakita kong nangingilid na ang luha nitong babae habang nakatingin sa kanya.

"Iiwan mo ako?" tanong niya sa boyfriend ko kaya lalo akong sumimangot.

"I don't want my girl upset," maikling sagot ni Enz bago niya ibinaba ang bag sa table. "Let's go, Aly?" nakangiting aya niya sa akin at walang pag-a-alinlangan kong tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.

"Why are you shaking your head? May problema ba? Galit ka ba sa ginawa ko?" sunud-sunod na tanong ko habang naglalakad kami. "Sorry kung nagagalit ka pero hindi ako mag-a-apologize sa ginawa ko—"

"Shhh, you don't have to explain. I completely understand and you have every right to be mad," sagot niya pagkatapos niyang putulin ang sinasabi ko. "It's just amusing to see you getting jealous. Ang cute mo magalit."

"Naiinis ako 'pag gano'n," sabi ko naman at ngumuso pa ako. "Tago mo na 'yang mukha mo. Napapaaway ako dahil gwapo ka."

"Stop pouting," malambing na saway niya sa akin at mabilis niyang hinalikan ang mga labi ko. "It's our special day today and I don't want it to be ruined. So..."

Pansamantala siyang huminto para bitiwan ang kamay ko. Naglakad siya ng kaunti at nakita ko naman ang isang mababang wire fence na may bamboos sa likod. May mga locks na nakasabit sa wire tulad nang sa Pont des Arts bridge sa Paris.

"Love locks!" excited kong sabi nang sumunod ako sa kanya. Naglabas naman siya ng isang padlock at marker.

"Wow! Boy scout, ah?" tukso ko pa sa kanya.

"Tinignan ko sa internet 'tong place bago kita dinala rito para familiar na ako. Tapos nakita ko na may ganito sila kaya nag-ready ako," paliwanag niya sa akin. "Alam ko naman na gusto mo 'yong ganitong place sa Paris. But for now, this is all I can offer," ngiti niya.

"Ano ka ba? This is more than Paris for me," I assured him. "You've really made this day special for me, Enz. Thank you so much."

"Anything for my girl," sabi niya naman.

Hinalikan niya ang buhok ko bago niya inabot sa akin ang padlock na color red at black marker. Kinuha ko 'yon sa kanya at isinulat ko sa lock ang mga names at ang date ng anniversary namin.

Aly-Enz
08/29

Siya ang nag-lock nito sa fence at sabay naming itinapon ang susi sa wishing well.

I closed my eyes as I held his hand not to make a wish but to say thank you because I am already holding my answered prayer.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon