Step - 27.

1.8K 63 37
                                    

January 24. It's exactly one month after the break-up. Parang hindi totoo, parang hindi mangyayari, parang imposible... pero wala. Wala na.

Malinaw na malinaw na sa akin ang lahat dahil sa mga nangyari. Tapos na kami. Para na naman akong nawawala. Hindi ko na naman alam kung paano pupulutin ang sarili ko.

"She is advised to rest for one day..." basa ni Mama sa end note habang hawak niya ang medical certificate na nakita niya sa bag ko.

Galing 'yon kay Nurse Cynthia kahapon pero wala naman akong plano na mag-absent ngayon kaya hindi ko na ipinakita 'to sa parents ko.

"Aly, ano 'to? Fatigue? What happened to you? Bakit hindi ka nagsasabi?" sunud-sunod na tanong ni Mama.

"I'm okay, Ma. Ang dami lang kasing ginagawa sa school," sagot ko habang nakasunod siya sa akin.

Pabalik na ako sa kwarto para maligo dahil kakatapos ko lang kumain ng breakfast.

"Alyson, kinakausap pa kita," seryosong sabi niya habang nakatayo sa bukana ng kwarto ko at nakapamaywang.

"I told you, Ma, I'm okay," paninigurado ko. "Maliligo na ako, may pasok pa ako."

"Hindi ka papasok," mariing sabi ni Mama. "Dito ka lang sa bahay. Magpahinga ka."

"Pero Ma..." pakikipagtalo ko at umiling agad siya.

"H'wag ngang matigas ang ulo mo, Alyson. Pinapabayaan mo na ang sarili mo," sermon niya. "You can make up for the school works that you'll be missing today. Mas mahalaga na mapahinga ka. Mamayang hapon, pupunta tayo sa doctor. Ipapatingin kita."

"Ma, bakit naman pupunta pa sa doctor? This is nothing. Hindi na kailangan magpa-doktor," sagot ko. "I'll just rest, okay? Hindi na lang ako papasok."

"Oh siya, sige. Uminom ka ng gamot, ha? Ikukuha kita," sabi niya at tumango na lang ako. "Sa susunod, magsasabi ka sa amin ng papa mo. Hindi ka naman ganyan dati..." concerned niya pang sabi.

"If only those meds can really take away the pain, Ma..." mahina kong sabi at napailing na lang ako. "I'm sorry. I just don't want to burden you with something so shallow."

"It's not shallow if it affects you this much." Lumapit sa akin si Mama at naupo siya sa tabi ko sa kama. "Anak, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Enz? Pati sina Tita Lorna mo, nag-aalala na."

We were supposed to celebrate New Year with Enz's family last January 1 but it didn't push through. Bumalik si Enz sa China last December 28 kaya lumipas lang ang fourth monthsary sana namin ng 29.

Nag-extend sila ng vacation kaya hindi ko rin siya nakausap pagkatapos noong nangyari sa bahay. January 3 nang bumalik sila rito, isang araw bago mag-resume ang classes.

Hindi ko na rin naman kinausap si Enz nang makabalik sila dahil naisip ko na baka ito ang kailangan niya. Na baka siya naman ang may kailangan ng space tulad ng sinabi niya.

"Wala na kami," maikli kong sagot. "Isang buwan na, Ma."

"Ang iniisip namin, nagkatampuhan lang kayo. Umabot na pala sa hiwalayan," hinaplos ni Mama ang buhok ko at bahagya siyang ngumiti sa akin. "Dalaga ka na nga talaga. Namomroblema ka na sa pag-ibig."

"How I wish I didn't have to," malungkot kong ngiti. "Love is both a curse and a blessing, Ma. It was beautiful when we were still together. It's merciless when he decided that it's time to part ways."

"Love is still a beautiful thing, Anak. It may hurt at times but it will always, always be worth it in the end," ngiti niya. "I hope you'll tell me what really happened when you're ready," sabi niya pa at yumakap naman ako sa kanya.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon