Step - 19.

1.8K 63 8
                                    

Everyone's busy today because it's the 24th of December, Christmas Eve.

Sina Mama't Papa, abala sa paghahanda ng mga desserts na dadalhin namin sa Xela mamaya dahil do'n mag-ce-celebrate ang buong clan ng Padilla.

This gathering of ours every Christmas Eve also serves as our family reunion na matagal na naming sinusunod kahit noong wala pang Xela. Before, we used to celebrate at Lolo Alonzo's town house in Tagaytay.

"Alyson! Tikman mo raw 'tong macaroni na ginawa ng papa mo," rinig kong tawag sa akin ni Mama.

Pansamantala ko munang itinigil ang pagco-cover ng mga gifts sa kwarto para pumunta sa kusina.

"Ano, kumusta ang lasa?" tanong sa akin ni Papa pagkatapos kong tikman ang gawa niya.

Si Papa kasi talaga ang mahilig magluto at mag-experiment sa mga pagkain. Si Mama naman, nahawa na lang sa kanya.

"Masarap pa rin, Pa," I approvingly said. "Magtira ka for me, please?" sabi ko pa at tumango naman siya kaya malambing ko siyang niyakap.

"Good mood ka ata ngayon?" naaaliw na tanong naman ni Mama nang humiwalay ako kay Papa at sa kanya naman ako naglambing.

"Paano, first Christmas Eve niya mamaya na may boyfriend siya," tukso sa akin ni Papa. "Tapos, kasama pa natin si Enz mamaya sa reunion."

"Papa naman!" nahihiyang saway ko sa kanya kaya pinagtawanan nila ako ni Mama.

Noong isang araw pa nila ako inaasar no'ng nalaman nilang pinag-awayan na naman namin ni Enz si Kiel.

"Hay nako, babalik na nga ako sa kwarto ko..." paalam ko sa kanila.

"For barkada, for cousins, for college friends..." mahina kong sabi sa sarili ko habang pinaghihiwa-hiwalay ko ang mga gifts.

Personalized items ang gifts ko para sa barkada, college friends at cousins ko. As for Enz, I bought him a silver watch because I noticed that he's fond of watches. It's special because I've been saving up for this since October kaya sana, magustuhan niya.

Habang inilalagay ko sa paper bag 'yong mga regalo na dadalhin ko mamaya, bigla ko na namang na-miss si Enz kahit na kaninang umaga naman magka-text kami.

Kahapon pa siya nasa bahay ng angkong niya dahil nasa Beijing pa sina Tito't Tita. Ayoko naman siyang istorbohin masyado kaya sinabi kong makipag-bonding muna siya sa mga relatives niya.

Kasama naman namin siya mamaya at sabay naming sasalubungin ang Pasko pero hindi ko lang talaga maiwasan na hindi siya ma-miss.

Me:
I hope you're enjoying your stay there at your lolo's. I miss you! I'll see you later, okay? :*

Ilang minuto lang ang nakalipas, tumunog agad ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Enz sa screen ng phone ko.

"Yes, Ai? Miss mo na rin ako?" malambing kong bungad at napangiti ako nang marinig ko ang tawa niya.

"Ang lambing naman," tukso niya pa sa akin kaya natawa na rin ako. "Opo naman, miss na miss na kita. I can't wait to see you later," malambing niyang sagot.

"How's your lolo and your relatives? Kinumusta mo ba sila for me? Nagustuhan ba nila 'yong pinadala ni Mama?" sunud-sunod kong tanong.

"They're okay and they loved the sylvanas. Actually, gusto nga kitang kausapin tungkol sa kanila," sumeryoso ang tono ng boses niya kaya napalunok ako.

"What is it? May problema ba?" kinakabahang tanong ko.

Ilang minutong dead air lang ang narinig ko sa kabilang linya bago siya sumagot.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon