Step - 21.

1.5K 61 26
                                    

Ayoko ng gano'ng tingin ni Enz dahil hindi ko gusto kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

Hindi naman talaga siya malisyosong tao, that's a fact. Aware siyang marami akong kaibigang lalaki, alam niyang close talaga ako sa kanila and he doesn't mind. Talagang pagdating lang kay Kiel, nag-iiba ang tingin niya.

"Enz, please. Wala siyang ginagawang masama," pakiusap ko nang itinulak niya si Kiel palayo sa akin.

"Wala na naman? Wala na namang ginagawa?" galit na baling sa akin ni Enz. "Ano Aly, naggagaguhan na lang ba tayong tatlo rito?!" sabi niya pa.

Ayokong gumawa ng eksena kaya pilit ko siyang hinila sa gilid ng Xela at sumunod naman si Kiel.

"Calm down, please! Ano ba, Enz!" saway ko sa kanya pero inalis niya lang ang pagkakahawak ko sa braso niya at siya na mismo ang humila sa akin palayo kay Kiel.

"Enz, nasasaktan mo na si Aly..." pigil naman ni Kiel at hihilahin na sana niya ako palayo kay Enz pero pinigilan ko siya.

Naramdaman ko naman na lumuwag ang hawak ni Enz sa akin pero halatang galit pa rin siya.

"Kiel, sige na... just leave. Ako na ang bahala," pakiusap ko at halatang nagdadalawang isip siya kung iiwan niya ba talaga ako kasama si Enz.

"Aly..."

"Kiel, please... umalis ka na lang," pakiusap ko sa kanya. "I will be okay. He won't hurt me," sabi ko pa at tumango na lang siya bago niya kami tinalikuran. Muli siyang lumingon para tignan ako at tumango na lang ako sa kanya.

"Tell me, Aly! Naggagaguhan na lang ba tayo?!" tanong sa akin ni Enz nang kaming dalawa na lang. Nasa gilid kami ng Xela, sa tagong parte para walang makarinig sa pag-aaway namin.

"Hindi gano'n," kalmado kong sabi habang sinusubukan kong magpaliwanag.

I learned this from my mom. Sabi niya, kapag mataas daw 'yong isa, dapat may isang mababa. Kasi kapag pareho kayong mataas, walang mangyayari. Kaya sinusubukan kong kumalma para magkaintindihan kami ni Enz.

"Ibinigay niya lang naman ang regalo niya sa akin. Tapos sinabi niya na tanggap na niya at hahayaan na niya akong maging masaya. Mabuti naman ang intensyon niya."

"Bakit magkayakap na naman kayo? Bakit kailangan niya pang humalik sa noo mo? Nag-i-iyakan pa kayo!" sumbat niya. "Tapos na ba talaga? Kasi pagod na pagod na akong magmukhang tanga! Pagod na akong mamalimos sa pagmamahal mo na hindi ko makuha-kuha dahil palagi kong kahati si Kiel!" sigaw niya.

Ito ang unang beses na nakita kong galit na galit siya sa akin. Ito rin ang unang beses na pinagsalitaan niya ako kaya hindi ko maiwasang hindi masaktan.

"Ganyan ba? Is that how low you regard my love for you?" nanginginig ang boses ko at dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa pulsuhan ko.

"Ginagawa ko naman lahat, Enz... Ginagawa ko lahat para mawala ang mga insecurities mo kay Kiel pero bakit hanggang ngayon, hindi mo maintindihan. Yes! I am your girlfriend but I am his friend. At kahit ikaw ang lagi kong gustong unahin, kailangan ko rin namang maging kaibigan para sa kanya!"

"Kaibigan mo siya pero iba ang tingin biya sa'yo! And if it doesn't mean anything to you, it means something to him! Kaya ako nahihirapang umintindi dahil alam kong may feelings siya sa'yo at dati mo rin siyang gusto!" frustrated niyang ginulo ang buhok niya at nakita ko pa siyang napapikit sa inis.

"Oo, insecure pa rin ako sa kanya hanggang ngayon dahil bago pa ako dumating sa buhay mo, nand'yan na siya. At kahit anong gawin ko para 'wag isipin 'yon, lagi kong naaalala na mas minahal mo siya noon!"

"Ano pa bang kulang?" pagod na tanong ko. "Ano pa bang gusto mong assurance? Palagi na lang bang si Kiel ang pag-a-awayan natin?"

"Pagod ka na?" seryosong tanong niya at marahan akong tumango kaya sarcastic siyang ngumisi. "Kung pagod ka na, mas pagod ako! Ako na lang lagi ang mababa! My pride's important to me pero tang ina Aly, no'ng dumating ka sa buhay ko, tumiklop ako. Kasi minahal kita. Kasi mahal kita! Kasi mas importante ka sa akin kaysa sa mga sinasabi ng ibang tao na nagpapakatanga lang ako sa'yo. Kasi kahit sinasabi nilang maraming iba, anong gagawin ko sa marami kung hindi naman sila ikaw?"

"Enz..." tawag ko sa kanya at mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Enz, I'm sorry. I'm sorry kung nasasaktan pa rin kita hanggang ngayon. Hindi ko sinasadya. But can't you see? I am hurting, too. Nasasaktan ako sa tuwing nagdadalawang isip ka sa akin—sa atin. Sana magtiwala ka naman sa akin dahil sa lahat ng desisyon sa buhay ko, ikaw 'yong araw-araw na hindi ko pagsisisihan. Ikaw 'yong papanindigan ko hindi dahil alam kong tama kung hindi dahil alam kong ikaw 'yong gusto ko. Kahit saan, kahit ano pa, ikaw lang."

"Pero bakit gano'n? Bakit kapag nakikita ko kayo ni Kiel, hindi ganyan ang nararamdaman ko?" malungkot niyang tanong at dahan-dahan niya akong itinulak palayo sa kanya pero ayaw kong bumitiw.

"Aly, tama na, bitiw na..."

"Enz naman! Why is this not enough? Bakit ba hindi mo maramdaman?" frustrated kong sigaw at hinampas ko siya sa dibdib niya. Hindi ko mapigilang hindi magalit dahil itinutulak na niya ako palayo.

"Ano pa bang gusto mong gawin ko para mawala ang mga tanong mo?! For you to stop questioning what I feel towards you?!"

"Baka ako naman ngayon 'yong hindi buo, Aly. Kaya hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Baka kung noon ikaw 'yong naghanap ng sarili mo at humingi ng space, baka ngayon ako naman ang dapat na lumayo," mahina niyang sabi at galit akong napailing sa kanya.

"Bakit ka lalayo? Ano ba, Enz! Ang babaw ng pinag-a-awayan natin!"

"Aly, pagod na ako. Totoong pagod na ako. Kung hihingi man ako ng space, para rin sa'yo 'to. Baka kailangan mo ulit pag-isipan ang desisyon mo. Kasi sinasabi mo na sigurado ka, pero isang tawag lang ni Kiel, nando'n ka na," nakapikit niyang sabi. "Mahal mo ako, 'di ba? Pero bakit pakiramdam ko, hanggang nasa buhay mo siya, palagi akong magkakaro'n ng kahati? Palagi akong magkakaro'n ng mga tanong na kahit ilang beses mong sagutin, masasaktan at masasaktan pa rin ako kasi pakiramdam ko, palagi akong manlilimos. Lahat na lang nililimos ko. Nakakasawa na."

"Enz, 'wag ka namang ganyan. Ano bang sinasabi mo? Pag-usapan natin 'to," pakiusap ko at niyakap ko ang likod niya dahil tinalikuran na niya ako. "Please... mahal na mahal kita. 'Wag ka namang magdesisyon ng ganito..."

"Hindi, Aly. Tigilan na natin 'to. Paikot-ikot lang tayo. Nakakagago na," mariin niyang sabi.

"Tama na. 'Wag mo na akong paniwalain sa pagmamahal na hindi naman talaga para sa akin. 'Wag na tayong mag-ilusyon na kaya kitang pasayahin, 'wag na tayong mangarap ng mundong hindi naman para sa ating dalawa kasi kahit anong gawin ko, nand'yan si Kiel. At palaging ako 'yong extra. Tama na. Kasi kahit mahal kita, sobrang sakit na."

"No..." iling ko. "You can't do this, Enz! Don't do this to me! Ayoko. Hindi ako papayag. Ang dami na nating pinagdaanan, bakit ngayon ka pa susuko?"

"Hindi ko na kaya," mahina niyang sabi at naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan niya habang unti-unti niyang inaalis ang kamay kong nakayakap sa kanya. "Let's break up."

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon