Step - 1.

8.9K 148 15
                                    

Alyson Ruiz
December 07, 20** at 12:01 am

Three months and eight days of bliss.
Happy 100 days, Ai! 💕
— with Lorenz Antonio Chua

Elena Ruiz, Lorna Chua, and 138 others · Comment · Share

"Good morning, beautiful!" salubong niya sa akin pagkatapos kong buksan ang gate namin sa terrace.

Sunday ngayon at nakasanayan na naming magpunta sa church linggu-linggo mula noong naging okay kami kaya nandito siya.

"You look beautiful in that dress. Bago 'yan? Bagay sa'yo," nakangiting sabi niya pa pagkatapos niya akong halikan sa pisngi.

Pastel yellow Sunday dress lang naman ang suot ko at white ballet flats, nothing fancy. Nambobola na naman ang isang 'to.

"Binili ni Mama kahapon," sagot ko sa kanya at pabiro akong umirap. "Kahit naman yata basahan ang isuot ko, sasabihin mo pa rin na maganda ako," sarcastic ko pang sabi.

Tinawanan niya lang ako sabay hapit sa baywang ko. Niyakap niya ako nang mahigpit at humalik pa siya sa sentido ko.

"That's my job as your boyfriend. I have to make you feel beautiful," bulong niya at kinurot ko naman ang tagiliran niya. "Joke lang. Maganda ka naman talaga. And I have to constantly remind you of that so you won't forget."

"Wala ka pa ring pinagbago," ngiti ko. "You're still the sweetest."

"Kaya nga mahal mo ako," ngisi niya bago niya hinawakan ang kamay ko. "Solo ba kita ngayon? O sasama sina Tito? Sina Mommy't Daddy hindi raw muna sasama," tanong niya.

Minsan, kasama rin namin sina Mama't Papa pati na ang family niya tuwing church day kaya naging malapit na rin sila sa isa't isa.

Enz's parents took the initiative. Nag-invite ang mommy't daddy niya last month sa The Golden Dragon, ang family restaurant nila. Personal na nagpunta rito sa bahay si Enz kasama ang parents niya na sina Tita Lorna at Tito Anton. Kasama rin nila si Lhexine, ang bunsong kapatid niya.

Noon nanliligaw palang si Enz sa akin, gusto na niya akong ipakilala sa family niya pero hindi natuloy noon kaya sila na ang pumunta sa amin para magpakilala.

"Kung sasama sina Tito Allen at Tita Elena, pwede bang pagkatapos ng mass, solo na kita?" tanong niya pa. "Today's our one-hundredth day and I was hoping that I could take you out... alone," itinaas-baba niya pa ang kilay niya kaya hinampas ko agad siya sa braso niya.

"Maharot ka na naman, ha? Tumigil ka," sita ko sa kanya at tinawanan niya na naman ako.

"What are you saying? Inosente ako," nakangising balik niya. "Ikaw ha... kunwari ka pa. Kung anu-ano na naman ang iniisip mo," pang-a-asar niya pa.

"Wala kaya!" singhap ko.

"Ang cute talaga ng girlfriend ko," nanggigigil niyang sabi sabay akbay sa akin. "Halika na nga, tawagin na natin sina Tito't Tita para makaalis na tayo."

"Okay, tara na sa loob."

Naglakad kami papasok sa bahay at dumiretso naman siya sa kusina para magmano at bumati sa mama't papa ko.

"Hindi pala sasama sina Tito Allen at Tita Elena ngayon? Mag-go-grocery raw sila kasama sina Mommy't Daddy at si Lhexine," kunot-noong sabi niya pagkatapos niyang maupo sa tabi ko. "Hindi ko alam 'yon, ah? Kailan sila nagplano?"

"Kahapon, habang nag-la-lunch tayo," sagot ko.

Magkakasama kaming nag-lunch kahapon dahil sixth birthday ni Lhexine at nag-invite sina Tito Anton at Tita Lorna. Sa restaurant dapat nila ang celebration kaso nag-request si Enz sa ibang place para maiba naman daw.

"Puro kasi ako ang iniintindi mo kahapon," iling ko at ngumisi naman siya.

"Ibig sabihin solo talaga kita ngayon?" bulong niya at halatang tuwang-tuwa pa siya.

"Oo nga ho," sagot ko na lang dahil halatang excited na siya. "Ang clingy naman ho."

"Ayaw mo lang yata akong kasama, eh. Uuwi na nga lang ako," kunwaring nagtatampo niyang sabi kaya pinisil ko ang ilong niya.

"Ang arte!" biro ko at pinisil ko ang mukha niya. "Syempre gusto kitang kasama. Kahit nga busy, gagawan at gagawan ko pa rin ng paraan."

Second semester na kasi at priority naming dalawa ang acads. Fourth year college na kami next sem kaya kailangan talaga naming mag-aral nang mabuti para hindi na magkaro'n ng problema sa graduation.

"I love you, Ai," diretsong sagot niya sa akin at napangiti naman ako.

'Love' ang ibig sabihin ng 'Ai' sa Chinese. We actually didn't plan to have an endearment. He just started calling me that and I followed the suit. I find it really cute and unique.

"I love you, Ai," nakangiting sabi ko naman sa kanya at hinalikan niya pa ang kamay ko.

"Happy 100th day to us," bati niya sa akin.

Sandali siyang lumabas sa terrace dahil may kukunin daw siya. Nang makabalik siya, nagulat ako dahil may dala na siyang bouquet ng sunflower.

"Saan galing 'yan? Bakit parang wala naman akong nakita na may dala kang ganyan kanina?" nagtataka kong tanong at inabot niya na sa akin ang bouquet na hawak niya.

"Itinago ko sa gilid ng mga halaman niyo kanina bago mo ako pagbuksan ng gate para hindi mo makita," paliwanag niya. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya pa.

"Oo naman," paninigurado ko at inamoy ko pa ang bouquet na hawak ko. "It smells nice and it's lovely. Thank you."

"You're always welcome," sagot niya sabay pisil sa pisngi ko. "Cute mo."

"Tigilan mo ang pisngi ko," nakatawang saway ko bago ko siya inaya pabalik sa loob ng bahay para magpaalam kina Mama't Papa.

Tahimik lang akong nanunuod habang tinitignan ko si Enz na nagpapaalam at nakikipagtawanan sa parents ko. It's a very cute scene and I'm really glad that he's close to them.

"Gusto mo bang ilagay ko sa vase 'yang bigay ni Enz bago kayo umalis?" tanong ni Mama nang bumaling siya sa akin.

"Hindi na, Ma. Ilalagay ko na lang muna 'to sa kwarto ko," sagot ko.

Iniipit ko kasi sa makakapal kong libro ang mga bulaklak na ibinibigay ni Enz sa tuwing malapit nang malanta para ma-preserve pa rin.

"Tita, Tito... ihahatid ko na lang po ulit si Aly rito mamaya," sabi pa ni Enz sa parents ko habang naglalakad kami papunta sa gate.

"Ingat kayo. Tumawag kayo kung gagabihin kayo," bilin pa ni Papa sa amin.

Talagang nakuha na ni Enz ang tiwala nina Mama dahil nakikita naman nilang hindi ako napapabayaan.

"Opo, Tito," magalang na sagot ni Enz sa kanya bago kami tuluyang umalis.

"Saan mo gustong mag-almusal? Chowking o Jollibee?" tanong niya habang nasa loob kami ng sasakyan na dala niya.

"Jollibee," sagot ko agad. "Medyo nagugutom na nga rin ako," sabi ko pa.

May isang oras at kalahati pang natitira bago mag-start ang mass kaya mas okay kung kakain muna kami ng breakfast bago duniretso sa church.

"Same order?" tanong ni Enz nang pumasok kami sa loob ng fast food chain.

"Yes," nakangiting sagot ko bago ko siya iniwan sa counter para pumili ng table.

Medyo marami nang tao pero nakakuha pa rin naman ako ng vacant table. Mag-isa akong naupo sa pwesto namin habang hinihintay ko siya.

"Oh, bakit?" tanong ko nang lumapit siya sa akin. May naiwan siguro siya dahil nasa tabi ko ang bag niya.

"Teka... may kukunin lang ako," sabi niya at nagtaka ako nang hinawakan niya ang kamay ko. "Do not leave your valuables unattended daw sabi ro'n sa sign," maloko niyang sabi bago siya ngumisi sa akin.

Hindi ko na naman makita ang mga mata niya dahil tuwang-tuwa siya sa pagiging corny niya.

"Ang dami mong alam," tawa ko. "Halika na nga. Let's just order," aya ko pa at hinila ko na siya pabalik sa counter.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon