Kiel.

2.1K 70 35
                                    

Muling bumukas ang pinto para sa pagpasok niya. Lahat kami ay nakatayo, hindi maalis ang tingin sa kanya.

"She's beautiful..." hindi ko mapigilang sabihin habang nakatingin ako sa kanya.

Dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa altar habang tumutugtog ang kantang napili niya.

The orchestra and the choir gave the song a different vibe, different from its original version to suit the wedding.

"She is," sang-ayon ni Aron na nakatayo sa left side ko.

"Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganyan kasaya," dagdag pa ni Sean na katabi naman ni Aron.

"She deserves to be happy," sagot naman ni Kit habang tahimik akong nakatitig sa kanya.

Halfway down the aisle, sinalubong siya ng mga magulang niya na sina Tita Elena at Tito Allen at sabay-sabay silang naglakad.

Si Tito Allen, tahimik lang at diretso ang tingin habang si Tita Elena umiiyak na. I guess it's hard for them to let their only child go.

And then I noticed her. Halatang nagpipigil umiyak habang masuyo niyang hinahaplos ang balikat ng mama niya.

Parang kailan lang, seven years ago... I saw her put up this brave face when I told her that he left for States.

* * *

"Ano ba ang importanteng sasabihin mo sa akin?" tanong ko habang nakatayo kami sa labas ng coffee shop na malapit sa airport. Hindi ko maintindihan kung bakit dito pa namin kailangan magkita.

Hindi ko rin alam kung bakit niya ako pinapunta rito. Tumawag lang sa akin si Ash kanina at sinabing gusto raw akong makausap ni Enz. Wala sana akong balak pumunta pero importante raw.

"I'm leaving for States and today's my flight," walang paliguy-ligoy niyang sabi. That explains why he asked me to meet him here.

"Oh, tapos?" balewalang balik ko pero iniisip ko na agad ang magiging reaksyon ni Aly kapag nalaman niya ang tungkol dito.

Damn this jerk! Kung kailan siya paalis, tsaka niya ako kinausap para kapag sinabi ko kay Aly, wala na siya. Gago.

"Please take care of her," seryoso niyang sabi.

"Aalagaan ko siya kahit hindi mo sabihin," sagot ko. "I've been doing that for a year now."

"I can see that," tatangu-tangong sagot niya. "I saw her last week, sa graduation. And she's doing so much better now because of you."

"It's not because of me," iling kong sagot. "I won't take the credit because she's the one who's trying to put back all her missing pieces. I am just here to support her, to be a friend to her."

"Right now, you're a friend to her. But let's cut the bull, we both know that there's a possibility of you being together."

"Kasalanan ko pa ba 'yon? You decided to let her go."

"Pinakawalan mo rin naman siya noon, 'di ba? Noong pinili niya ako, ang sabi mo, pinapakawalan mo na siya, na gusto mong maging masaya siya. But why did you stay? Why did you come back and stayed?"

"Because I love her," sumandal ako sa poste habang nakapamulsa siya sa harap ko. "Kaya kahit na alam kong mali, ginawa ko pa rin. Pero sinubukan ko namang itama 'yon. Ikaw lang, pinabayaan mo siyang mawala sa'yo."

"She needed that break up," tumingin siya kawalan at napayuko. "We both needed that."

"She needed you," balik ko sa kanya. "Hindi mo ba nakikita? Ikaw ang pinili, ikaw ang mahal. Pero tang ina, ikaw lang din pala ang mang-iiwan," may galit sa tono ng boses ko pero umiling lang siya sa akin.

"Wala ka sa posisyon ko kaya hindi mo maintindihan..."

"Wala nga ako sa posisyon mo pero nasasaktan din ako dahil nasasaktan siya," punto ko at sarkastiko akong ngumisi sa kanya. "Akala ko ba mahal mo? Why is she not enough? Why did you let her feel that way?"

"Akala mo ba madali sa akin 'to? I have nothing left to give, Kiel! And it's me who isn't enough," I retorted.

"Don't you want to see her before you leave?" tanong ko.

Dahil tang ina, kahit galit ako sa kanya sa pananakit niya kay Aly, hindi ako mag-a-alinlangan na dalhin siya rito para lang magkapag-usap ulit sila.

"Gusto. Pero para saan pa? Sabi mo nga, ako ang nang-iwan," sabi niya at muli siyang napailing. "Ako ang nanakit, pinaiyak ko siya. Anong karapatan kong humiling sa kanya? Anong karapatan kong makita siya sa huling pagkakataon bago ako umalis?"

"Mahal ka pa rin niya. She's just trying to be brave for herself," pag-amin ko at pati ako, napailing din. "Pucha! Sabi ko sa kanya, aangkinin ko na siya kasi gago ka, iniwan mo. Pero mas importante siya sa akin kaya sinasabi ko sa'yo 'to. Para magbago ang isip mo, para maayos niyo pa."

"Hindi na magbabago ang isip ko, Kiel. Isang taon na rin naman, malabo na..."

"But she deserves to know this!" pilit ko. "Magpaalam ka man lang sa kanya."

"Malalaman niya rin ang tungkol dito. I'll be gone by then," sabi niya naman at lumapit siya sa akin para tapikin ang balikat ko. "Ikaw na ang bahala sa kanya. Make her happy."

* * *

That was our last conversation before he left the country. Ni hindi man lang umiyak si Aly noong nalaman niyang umalis si Enz.

She just shrugged it off and told me that she wishes him well. Pero alam kong nasaktan siya. Palagi na lang siyang nasasaktan.

"I made her happy, didn't I?" nakangiting tanong ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya at tumango naman si Aron.

"You tried, pare. And she gave you a chance," sabi niya pa. "But serendipity is such a strange thing. It will always find a way to bring back two people who are meant to be together."

"Ang mahalaga, pareho na kayong masaya ngayon," dagdag pa ni Justin na nasa right side ko habang tinatapik ang balikat ko. "You both deserve it."

Nakangiti akong tumango sa sinabi niya at pinanuod ko kung paano tuluyang umiyak si Tito Allen nang i-abot niya ang kamay ni Aly kay Enz.

The jerk is crying too but happiness is visible in his eyes. Mahigpit niyang niyakap si Aly at nakita ko kung paano naluha sina Pam, Daena, Mads, at Sab na nasa harap.

"Their right time..." rinig ko pang sabi ni Sab pagkatapos siyang abutan ni Justin ng panyo.

Nanatili akong tahimik habang pinapanuod ko ang bawat pangyayari. Nakita ko ang ngiting ibinigay ni Aly sa akin at ang pagtango ni Enz sa direksyon ko bago nila sabay na tinungo ang altar.

Masaya ako para sa kanila. I am happy that they made it back in each other's arms after all that they've been through. They deserve it.

Although, I have to admit... it was hard to do the right thing and to finally let her go but it was the best thing that I did.

Because if not for that, I wouldn't find my own happy ending. And she's right here, smiling in the front row along with the other bridesmaids.

"Sana si Leni ang makakuha ng bouquet mamaya," mahinang tukso sa akin Luke at napailing na lang ako.

"Kahit naman hindi niya makuha, papakasalan ko pa rin siya," sagot ko at naupo na kami dahil magsisimula na ang wedding mass.

Muli kong pinagmamasdan si Aly. She's glowing in her pristine white dress and I can't help but smile as she giggled excitedly in front of the priest.

She's still as beautiful and as brave just like when we were young. And this girl will always have a special place in my heart.

Always.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon