Step - 8.

3.2K 82 30
                                    

"It's nothing, okay?" I assured him after telling him my encounter with Kiel.

"'Wag na lang natin siyang pag-usapan," seryosong sabi ni Enz habang naglalakad kami papunta sa terminal ng jeep.

"Okay," tango ko habang hawak ko ang noo niyang nakakunot pa rin. "'Wag na init ulo, baby..." pakanta kong sabi habang inuunat ko ang kunot ng noo niya at napangiti naman siya.

"Out of tune," asar niya sa akin. "Pasalamat ka, cute ka pa rin."

"Kaya mo nga ako love," proud kong sabi. "Kasi 'di lang ako cute. Maganda pa, mabait, talented, saan ka pa?" duktong ko at tumawa lang kami habang naglalakad.

"Kaya mo ba ako love dahil alam mong oo lang ang sagot ko sa lahat ng sinabi mo?" malokong tanong kaya mahina ko siyang siniko.

"Hindi," tanggi ko. "Kaya kita love kasi gwapo at mabango ka," biro ko kaya nagkunwari siyang nagtatampo.

"That's all?" tanong niya pa. "Sabi ko na nga ba't pinagnanasaan mo lang ako."

"Nako! Tumigil na nga tayo," nakatawang saway ko at kumapit na lang ako sa braso niya. "Sinasanay mo ako sa ganito. Baka hanap-hanapin ko na palagi 'yan."

"Okay lang naman sa akin na masanay ka. Mas gusto ko nga 'yon para ako lang hinahanap mo," sagot niya kaya niyakap ko na lang siya bago kami sumakay sa jeep.

Do'n kami umupo sa tabi ng driver. Ilang sandali lang, nakaramdam na rin ako ng antok kaya sumandal ako sa balikat niya para umidlip.

Thirty minutes ang naging byahe namin mula sa school nina Sab pabalik sa bayan. Tinext na raw ni Enz sina Mama't Papa na pauwi na kami kaya dumiretso kami sa terminal ng tricycle pagkatapos niya akong gisingin.

"Busy ka bukas, Ai?" tanong niya pagkatapos niyang tumabi sa akin sa loob ng trike. Ihahatid niya ako sa amin tulad nang madalas niyang ginagawa.

"Oo. Prelims na next week, 'di ba? Kailangan kong mag-advance reading," pagsisinungaling ko. "Alam mo naman, ang toxic ng mga courses namin for this sem. I have to study well," duktong ko pa.

"Ah. Oo nga pala," nakangiti niyang sabi pero napansin ko na pilit lang 'yon. Kitang-kita ko ang disappointment sa mga mata niya. "Next time na lang 'pag hindi ka na busy."

"Ano bang mayro'n?" pa-inosente ko pang tanong. Siguradong aayain niya ako bukas dahil birthday niya at na-gi-guilty na talaga ako sa pagpapanggap na ginagawa ko pero kailangan ko siyang tiisin.

"Wala lang," kibit-balikat niya.

"Nagtatampo ka ba?" tanong ko dahil bigla siyang natahimik. "Babawi ako next time, I promise."

"Hindi na kailangan," he assured me. "It's okay. It's not important."

Tumango ako at tahimik kaming naglakad papasok sa compound. Hinalikan niya ang noo ko bago niya ako binitiwan.

"Go inside," ngit niya sa akin.

"Uy, galit ka ba?" tanong ko.

"Hindi," maikling sagot niya. "Pasok na. Malamok dito," paalam niya at tumango naman.

"I love you. Ingat ka."

"I love you," sabi niya naman at muli siyang ngumiti.

Alam kong nagtatampo talaga siya pero hindi niya pa rin ako matiis kaya lalo akong na-guilty sa ginagawa ko.

"Sige, aalis na ako," paalam niya at kumaway na lang ako bago pumasok sa bahay.

Naging busy ako sa mga dapat kong i-prepare buong gabi. Puyat ako nang gumising kinabukasan para mag-asikaso ng mga kailangan sa party.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon