Step - 24.

1.6K 53 18
                                    

Lasing, huh? Sinong lasing? Seriously, I think my friends are overreacting. Why are they so worried about me? I am not drunk, definitely not. Kaya ko pa, kayang-kaya ko pa kahit buong gabi kami rito.

"I am not drunk, okay?! My gosh, guys! Ang kulit niyo!" nakatawa kong sabi para tumigil na sila sa pangungulit sa akin. Kanina pa nila inaagaw ang 700ml na bottle ng vodka na hawak ko.

It's the girl's drink aside from the apple flavored beer pero inangkin ko na itong strawberry flavored vodka. This is all for myself, all for me.

"Anong hindi lasing?! Lasing ka na kaya tama na 'yan," saway sa akin ni Luke at sinubukan niyang agawin ang hawak kong bote.

Kanina sa red cup pa ako uminom pero ngayon, I am drinking directly from the bottle. Papahirapan ko pa ba ang sarili ko, ako lang naman ang umiinom.

"Inom pa tayo! Ang hina niyo naman, eh! Kayo yata ang lasing!" sabi ko pa at inusod ko ang mga beers na hindi na nila ginagalaw. "Oh, ubusin niyo 'yan. Ang dami pa, oh! Ako na lang mag-isa umiinom."

"Aly, tama na. Magliligpit na tayo tapos matutulog na, okay?" mahinahong sabi ni Sab at dahan-dahan niyang kinuha ang hawak kong bote pero ayaw ko 'yong bitiwan.

"Aly, 'wag nang matigas ang ulo. Tama na 'yan. Tara na sa loob. Nagluluto si Mads ng noodles para sa'yo," sabi niya pa pero umiling lang ako.

"Kakanta pa nga ako," hinawi ko siya at kinuha ko ang song book na nakapatong sa table. "Oh ito, ito. Gusto ko 'tong kantahin!" sabi ko pa ako pumindot ng numbers sa mic na inagaw ko kay Sean.

Sinubukan kong tumayo ng diretso kahit nakakaramdam na ako ng hilo. Nakita kong napailing si Sab pati sina Pam at Daena sa akin pero wala silang magawa dahil ayokong magpapigil.

Sina Justin at Kit naman, nasa magkabilang gilid ko, alalay na lang daw sila kung sakaling bumagsak ako. Masyado silang nag-a-alala sa akin kahit na kaya ko naman ang sarili ko.

"Aly, 'wag ka nang uminom. Itigil mo na 'yan," rinig kong saway sa ni Aron sa akin na nasa likod ko.

"Hindi nga sabi," sagot ko at bahagya akong gumaywang kaya inalalayan agad nila ako. "Oh, kaya ko, kaya ko. Ito na ang kanta ko," sabi ko pa bago ako lumapit sa harap ng screen dahil hindi ko na masyadong mabasa ang lyrics.

"Didn't mean to hurt you badly, don't think that I am fooling around with you ♪" panimula ko. "So sorry for the time you've wasted on me, so sorry for the things that you went through ♪"

"But I know that the problem's within me, you're so nice but your love don't deserve me ♪" pagpapatuloy ko habang yakap ko ang bote gamit ang kaliwang braso ko. "Or maybe I'm just so scared to fall in love again ♪"

"I can still remember the days, so many times I've been hurt ♪"

Nagtama ang tingin namin ni Kiel na seryoso ang tingin sa akin. Siya na lang ang sumasabay sa aking uminom at tahimik lang siyang nakaupo sa gilid.

"You know I like you but I don't wanna take the risk, so confused and I don't know how to deal with it ♪"

Nagsimula nang mangilid ang luha sa mga mata ko. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na hindi ako iiyak sa harap ng mga kaibigan ko hanggang sa maramdaman kong may tumutulo nang luha mula sa mga mata ko. Shit.

"Don't say goodbye, don't say goodbye ♪" pumiyok na ang boses ko kaya napapikit ako pero nagpatuloy lang ako sa pagkanta. "I need some time for a while before I give my heart away ♪"

"Don't say goodbye... don't say... g–goodbye," muli na naman akong pumiyok kaya napapikit na lang ako habang tuluy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko.

"Alam niyo kung anong nakakatawa, guys?" tanong ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko na ipinagpatuloy ang pagkanta at tumalikod na lang ako.

"I already took the risk. I am not scared to fall in love anymore. I already gave my heart away... and it's all because of him. But he already said his goodbye. Ayaw na niya, ayaw na niya..." iiling-iling kong sabi.

Dire-diretso kong ininom ang natitirang laman ng bote'ng hawak ko. Kalahati pa 'yon at muntik ko nang maubos ang laman kung hindi pa ito hinila ni Kiel sa akin.

"Ano ba! 'Wag ka ngang makialam, Kiel! Pati ba naman ikaw, babawalan ako?!" inis kong sabi at sinubukan kong kunin ang bote na ibinaba niya sa table.

Muntik na akong masubsob sa sahig dahil hindi na ako makalakad ng diretso pero nasalo agad ako ni Kiel at napakapit ako kay Justin.

"Shit!" mura ko at sinubukan kong tumayo nang diretso pero hindi ko na kaya.

"Lasing ka na, Aly. Magpahinga ka na," rinig kong sabi ni Pam at sinubukan nila akong hawakan ni Daena habang itinatayo ako ng mga boys pero nagmatigas ako.

"Bakit ba ang kulit niyo?! Bitiw nga!" galit kong sabi kaya pansamantala silang lumayo dahil nagpumiglas ako.

"I'm not drunk, okay?! I am hurt! And if drinking is the only way to numb the pain, I will take it! Because I don't want to feel this! Kasi sa tuwing nararamdaman kong hindi na siya sa akin, parang may kulang. Parang hindi ako buo..."

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yan sa sarili mo," mahinahong sabi ni Kiel at sinubukan niyang punasan ang pisngi ko pero itinulak ko lang siya palayo.

"Kasalanan mo 'to! Ikaw ang may kasalanan nito!" galit na galit kong bintang sa kanya habang hinahampas ko ang dibdib niya.

"Aly... Aly... tama na," saway sa akin ng barkada namin pero hindi ko sila pinakinggan.

"You don't want me to be happy! Lagi mo na lang akong sinasaktan! Lagi ka na lang gumagawa ng paraan para masaktan ako!" sigaw ko. "Ayoko na, Kiel! Akala ko pagkatapos kong mamili sa inyo ni Enz, okay na, pwede na akong maging masaya. Pero bakit hanggang ngayon, pinahihirapan mo pa rin ako?! Bakit? Anong kasalanan ko sa'yo? Gusto ko lang naman maging masaya..."

Nang mapagod ako sa paghampas at pagsigaw sa kanya, isinandal ko na lang ang ulo ko sa mga kamay kong nakapatong pa rin sa dibdib niya.

"Kiel... bakit? Dahil ba nasaktan kita? Pero... nasaktan mo rin naman ako noon, 'di ba? Kulang pa ba? Gumaganti ka ba?" mahina at pagod kong tanong.

"Aly, it's not what you think," mahina at nakayuko niyang sagot. Naramdaman ko ang yakap niya at masyado na akong mahina para ipagtulakan pa siya palayo sa akin. "Minahal lang naman kita..."

"Minahal ko lang din naman siya..." sagot ko habang nakapikit.

"Tama na, Kiel," pakiusap ko sa kanya. "Hindi na ako napapasaya ng pag-ibig mo. Dahil kahit mahal mo na ako, hindi na 'yon sapat para piliin ulit kita. I'm sorry."

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon