Enz.

1.8K 64 16
                                    

Muling bumukas ang pinto pagkatapos ng wedding entourage para sa pagpasok niya. Nandito ang lahat ng importanteng tao sa buhay niya para sa isang mahalagang araw at hindi ko mapigilang alalahanin ang lahat ng nangyari noon.

I remember all of our memories together like it was just yesterday. Our wins and losses, the hurt and the happy. Everything — us.

And today, this changes everything.

* * *

"Man, I saw her. Up close!" kuwento ko habang hawak ko ang isang bote ng beer.

Nasa isang grill & bistro place kami ngayon sa Tomas Morato. Graduation celebration ko kasama ang mga high school friends ko na sina Keeno, Jeff, Glenn, Leo, Iggy, Paco, Bryan, at Ralph.

"Oh, kinausap mo?" tanong ni Keeno habang hinahalo niya ang sisig sa hot plate.

"Oo, nilapitan ko tapos nag-usap kami pero sandali lang," sagot ko at uminom ako mula sa beer na hawak ko. "Tang ina, dude. Mahal ko pa rin. Mahal na mahal ko pa rin..."

"Gago ka pala, eh! Bakit mo pinakawalan noon? Sira ulo," sabi naman sa akin ni Leo pagkatapos niyang kumuha ng nachos.

"I did that for her. Dahil alam kong hindi ako ang makakapagpasaya sa kanya," paliwanag ko at umiling sila sa akin.

"Ulul?" mura pa sa akin ni Paco. "Kaya ka nga niya pinili noon dahil alam niyang sa'yo siya magiging masaya."

"Ang totoo n'yan, kayo nung Kiel ang may problema," sabi naman ni Iggy. "Pumili naman si Aly, 'di ba? Pero hindi sapat ang tiwala mo sa kanya. Tapos 'yong isa, ayaw magparaya."

"I wanted it too much, man. She didn't want it enough," iling ko at muli akong napainom.

"Magkaibang atensyon naman kasi ang ibinibigay niya sa'yo at do'n sa Kiel. Ikaw mahal niya at 'yong isa kaibigan niya. 'Di ba sabi mo nga, barkada sila?" tanong pa ni Glenn at tumango ako. "Oh, eh 'di dapat naiintindihan mo na hindi niya basta-basta pwedeng talikuran 'yon dahil magkaibigan sila. Kahit na noong wala ka pa, kaibigan na niya 'yon."

"Tama lang naman ang ginawa ko," sabi ko naman at dire-diretso kong inubos ang laman ng hawak kong bote. "Sino ba ang kasama niya ngayon? Ako ba? 'Di ba si Kiel na."

"Kasi nga, hinayaan mo sa iba," sagot ni Ralph. "Na sa'yo na noon, pinakawalan mo pa," sabi niya pa.

"Tanga 'yan, eh," dagdag pa ni Jeff at nag-high five silang dalawa.

"Mga gago!" mura ko. "Eh 'di ako na tanga."

"Sila na ba ni Kiel? Hindi pa naman yata," sabi naman ni Ralph. "Pwede mo pang balikan."

"Hindi gano'n kadali 'yon," sagot ko.

"Actually, madali lang," dagdag ni Jeff. "Ginawa mo lang komplikado noong iniwan mo siya."

"Aalis na ako kaya mas mabuti na ring pinakawalan ko na siya noon..."

"Sa tingin mo mas mabuti nga 'to, dude?" tanong sa akin ni Keeno at napailing na lang siya nang tumango ako. "Gago. 'Wag kang magsisisi 'pag nakita mong sa iba na masaya si Aly."

* * *

It took one look
and forever I laid out in front of me ♪

Mabagal siyang naglakad palapit sa altar habang tinutugtog ng orchestra at choir ang paborito niyang kanta.

She is wearing a white wedding dress and she looks so lovely, as always. Lahat kami, nakatayo at nakatingin sa direksyon niya.

One smile then I died
only to be revived by you ♪

I can see that she's happy, genuinely happy. Wala akong dapat pagsisihan sa mga naging desisyon ko noon. Ito lang naman ang gusto ko para sa kanya, ang makita siyang masaya.

"Ang ganda niya," bulong sa akin ni Keeno na nakatayo sa likod ko.

"Kailan ba hindi?" sagot ko at siniko niya naman ako nang mapansin niya na mabilis akong nagpunas ng luha.

There I was
thought I had everything figured out ♪

"Oh, tanga! 'Wag kang umiyak," saway niya pa sa akin. "Sabi mo, hindi ka iiyak?"

Goes to show just how much I know
'bout the way life plays out... ♪

"Seven years, man. Seven years..." makahulugan kong sabi at tumango naman siya.

I take one step away
but I find myself coming back to you ♪

"I know, man. I know," sagot niya pa. "It was never easy to let her go."

"But I did."

My one and only,
one and only you... ooh... ♪

"Well... you thought that it was for the best, right?" sabi naman niya at umiling ako.

"But it isn't."

Now I know
that I know not a thing at all ♪

"Are you regretting your decision now?" tanong niya sa akin.

Except the fact that I am yours
and that you are mine ♪

"It's not like that," iling ko. "I know how it both made us stronger. Pero kung pwede ko lang balikan, hindi ko na sana siya iniwan."

Ooh
They told me that this wouldn't be easy ♪

"Pero hindi na natin maibabalik ang mga nangyari, dude. Napatawad ka naman niya, 'di ba?" sagot niya at tinapik niya ang likod ko nang makita naming malapit na siya sa altar. "But this is not going to be easy."

And no
I'm not one to complain... ♪

"Still, it is worth it," sagot ko. "It will always be worth it even if it's not easy. Because it's her."

I take one step away
Then I find myself coming back to you ♪

"Mahal mo talaga, 'no?" balik sa akin ni Keeno.

Tumango ako at tinawanan niya ako nang itinakip ko ang kanang kamay ko sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak.

"Mahal na mahal..."

My one and only, one and only ♪

"...but seven years ago, I made the choice to let her go."

I'll take one step away
but I find myself coming back to you ♪

"And now, look at her..." proud kong sabi at ngumiti ako kay Aly nang makita kong nakatingin siya sa akin.

Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha, siya pa rin ang pinakamaganda sa lahat.

My one and only, one and only you... ♪

"She is still the greatest thing that ever happened to me. And I am happy because she's happy."

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon