Step - 4.

3.6K 114 24
                                    

It's Monday so we're back to reality again. Abala kaming lahat ng mga blockmates ko sa loob ng room dahil pinag-u-usapan ng bawat groups ang nangyaring title defense para sa thesis namin.

Graduating thesis na ang pagkaka-abalahan namin hanggang next semester kaya talagang kailangan namin 'tong ayusin.

"Thank, God! Makakapagsimula na talaga tayo sa thesis natin," sabi ko pagkatapos kong i-turn on ang laptop na dala ko.

Naka-ikot kami sa gilid ng mga thesis buddies ko para mag-plan kung ano na ang susunod naming gagawin dahil may approved topic na sa tatlong titles namin.

"I know!" masayang sabi ni Lyn.

Masaya at komportable ako sa naging grupo ko sa thesis namin. May freedom kasi kami para pumili ng groupmates kaya fair division na lang ang ginawa namin ng friends ko by four.

"Okay, ganito," sabi naman ni Ann habang nagpo-plot ako ng time table. "Since rest day natin every Saturday, pwede na tayong magsimulang gumawa ng chapter one."

"Saturday?" pag-ulit ko. "Sure na 'yan?"

"Bakit, Aly? May problema ba?" tanong ni Dian.

"Hindi kasi ako pwede sa Saturday," nag-a-alangan kong sabi. "Kasi ano..."

"Bakit hindi ka pwede, Puks?" tanong naman ni Lyn. "Hanggang hapon lang naman tayo sa Sabado. Hindi naman tayo papagabi," sabi niya pa.

"Birthday kasi ni Enz," paliwanag ko naman. "Magpi-prepare sana ako."

"I-su-surprise mo siya?" tanong ni Ann at tumango naman ako.

"Yeah..." sagot ko pa. "Kaya kung okay lang, pwede bang i-postpone muna natin?"

Ako ang leader ng group namin so I get to have the final say. Pero syempre, gusto ko rin naman na okay sa lahat ang mga plans and schedules kaya kung hindi sila papayag, I will compromise.

"Walang problema sa akin," sagot agad ni Dian.

"Oh sige, next week na lang natin simulan," sabi naman ni Ann.

"Maghanap muna tayo ng articles para diretso gawa na tayo next week," dagdag ni Lyn.

"Thank you talaga, girls! I owe you," masaya kong sabi. "Just e-mail me the articles so I can make a summary. Para mas madali mag-reference."

"Kuwentuhan mo kami, ha?" bilin pa ni Dian.

"Invited kaya kayo. Gabi ang celebration," sabi ko naman. "I'll give you the details 'pag malapit na. For now, let's get back to work."

Naging busy kami buong araw dahil sa pag-plan ng thesis at sa iba pa naming classes. Busy rin si Enz kaya hindi kami nagkita buong araw.

"Parang wala yatang naghihintay sa'yo ngayon, Aly? Hindi ba kayo sabay uuwi ni Enz?" tanong ni Yza.

"Hindi, eh. Mamaya pa dimissal niya," sagot ko habang binabasa ko ang message ng best friend ko sa phone.

Sab:
Dismissed ka na, 'di ba? Punta ka sa University Scoop. Dali! Miss na kita. 😘

"Uy guys, mauna na ako. Nandito si Sab, eh. Puntahan ko lang,"

"Puks! Kumusta mo ako kay Sab, ha?" bilin ni Lyn at gano'n din ang sinabi ng iba naming kaibigan.

"Ingat, guys!" sabi ko naman at kumaway na lang ako habang naglalakad palayo.

"Aly! I missed you!" excited na salubong ng best friend ko nang dumating ako. Kasama niya pala sina Justin at Aron na panay ang kaway sa direksyon ko.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon