Karma 5 - Harsh words

15.4K 242 5
                                    

[5]


(-Condo- 6:30 pm)


Kararating ko lang sa bahay. Grabe sobrang napagod ako kasi ang dami ng ginawa namin sa school. Meeting dito, meeting doon. Ganito siguro pag-graduating student, ang daming requirements. Kaninang umaga na late ako sa first class ko kasi nawala ako. Malayo kasi ang condo ni Dave sa university at traffic pa kaya ayon super late ang lola niyo. Hindi na rin ako nagpahatid kay Mang Roel kasi nakkahiya naman na istorbohin ko pa siya.


Sinermunan pa ako ng aking dakilang bestfriend na kesyo dapat daw nagpahatid na lang ako kay Dave kasi may kotse naman siya at isa pa responsibilidad niya daw yun bilang asawa ko. Sinabi ko na lang na busy siya at maaga itong umalis. Hindi ko na sinabi ang totoo na ayaw niya lang talaga akong ihatid. Ayaw ko nang ma-mroblema pa siya. Hay! Nadagdagan naman ang kasalanan ko dahil sa pagsisinungaling.


Maaga ako nakauwi dahil most of the teachers ay hindi pumasok to give us time to finish our requirements. Nagluto lang ako ng sinigang na baboy para sa dinner naming dalawa. Nagbake din ako ng cookies for our dessert. Siguro pauwi na yun si Dave, 6:30 pm na eh.


Habang naghihintay ako sa pagdating ng asawa ko ay kinuha ko muna ang laptop ko at nagsimulang gumawa ng homework at thesis. Dito na ako sa sala nagstay para malaman ko kung dumating na siya. Busog pa naman ako kaya mamaya na lang ako kakain. Sasabayan ko na lang siya kasi it's our first dinner as husband and wife.


Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko ng makaramdam ako ng antok. Tinignan ko ang wall clock sa may sala.


"8:00 pm na pala pero wala pa siya. Siguro busy lang siya." Inaatok na talaga ako pero dapat kong hintayin ang asawa ko kaso hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.


***

10 pm

Naalimpungatan ako ng may yumuyugyog sa balikat ko. Inaantok talaga ako.

"Yssa, hija! wake up," pabulong na sabi sa akin habang patuloy ang pagyugyog.

"Uhmm..." binaling ko lang ang kabilang side ang ulo ko. Ayaw ko pang gumising at ni ayaw pang bumuka ng mata ko.

"Yssa! Why are you sleeping here?" boses ng babae. Hala may nakapasok sa bahay namin at babae pa ito. Baka isa ito sa mga babae ni Dave at talagang nakapasok pa talaga siya dito. Grabe ang lakas ng loob.

Kahit na inaantok pa ko ay ay pinilit kong minulat ang mata ko para malaman ko kung sinong babae ang pumasok sa bahay namin. Nakakainis at ang lakas ng loob pumasok dito. Pagkabukas ko ng mata ko ay nasurprise ako na si Mommy pala yung nandito. Wait! Anong oras na at bakit nandito si Mommy.

"Mom?"

"Yes! Why are you sleeping here? Where's Dave?"

"Mom, You're here. I'm doing my homework because sem break is fast approaching so I have many requirements to do as well as my thesis."

"Ok, hija, but wag magpapagod. Oh, by the way, where is Dave? bakit hindi ka niya sinasamahan dito?"

"Wala pa po yata, Mom. Baka nasa office pa po. Teka bakit po kayo nandito? Have you eaten your dinner?" tatayo na sana ako para ipaghanda siya ng hapunan pero pinigilan niya ako.

"No need. I know it's a bit late pero hindi na rin ako matatagal and hindi na rin makapaghihintay itong dala ko," masayang sabi niya habang may kinukuha sa bag niya.

A Wife's Karma (Completed) Currently EditingWhere stories live. Discover now