Prologue

12.9K 200 46
                                    

Prologue

Sa loob ng isang kweba sa kalagitnaan ng isang gubat nagtipon tipon ang mga nilalang na nakasuot ng itim na balabad. Pinalibutan nila ang isang sobrang tandang babae na nakaluhod at may hinahaplos na lumang papel na lumulutang sa ere.

"Mahal na Agamatea, wag niyo nang pwersahin sarili niyo" sabi ng isang dalaga. "Criselda lumapit kai ha, lumapit ka" sabi ng matanda saka naubo kaya todo alalay yung isang dalaga sa likod niya.

Lumuhod si Criselda, hinaplos ni Agamatea pisngi niya saka napaniti. "Maraming salamat, etong natuklasan mo ang magbibigay buhay muli sa akin" sabi ng matanda. "Mahal na Agamatea, hindi natin alam kung totoo itong nasaliksik ni Criselda" pilit nung dalaga sa likuran niya.

"Manahimik ka! Alam ko na alam niyo ang tungkol dito. Ang sinasabi nilang tagapagligtas ng mga bruha. Matagal nang kumakalat ang kwentong yan ngunit ngayon dala ni Criselda ang pruweba na magkakatotoo nga ito" sabi ni Agamatea.

"Pero mahal na Agamatea delikado itong binabalak niyo" pilit ng dalaga. "Conchita ilang taon na nating sinusubukan puksain itong sumpa na pinataw nila sa akin? Sige sabihin mo sa akin ilang taon na. Lahat ng nalalaman ko naituro ko na sa inyo ngunit hindi niyo pa ako mapagaling" sabi ng matanda.

Nanlisik ang mga mata ng matanda saka niya tinignan si Criselda. Inusli ni Criselda dalawang daliri niya saka pinag ekis, "Maldita ka" sigaw ni Conchita pero nabaluktot ang lahat ng daliri niya at dila niya lumawit. May binulong si Criselda sa nag ekis na daliri niya at biglang napahiga sa lupa si Conchita at nangisay ng husto.

"Wag niyo na siya papansinin, kailangan ko atensyon niyo. Itong nakasaad sa propesiya paparating na sa anim na buwan. Kaya kailangan niyo na ako patayin ngayon din para makalipat ako sa batang isisilang na yan" sabi ni Agamatea.

"Mahal na Agamatea, sana ako'y pakinggan niyo, itong binabalak niyo hindi pa nasusubukan at yung nakasaad sa propesiya ay lalake" kontra ng isang dalaga. "Wala na ako pakialam kung lalake yung isisilang, eto lang ang paraan upang makaalis ako sa sumpa na pinataw sa akin. I need to be reborn" sabi ng matanda.

"Mahal na Agamatea, baka alam narin ng ibang kampo ang tungkol dito" sabi ng isang dalaga. "Wala pang nakakaalam" sabi ni Criselda. "Pano ka nakakasiguro?" tanong ng isang kasama nila. "Magtiwala kayo sa akin, namatay na ilang mga kapatid natin, mga kasama kong nagsaliksik, prinotektahang namin yang sikreto na yan hanggang sa ako nalang ang nakabalik dito" sabi ni Criselda.

"Kung ganon simulant na natin, wala na dapat tayo aksayahin na oras" sabi ni Vespa. "Vespa, ilayo mo na tong si Conchita at gawin siyang alay. Ikaw din ang inaatasan ko na magbantay sa labas ng kweba. Magsama ka ng ibang mga kapatid mo" sabi ni Agamatea.

"Mahal na Agamatea, mararamdaman ng lahat ang pagkamatay mo. Mahahanap nila tayo" sabi ni Vespa. "Kaya nga ikaw ang nais kong nasal abas ng kweba pagkat ikaw ang pinakamatalino, alam ko magagawan mo ng paraan at mapapakiusapan mo sila. Alam ko din rerespeto sila" sagot ng matanda.

"Naiintindihan ko po, wag kayong mag aalala walang makakapasok dito" sabi ni Vespa. "Criselda, ikaw na ang magpasimuno ng serimonyas at ikaw ang gusto kong kumitil sa buhay ko" sabi ng matanda. "Hindi ko kaya gawin yon" sigaw ni Criselda.

Isang oras lumipas sa gitna ng kweba may dalawang katawan ang nakahiga. Nakatayo si Criselda, nagbubulong ng dasal, ibang mga dalagang bruha lahat nakaluhod at nagbabaga ang kanilang mga kamay. "Kunin mo ang aming alay! Ang aming kapatid na si Conchita!"

"Sa pagkuha mo sa buhay niya bigyan mo pagkatataon ang ina naming si Agamatea at lahat ng kapangyarihan niya sa realidad ng mga espiritu" sigaw ng dalaga saka biglang yumanig ang lupa.

MASKARAWhere stories live. Discover now