Chapter 18: The Big Day

363K 4.2K 130
                                    

A/N: Hi guys I'm back!!! At sorry kung d agad nkaUD..nagkaroon uli ako ng matinding author's block eh.

Anyways, Hi to @maritesserrano!!! *kaway kaway* and also to her 2 chikitings na si CJ and KC. Hello din to Maila and Vicky! Sorry ngayon ko lang kau nabati, nakalimutan ko s previous chapter!! (^____^v)

Dedicated to @iamstillunknown

Chapter 18: The Big Day

EUPHY'S POV

Sabi nila, unforgettable sa mga babae at lalaki ang kasal dahil once in a lifetime lang daw ito mangyari. Ang wedding day ang pinakamasayang araw sa buhay ng mga couples. Pero...masaya nga ba? Kasi sa akin, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.Kasi diba, dapat may kasamang love kung magpapakasal ka? Eh sa sitwasyon ko, parang naglalaro lang kami ng husband-to-be ko.

At ang pinagtataka ko ay dahil parang may nag-aaway sa loob ko na hindi ko naman alam kung ano iyon. Kalahati ng isip at kalooban ko ay nagsasabing huwag ko nang ituloy ang magaganap na kasalan, dahil hindi ko naman mahal ang taong pakakasalan ko. Ngunit ang isa ko namang isip at kalooban ay nagsasabing ituloy ko na. "Go with the flow" ika nga. Yayaman ka na, magkakaroon ka pa ng oh-so-handsome-and-yummy-husband. Bakit ko ba iniisip iyon?

Seriously, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Saan ba nagsimula ang lahat? Aaah.. Nung naging Boss ko siya. Nang magsimula akong magtrabaho sa kumpanya ng mga Ocampo. Nung ipakilala ako ni Sir sa mga magulang niya na girlfriend niya ako at dinagdagan pa niyang ikakasal kami. Siguro kung hindi ako sa kanila nag-apply ng trabaho, malamang tahimik pa rin ang buhay ko. Wala akong problemang kasasangkutan ngayon.

Ilang oras na lang ang natitira at magbabago na ang buhay ko. Kakayanin ko ba?

May oras pa ako para magback-out pero buo na ang desisyon ko. Itutuloy ko na ito. Nag promise na ako sa kanya diba? Matutulungan namin ang isa't isa sa kasalang ito. Mailalayo ko siya kay Alice, at mapapasaya namin ang Mama niya tapos iaahon niya naman ako sa hirap. Pero kung tutuusin, ako lang yata ang may maitutulong. Hindi ko naman kasi kayang tanggapin yung offer niya sa aking bahay at pera.

Wednesday na ngayon at ilang oras na lang ay MRS. OCAMPO na ako. Pero sa papel lang. Ito yata ang pinaka worst na ginawa ko sa tanang buhay ko. Magagalit ang Tito ko sa gagawin kong ito. Patay na nga mga magulang ko, pero siya naman ang guardian ko. Pinayagan niya akong maging independent kaya mag-isa na lang ako ngayon. At gagawin ko naman ang lahat para hindi niya malaman. Tutal may annulment naman after one year diba? At wala siya dito kaya hindi niya talaga malalaman. Kaya I don't need to worry. Lahat ng problema ay may solusyon and i'ts up to me kung paano ko ito sosolusyonan.

Natigil yung pagmumuni-muni ko ng biglang umingay.

"Hi Mrs. Ocampo!" Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Nandito kasi ako sa hotel at kasalukuyang inaayusan ng isa sa mga parlorista dito. Make up dito, make up doon.

"Kelly, ikaw pala!" Ngiti ko sa kanya. Nagsabi na siya sa akin na tutulungan niya ang Mama niya sa pag-aasikaso ng kasal namin.

"Wow. Your so pretty! You look like a Goddess." Weh? Over acting naman ang Goddess, pero sige paniwalaan natin. ^_____^

"Thanks. Ikaw rin kaya." She looks cute on her above the knee formal dress. Ang ganda niya rin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung may nanliligaw sa kanya. Nahihiya ako magtanong eh.

"Pero mas maganda ka. Ikaw yung ikakasal eh. Sigurado ako, ang gwapo gwapo din ni Kuya ngayon. Bagay na bagay talaga kayo." Sabi ni Kelly. Hmp. Makapagsalita naman ito, parang hindi niya alam yung kasunduan namin ng Kuya niya.

Natapos na ang lahat lahat. Si Kelly naman, picture ng picture sa akin tapos may kasama pang isang photographer. Silang dalawa ang kuha ng kuha sa akin ng picture. Sabi ni Kelly, picture na muna daw at pag dumating na yung oras ng kasal namin sa simbahan saka lang siya kukuha ng video. Ang galing niya mag joke no?

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon