Chapter 17: The Text

368K 4K 218
                                    

Chapter 17: The Text

KELLY'S POV

*beep**beep*

Nagising ako sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone ko na nasa tabi ng hinihigaan kong kama. Kanina pa ito tunog ng tunog pero pinabayaan ko lang dahil inaantok pa ako. Pero nung hindi na natigil, napilitan akong bumangon at kinuha ito.

Istorbo sa pagtulog. Bakit ba kasi nakalimutan kong isilent kagabi? Ayan tuloy, nagising ako ng wala sa oras.

Sino kaya itong text ng text? Feeling ko nga para nang may tumatawag sa akin sa sunod sunod na tunog ng cp ko.

Pagtingin ko, naloka ako.

65 new messages received

Punyeta! Sino ito?! Mukha yatang first time ever in my life, napamura ako! Tiningnan ko kung sino ang sender nito and it turned out na unknown number. Baka naghahanap lang ito ng mapagtitripan!

Binasa ko yung mga text niya. Ang dami at wala namang kwentang mga text!

"Hi"

"Muzta?"

"Can u b my txtm8?"

"Reply naman diyan oh"

"How are you?"

"Hello, BABE!"

"Watcha doin'?"

At kung anu-ano pang mga walang kwentang text ang nabasa ko. Yung iba paulit-ulit lang naman! Sino ba kasi ito at kung makapagtext wagas. At ang kapal ng mukha para tawagin akong BABE. Eh hindi naman ako baboy!

[Angry Kelly on the right side ------------>]

Ang lakas talaga mangtrip ng mga tao ngayon. Mga walang magawa sa buhay!

*beep**beep*

Shet! Eto na naman oh! Mapapatay ko talaga kung sino ito!!! Tiningnan ko yung laman ng message.

"Miss me?"

Ugh. Kapal ng mukha ah! Ang lakas ng loob makipagFC. Duh! So, tinext ko na lang ito.

"Duh. Stop sending me nonsense messages! Who r u?"

And then I click 'Send'. Kung sino man ito, mamatay na sana siya. Maya-maya, nakareceive ako ng bagong text mula sa kanya.

"Ur future BF"

Huh? Linoloko ba ako ng taong ito. My God, he's getting on my nerves!

"Go to hell" Reply ko sa kanya. I turned my cellphone to silent and went back to bed. Ipagpapatuloy ko na lang ang naudlot ko ng beauty sleep.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon