Chapter 31: Everything is Fine

329K 3.4K 251
                                    

Dedicated to: kuro_hime kasi ang galing nya! Sya ang unang nakahula kung ano c Joseph. Actually dalawa clang nakahula. Hello na lang kay @andreafatima! Galing ng kutob mo! Hihihi.

CHAPTER 31: Everything Is Fine

EUPHY'S POV

Nagising na lamang ako na medyo masakit ang mga mata ko. Sigurado akong mugto ang mga mata ko ngayon. Narealize ko na nakatulog pala ako kagabi habang umiiyak. Ni hindi na nga ako nakapalit ng damit.

Babangon na sana ako ng may maramdaman ako sa bewang ko.

Teka?! Ano ito?!

Kasi naman, may mga brasong nakapalibot sa bewang ko at lumingon ako sa kanan ko.

Anong ginagawa ng taong ito dito? At bakit nakayakap ang mga braso niya sa akin. Nakakainis na itong lalaking ito! Hindi sumusunod sa batas. Dapat may linya sa kama dahil hindi pwedeng magkadikit kami!

I've tried na alisin yung mga braso niya pero hindi ko magawa. Paano ako nito makakabangon?

Gisingin ko kaya ang lalaking ito?

"Charles, let go!!!" Sabi ko pero ang loko hindi pa rin gumigising.

Ano ba kasi ang ginagawa nito dito at nandito siya ngayon sa kwarto tapos katabi ko pa at nakapalibot pa ang kanyang braso sa bewang ko na halos yakap niya na ako. Diba dapat kasama niya yung babae niya? I'm expecting na magkasama sila kagabi at gumawa ng imoral na bagay. Alam niyo na.

Kumukulo lang ang dugo ko sa tuwing naaalala ko yung kagabi.

Sinubukan ko pang makawala sa mga bisig niya kaso hindi ko magawa. Ang mas nakakagulat ay hinigpitan niya pa ito.

"Charles!" Kumakalas ako pero mas hinihigpitan niya at niyakap niya na ako ng tuluyan.

"Charles! Bitawan mo ako!" Sumigaw na ako. Alam kong half-awake na ang lalaking ito.

"Your so noisy! Go back to sleep!" Sabi niya. Yung boses niya halatang inaantok pa at hindi niya rin magawang imulat ang mga mata.

Eh?!

Ba't niya naman ako niyayakap? Hindi naman ako unan ah!

Hindi ko magawang kumalas. Liningon ko siya at nagulat ako nung makita kong may sugat sa may labi niya. Actually, mukhang nakipagbugbugan ang lalaking ito! Tapos amoy alak pa siya.

Nagtataka ako. Ano bang ginawa ng lalaking ito at ganyan ang itsura niya. Pero ang gwapo niya pa rin. Ano ba itong naiisip ko! =____=

Ah alam ko na! Kasama niya kagabi yung babae niya kaya nag-inuman ang dalawa. Tapos nalasing yung dalawa pagkatapos may nangyari pero anong ginagawa niya dito sa kwarto? Tapos bakit parang may mga pasa siya?

OMG! Siguro sa sobrang wild nila kagabi nagkasakitan na sila?

Euphy naman! Ang wild ng imagination mo!

Maya-maya, nakarinig na lamang ako ng hilik. Malamang, tulog na ulit si Charles. Hindi na rin mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya inalis ko na yung mga braso niyang nakayakap sa akin.

Tiningnan ko si Charles, may sugat siya sa gilid ng labi niya. Sigurado akong nabugbog ito. Eh paano? Nakipag-away? Kanino naman?!

Amoy na amoy ko rin ang alak sa katawan niya. Sigurado akong nakipag-inuman ito.

Kumuha ako ng gamot sa medicine cabinet at ginamot ko yung sugat ni Charles. Kahit papaano concern pa rin ako sa kumag na ito.

Pero ang hindi ko maintindihan ay yung parang kuryenteng naramdaman ko nung mahawakan ko ang mukha ni Charles. Sh!t, ano yun?!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon