Chapter 50: It's Him

188K 2.8K 102
                                    

CHAPTER 50: It’s Him

 

 

EUPHY’S POV

 

 

Di ko alam kung paano ko nasurvive ang gabing iyon. Nagawa namin ni Henry na magpanggap na hindi kami magkakilala.

After that dinner night, hindi ko na siya muling nakita pa. Ni hindi rin siya pumunta sa office ni Charles. Pero one time nalaman ko na lang kay Charles na nakipagkita siya kay Henry sa isang bar. Nagtataka nga daw siya kung bakit hindi na lang daw iyon pumunta sa office niya pero binalewala niya lang daw yun.

                                                                                                                       

Pero sakin hindi ko dapat yun balewalain. Ilang araw nang occupied ang isip ko. Natatakot na baka isang araw magkita ulit kami ni Henry.

Napailing na lang ako. Hindi ko dapat yon iniisip. Tinutupad na rin ni Henry ang kagustuhan ko. Lumalayo siya sakin, ganun rin ako. Wala na dapat akong ibahala pero hindi ko pa rin maiwasan. Aaah!

“Gising ka na pala” narinig kong sabi ni Charles. Kagagaling niya lang ng CR at amoy na amoy ko ang mabangong sabon na ginamit niya. Pumasok ito sa walk in closet niya.

“Actually kagigising  ko pa lang” sabi ko dito. Ewan ko ba, pagkatapos kong magising hindi muna ako bumangon. Tulala lang ako at iniisip ang mga bagay bagay na hindi ko naman dapat iniisip. Hay.

Matapos ang ilang sandal ay bumangon na rin ako at nakita ko si Charles na kakalabas lang galing sa walk in closet. Nakasuot ito ngayon ng white shirt kung saan fit na fit ito sa kanya at ripped jeans. Kahit saang anggulo mo tingnan, ang gwapo gwapo niya.

Natawa na lang siya ng makita niya akong tulala sa kanya.

“Huwag kang ganyan, baka mamaya di na ako makaalis” sabi nito sa akin. Bigla na lang nalukot yung mukha ko.

Pinuntahan ko siya at niyakap.

“Charles, isama mo na lang ako sa Japan. Pleeease?”pagmamakaawa ko dito.

Aalis kasi siya ngayon papuntang Japan para sa project na aasikasuhin nila together with his foreign investors. Siya lang ang aalis at ako ay maiiwan dito.

“Charles, secretary mo naman ako ah. Isama mo na lang ako para may alalay ka doon. Sige naaaa!” with matching puppy eyes ang peg ko.

“Hay naku Euphy. Ilang beses ko rin bang sasabihin sa iyo na bawal kang sumama sakin. May trabaho ka rin dito.” at nagbagsakan ang mga balikat ko.

Hindi talaga ako pwedeng sumama kasi yung mga ibang iiwanang trabaho ni Charles ay ako ang gagawa. At saka ako palagi ang mag-iinform sa kanya about sa status ng kompanya habang nasa Japan siya. Kakalungkot naman. Di ko siya makakasama for how three weeks. Nakakafrustrate lang.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon