Chapter 1: "The Boss"

674K 7.1K 581
                                    

Chapter 1: "The Boss"

 

Alam mo ba yung feeling na parang gusto mo nang sumigaw sa inis?

Yung feeling na may gusto kang sabunutan?

Yung feeling na gusto mo nang manuntok?

Kasi ako, yun ang nararamdaman ko ngayon! NAKAKAINIS na kasi!

Sino ba ang hindi maiinis sa sitwasyong ito? Halos mag-iisang oras na akong nakaupo dito sa jeep at TAKE NOTE hindi pa rin umaalis kasi naghihintay pa ng ibang pasahero. Dapat daw kasi mapuno na ito para makaalis na.

"Manong, di pa po ba aalis?" tanong ko dun sa driver. Nakaupo kasi ako dun sa dulo kung saan nasa likod ng driver. 

Tumingin yung driver dun sa rearview mirror na nasa may taas niya at pawang nag-iisip kung kailangan na bang umalis.

"Ah... Isa na lang na pasahero Ineng at aalis na tayo" sabi nung driver.

SHET! Kaya gusto ko nang suntukin tong driver na ito! Puno na kaya yung jeep! Halos siksikan na kaming nakaupo dito tapos magpapasakay pa. Bulag kaya ito?

Napatingin ako sa watch ko. Late na ako at PATAY AKO NITO SA BOSS KO! T^T

Buti naman at may dumating nang isang pasahero and VIOLA! Ready to go na ang jeep. At para akong hihimatayin. Imagine, siksikan kayo na hindi ka na makagalaw tapos ang init-init pa. HELL!

Kung hindi lang kasi ako nagtitipid, nag taxi na lang sana ako, yung di AC pa, kaso hindi ako mayaman at hindi rin kataasan ang sweldo ko sa trabaho, 

30 minutes pa ang byahe kaya ngayon pa lang nakikita ko na sa imagination ko ang lukot na mukha ng Boss ko. Patay na talaga ako nito. Lalo na ngayon na first time ko ma late. 

Nagsisisi talaga akong uminom pa ako ng kape kagabi! Napagtripan ko lang na uminom, ayan tuloy di ako nakatulog ng maaga. Bwiset no? =__=

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon