Chapter 22: City Of Seoul

337K 3.4K 370
                                    

dedicated to: SeriousBoss

Chapter 22: City Of Seoul

 

EUPHY'S POV

 

"Chaaaaarles! Bilis!" Haist! Nakakainis naman itong lalaking ito. Talo pa ang babae kung maligo. Ang tagal tagal.

Kanina pa ako katok ng katok sa banyo. Mukhang natutulog na ito sa loob. Hindi pwede.

"Damn it! Can't you just wait?!" Rinig kong sigaw niya mula dito.

"Bilisan mo kasi! Malalate na tayo sa tour" Kinakalabog ko na yung pintuan ng banyo. Ang tagal niya talaga.

Lumabas naman siya ng banyo.

"Bat ka ba nagmamadali? Ang aga pa kaya"

 

"Anong maaga pa. Magsuot ka na nga" Tapos tinapon ko sa kanya yung mga damit niya pati na yung jacket niya. Ang tagal kasi, baka maiwanan kami tour. Nakasando lang ito at nakatapis ng towel nung lumabas siya ng banyo.

Wala na siyang nagawa kaya sinunod na lang ako. Alam ko naman na deep inside ay naiirita na iyan sa akin. It's just that na excited na excited na ako malibot ang Seoul.

"Tara na" Hinila ko na siya palabas ng room namin nung matapos na siya magbihis.

"Euphy wait. I'm still gonna eat breakfast"

 

"Di ka pa nagbreakfast?" Tanong ko dito.

"How can I eat breakfast if you left me a while ago"

 

"Ba't hindi ka sumunod?"

 

Nauna kasi akong magbreakfast sa kanya. Ang aga kong nagising at naligo. Nagising siya nung magbebreakfast na ako. Sa restaurant ng hotel kasi ako nagbreakfast, magpaparoom service sana ako kaso baka korean ang makausap ko.

"Euphy, one hour pa bago ang tour. Samahan mo na muna ako magbreakfast" Umiling na lang siya. One hour pa pala bago ang tour. Ako na ang excited.

Sinamahan ko na lang siyang magbreakfast. Habang kumakain siya ng breakfast, ako naman ay nag order na lang ng coffee. Sosyal ngo hotel na ito, american cuisine ang mga foods.

Pagkatapos niyang kumain lumabas na kami ng hotel at naghintay doon sa tourist bus.

"See, masyado pa tayong maaga" Sabi nitong katabi ko.

Hindi ko na lang siya pinansin. Kaya habang naghihintay doon sa bus, kinuha ko yung camera ko sa bag ko at nag picture picture doon sa paligid ko. Pati yung mga dumadaang korean pinipicturan ko.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon