Chapter 12: His Girlfriend

375K 4.1K 177
                                    

Chapter 12: His Girlfriend 

EUPHY'S POV

Uuumm. I'm already half awake pero gusto ko pang matulog. Gising na ang diwa ko pero nakapikit pa rin ako. Ang sarap matulog lalo na't may kayakap kang unan. Pero parang hindi naman ito unan, ang tigas eh.

"Ma, umalis na tayo. Nakakaistorbo tayo oh."

"Siya na yata yung sinasabi ni Charles na girlfriend niya"

"Ma, naman. Sa labas na natin pag-usapan iyan. Natutulog pa yung dalawa oh"

Gusto ko pang matulog kaso may ingay akong naririnig. Oh well, hayaan na nga lang. Matutulog na nga lang ako ulit. Antok na antok pa ako.

Naramdaman kong parang gumagalaw yung kayakap kong unan. Tapos narinig ko pang itong umungol.

Hayaan na nga. Basta matutulog pa ako. Ngayon ko lang nahalatang ang bango pala ng unan ko. Sa pagkakatanda ko, hindi ko naman linalagyan ng downy ang mga linabhan kong unan.

Hindi pa rin nawawala yung ingay na naririnig ko. Kahit mahina lang, alam kong parang may dalawang taong nagtatalo. At dahil sa ingay na iyon, minulat ko ang mga mata ko. At ang una kong nakita sa pagmulat ko ay dalawang matang nakatitig sa akin at halata ding kagigising lang. At doon ko narealize na si Sir pala iyon.

Anong ginagawa niya sa kama ko?

Doon ko lang naalala na hindi ako nakauwi sa bahay kagabi dahil sa sobrang ulan at sa condo niya ako natulog. Tapos, dahil sa sobrang takot ko kagabi, natulog akos a tabi ni Sir habang yakap siya.

Yakap?

Magdamag kaming magkayakap? Huwaw--este NO!

Ibig sabihin hindi unan ang kayakap ko? At kaya pala napakabango kasi si Sir yung katabi at yakap ko. OMFG!

At dahil sa mga naalala ko, parang nagising ng tuluyan ang diwa ko.

Ako na mismo ang umiwas ng tingin. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang hiya sa sarili ko.

Narinig na lang namin na may biglang tumikhim.

Nagulat kami ni Sir at napatingin sa may pintuan nung kwarto niya kung saan nanggaling yung ingay kaya napabangon kami. At nakita namin doon si Kelly na may kasamang babaeng nasa 50 na yata ang edad. Hindi ako nakakilos.

"A--ah! He--hello! Nandito sana kami para puntahan ka Kuya kaso mukhang ang sarap ng tulog mo--I mean niyo! Hehe. Balik na lang kami ha. Tara na Ma!" Hihilain na niya sana yung babae kaso hindi siya gumalaw at tumingin sa saamin ng seryoso.

Siya pala yung Mama ni Sir. Hindi sila gaanong magkamukha pero pareho sila ng mata. Mas kamukha yat ni Sir yung Papa niya.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon