Special Chapter # 2

238K 3.1K 214
                                    



Special Chapter # 2


EUPHY'S POV


"Love gising na! Umaga na!" pilit kong niyuyugyog ang balikat ng asawa ko para magising siya.

"Euphy" salamat naman at nagising na ang kumag. Kinukusot kusot pa niya ang kanyang mga mata dahil kakagising lang nito. Maya-maya'y bumangon na siya.

"5:30 am pa lang. Ang aga mo namang magising. Makakasama sa buntis ang mapuyat" sabi nito na papikit-pikit pa ang mga mata.

"Ang aga ko kayang natulog kagabi kaya hindi ako mapupuyat. Diba may walking session tayo ngayon kaya bumangon ka na!" natatawa naman ang asawa ko sa mga pinagsasasabi ko kaya tumango na lang siya.

"Okay. Good morning pala. Good morning also to our baby boy. See you in three months" he touched my tummy and kissed it. "Huwag mo papahirapan si mommy paglabas mo ha" pagkatapos nun ay bumangon na kami at nag-bihis. Every week ay may walking session kaming mag-asawa. Advice kasi ito ng OB ko para healthy lumabas ang baby.

So far, wala akong maiisusumbat sa asawa ko. Napakamaalaga niya at mapagmahal. Wala na yung ugali niya noong una ko siyang nakilala at nung siya pa ang boss ko.

Naglakad-lakad lang kami sa may seashore. Dito ko siya inaya para makita na rin namin ang sunrise. Ilang minuto rin kaming naghintay para makita ito. Ang ganda!

Linabas ko ang phone ko at sinimulan kong mag take ng picture. Ang ganda talaga!

"Love, picture tayo!" aya ko kay Charles. I took our selfie while he kissed me on my cheeks.

"Halika umuwi na tayo. Mamaya niyan mainit na dito" aya niya sa akin kaya sumunod na rin ako sa kanya. Sumakay kami ng kotse at nagdrive na si Charles pauwi.

"Charles gutom na ako" sabi ko sa kanya.

"Just wait a minute. Pauwi na man lang tayo" sabi niya sa akin.

"Daan muna tayo sa palengke. Bibili ako ng bayabas at ubas. Samahan ko na rin pala ng pinya" saad ko.

"You're already on your 6th month of pregnancy. Naglilihi ka pa ba?" sinamaan ko ito ng tingin. "Eh sa gusto ko kumain nun!"saad ko sa kaniya. Sa huli ako pa rin ang nanaig. Sa palengke ako bumili dahil wala pang bukas na mga grocery ngayon. Alam ko na hanggang ngayon ay ayaw na ayaw pa rin ni Charles sa ganitong mga lugar pero para raw sa kapakanan ko ay sasamahan niya ako.

Diretso na rin akong bumili ng sariwang isda. Masarap ito para mamayang lunch. Natatawa na lang ako sa asawa ko nang magulat siyang gumagalaw-galaw pa ang mga pinamili kong isda.

Umuwi kami ng bahay matapos mamalengke. Papasok pa lang kami ng bahay ng sinalubong kami ng aming kasambahay. Binigay namin sa kanya ang mga pinamili namin.

"Charles bili mo ulit ako ng chocolate cake mamaya ha" lambing ko dito. Hinahanap ko kasi palagi yung lasa nung chocolate cake na tinitinda sa cafe sa tapat ng company nila Charles. Halos once a week lang naman ako kung magpabili at hindi hihigit sa 1 slice ang kinakain ko. Mahirap na at baka tumaba si baby sa loob ng tiyan ko dahil sa sweets nito at mahirapan pa akong ilabas ito.

"Ibili mo ako pagkatapos ng work mo. Please!" alam kong matanda na ako dito pero nag puppy eyes ako sa kanya. Sana effective!

"You know what, malapit ka na manganak pero daig mo pa ang buntis ng 2 months kapag humingi ka ng pagkain. Di na ako magtataka kung tataba ka" aba!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon