Chapter 48: All About Them

194K 3K 120
                                    

Huhubels!!! Ba’t naging rated R ang story ko? TT___________TT  Wala namang BS ah. XD   Kaya pala di ko na makita sa what’s hot. Siya nga pala, ginawan ko ng POV si Henry. First and last POV, I think?

 

 

Chapter 48: All About Them

 

 

 

HENRY’S POV

 

 

Mahigit isang oras na akong nakaupo dito sa loob ng kotse ko. Hindi ko alam kung lalabas ba ako o mananatili na lang ako dito sa loob.

Sa huli’y napagpasyahan ko na lang na lumabas ng kotse ko at harapin ang mga taong matagal ko nang gustong makita. Pakagaling ko ng opisina ni Charles ay dito mismo ako dumiretso. Lakas loob akong nag doorbell at makalipas ang ilang segundo ay bumukas ang gate at mukha ng isang katulong ang tumambad sa akin.

“Sino yan—SIR?! Diyos ko, Sir Henry ikaw nga! Pasok ka” Yaya sakin nung katulong. Sumunod naman ako sa kanya. Umupo ako sa sofa. “Teka lang po at tatawagin ko si Ma’am” Tumango na lang ako. Narinig kong sumigaw yung katulong. Mukhang pati siya nagulat na makita ako.

Huminga ako ng malalim. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito na makabalik ulit ako dito. Sana… Sana nagbago na ang lahat. Yun lang naman ang hinihiling ko.

Tahimik akong nakaupo sa sofa nang bigla na lang akong may narinig na ingay mula sa likuran ko. Nang nilingon ko ito, nakita ko ang isa sa mga taong matagal ko nang gustong makita. Ang taong dahilan kung bakit ako hindi sumuko at ang dahilan kung bakit ako nagpapakatatag.

“Henry, anak!” Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako ng mahigpit. Kitang kita sa mukha niya ang kasiyahan. Naramdaman ko na lang na basa ang damit ko. Umiiyak ang mommy ko.

“Mom” Sambit ko sa kanya. Ilang taon ko rin siyang hindi nayakap. Naluluha na rin ako pero hindi ko hinayaang tumulo ito sa pisngi ko.

“Iho, miss na miss na kita. Bat hindi mo man lang sinabi na nakauwi ka na?” Kumalas siya sa yakap at hinarap ako. She cupped my cheeks. “Ang gwapo gwapo na ng anak ko. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Kamusta ka na? Bakit hindi ka parati tumatawag?” Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha sa pisngi niya.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon