Chapter 46: Henry

232K 3K 172
                                    

CHAPTER 46: Henry

 

 

EUPHY’S POV

 

I was busy doing our breakfast nang bigla na lang kumaripas ng takbo papunta sakin si Charles. Para bang nagmamadali siya kasi inaayos niya yung necktie niya.

“Ba’t ka nagmamadali? Mamaya pa ang pasok natin” Sabi ko sa kanya.

“Oo nga pero tumawag yung isa sa katiwala sa office na nandun na daw yung mga Chinese Investors at gusto nila akong makausap. Alam mo na, were planning for a big project kaya hindi ko dapat to palampasin” Sagot niya sakin.

“Ang aga naman nila” Kinuha ko yung necktie niya para ako na ang mag-ayos.

“Okay na ba yung daliri mo?” Tanong niya sa akin at hinalikan niya yung sugat ko.

“Okay na okay na. Ang galing kaya nung gumamot. Wait lang ha, magbibihis na rin ako” Gagalaw na sana ako ng pinigilan niya ako.

“Huwag ka nang sumama, maaga pa eh.  Sumunod ka na lang mamaya. I can handle this. Tatawagan ko na lang yung family driver namin na ihatid ka sa office mamaya”

“Naku, huwag na magta-taxi na lang ako. Hindi ka na ba kakain ng breakfast?” Magluluto pa naman sana ako.

“Hindi na. Sa office na lang ako kakain. Sure kang hindi na kita papasunduin?” Tumngo ako. “Well then, see you later.” He kissed on my forehead and bid goodbye. Looks like mag-isa lang akong kakain ng breakfast ngayon.

Gaya nga ng sinabi ko kanina, mag-isa lang akong kumain ng breakfast. It was almost 9:00 nang makaalis ako ng bahay papuntang office pero bago muna nun ay dumaan muna ako ng mall. Tumingin tingin ako ng mga damit sa mga stores. Balak ko kasing bilhan si Charles pero hindi naman ako nakabili kasi masyadong mahal ang mga presyo. Di ko afford eh. Mag-iipon na nga lang ako sa susunod.

I am also happy for him na napapalago niya yung business nila ng pamilya nila. He still a workaholic man but he always finds a way on giving me time.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon