Chapter 2: Overtime

548K 6K 445
                                    

Chapter 2: Overtime

 

 

(Euphy on the right side ------------------>)

 

 

HAAAAAY!!! Nakakapagod! Ganito ba ang parusa kapag late ka? Ang daming paperworks at mukhang di ko ito matatapos this day. Dagdagan pang maya-maya iniistorbo ka nung DEVIL BOSS mo dahil uutusan ka, kesyo tawagan daw si eto, dalhin daw ito kay eto, tapos timplahan daw siya ng kape. Sa pagkakaalam ko SECRETARY ang trabaho ko dito, hindi PERSONAL ASSISTANT. Tagalista lang ako nga mga appointments at meetings niya. Naku!

Nga pala, dahil 2nd Chapter na nung story, magpapakilala na ako. 

Ako nga pala si Euphy Jane Ramirez. 20 years old. At kasalukuyan akong nagtatrabaho sa TORRECAMPO CORPORATION kung saan secretary ako ng CEO nito na si Charles Darren Torrecampo. Ang pinakaMASUNGIT na taong nakilala ko. At take note, sa loob ng 2 weeks na pagtatrabaho ko dito, hindi ko pa siya nakitang ngumiti. As in MAG SMILE.

Ganyan siguro ang mga workaholic. Hindi mo na makukuhang ngumiti.

Pero kahit ganun yun, di ko maiwasang hindi hangaan siya.

Why not?

He's so young to be a CEO of their company. I think 22 years old pa lang siya. Nagretire na kasi yung Dad niya sa trabaho niya kaya sa nag-iisang anak niya pinama not just the position but as well as the company.

At isa pa, he's sooooo HANDSOME.

Mapapalingon lahat ng babae kapag dadaan siya.

He's sooo gwapo yun nga lang lingid sa kaalaman ng iba, NAPAKASAMA NIYANG TAO.

Kahit 2 weeks pa lang akong nagtatrabaho dito, maraming beses niya na akong pinagalitan. Well, halos araw-araw na nga eh. Hobby na niya talaga magsungit.

Kaya ako na turn off sa kanya kasi sa ugali niya. Honestly, unang kita ko pa lang sa kanya ay nagwapuhan ako. Crush at First Sight. Pero nung time na pinagalitan niya ako, nawala na parang bula yung feelings ko. 

Pagalitan ba ako ng TODO nung makita niyang tinititigan ko siya habang nagtatrabaho siya. Kesyo daw, na titigan siya, atupagin ko daw yung paperworks at yung lista ng schedule niya!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon