Chapter 44: They're...OFFICIAL!

244K 3.6K 314
                                    

CHAPTER 44: They’re… OFFICIAL!

EUPHY’S POV

“Euphy, mahal kita”

 

Hindi ako makagalaw o makakilos man lang. Para akong natulala sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko at para namang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

 

Totoo kaya ang narinig ko? O baka naman mali lang ako ng pagkakarinig?

 

“Euphy, look at me” Dahan-dahan ko siyang tiningnan sa mga mata. Nakikita ko sa mga mata niya ang puno ng sinseridad samantalang puno naman ng pagtataka ang makikita sa mata ko.Ang lapit lapit namin sa isa’t isa. Nakadikit ang mga noo namin at naaamoy ko na rin ang mabango niyang hininga.

 

Nanginginig ang buong katawan ko.

 

“Narinig mo naman ang sinabi ko diba?” Tanong niya. Mas lalo niya namang pinaglapit ang mga katawan namin at kaunting galaw na lang ay maglalapat na ang aming mga labi.

 

Umiling ako. May narinig akong sinabi niya pero baka hindi naman totoo.

 

“Ang sabi ko mahal kita. Ayoko niyang binabalak mo kasi sa oras na ipa-anull natin ang kasal natin magkakahiwalay tayo at ayokong mangyari yun. Di ko kayang mawala ka sa buhay ko. I love you so much”

 

Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko siya. So totoo nga? Hindi ako nagkamali ng dinig. Mahal niya raw ako.

 

Pero umiling-iling na lang ako. Baka nagsisinungaling lang siya kaya gusto mang maniwala ng puso ko, iba naman ang dinidikta ng isip ko.

 

“Huwag mong sabihin yan! Di ako naniniwala sayo!” Tinakpan ko ang dalawang tenga ko. Kapag naiisip kong puro kasinungalingan lang ang mga sinasabi niya ay para namang dinudurog sa daan-daang piraso ang puso ko.

 

“Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako sayo?!” Hinablot niya ang braso ko at nakita ko ang mga mata niyang puno ng hinanakit? Bakit ganun?

 

“Oo! Paano naman ako maniniwala isang sinungaling na katulad mo?” Sigaw ko sa kanya.

 

“Nagsasabi ako ng totoo. Mahal kita! Ano ba ang hindi mo maintindihan dun?” At nakita ko na lang na may isang butil ng luha ang tumulo sa kanyang kanang pisngi.

 

Is he crying? Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

 

“Charles, kung ginagawa mo ito para lang magbago ang desisyon ko, pwes wala ka nang magagawa. Aalis na rin ako sa trabaho ko” Plano ko talagang mag pakalayo-kalayo. Masakit mang umalis pero iyon ang magiging daan upang makalimutan ko si Charles.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon