Chapter 28: The Bitch is Back!

323K 3.7K 154
                                    

Nasa what's hot yung MMB..omg! Di ako makapaniwala! Thank u very much po sainyo!!!!

Chapter 28: The Bitch is Back!

EUPHY'S POV

"Thank you for this day Euphy! Sana maulit pa ito and next time isama na natin si Kelly. Ingat ka, bye!" Paalam sa akin ni Mama at pagkatapos nun ay humarurot na yung kotse paalis.

Hinatid ako ngayon ni Mama dito sa parking lot ng condo ni Charles. It's almost 4pm. Ang dami naming ginawa at pinuntahan. Pagkatapos naming kumain ng lunch, nanood kami ng sine at pagkatapos naman ay nagshopping kami kaya ngayon kaya ang dami kong bitbit. Kung anu-ano ang binili sakin ni Mama na mga damit at ang gaganda naman. Bagay na bagay sa akin.

At syempre hindi ko talaga makakalimutan ang nalaman ko ngayong araw na ito. Lintek lang ang walang ganti! Pagkatapos kong malaman ang bagay na iyon, parang lumutang na ang utak ko. Ni hindi ko nga naintindihan ng maayos yung pinanuod namin sa sinehan.

Akala ko talaga may sakit si Mama, malala na nga daw sabi ni Charles. Pero, wala naman pala! At nagsinungaling si Charles!

Yun lang naman ang dahilan kung bakit ako pumayag na pakasalan siya tapos malalaman ko na lang na hindi totoo?

Galit ako. Galit na galit ako dahil nagpatali ako sa isang manloloko! Mamatay na siya!

Pagdating ko sa condo, wala pa si Charles. Malamang! Mamaya pa iyon uuwi! At parang sa oras na makita ko ang mukha non ay babasagin ko iyon kahit gaano pa siya kagwapo! He' s a total liar!

Linagay ko sa mga kwarto yung mga pinamili namin ni Mama. Nakita ko naman sa may side ng kwarto yung teddy bear na binili ni Charles sakin way back nung pumunta kami ng Korea. Kinuha ko iyon at pinagsusuntok ko siya sa mukha. Hinawakan ko din ang leeg nun ng napakahigpit. Kawawang teddy bear.

"Manloloko ka! Manloloko ka! Sinungaling!" Iniimagine ko na si Charles iyon. Tinotorture ko na yung teddy bear.

"I hate you! Mamatay ka na!!!" At hinagis ko kung saan yung teddy bear. Sa kanya ko talaga ibinuntong yung galit ko.

Hindi ko siya ngayon ipagluluto ng dinner! Bahala na siyang magpadeliver ng pagkain niya. Mayaman naman siya!

Then an idea pop out to my mind!

What if layasan ko siya? Tapos, hindi na ako babalik? Tataguan ko na lang siya. Hindi niya naman siguro ako hahanapin diba?

Oh di kaya mag file na ako ng annulment? Para ang status ko ay maging MARRIED to SINGLE.

Pero saan naman ako pupunta kung aalis ako? Alangan namang bumalik ako dun sa dati kong inuupahang apartment eh may bago nang nakatira dun. At saka kung lalayasan ko siya, eh mawawalan na din ako ng trabaho. Eh sa hirap ng buhay ngayon hindi madaling makakuha ng trabaho.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon