Chapter 40: Secret Feelings

283K 3.2K 210
                                    

Chapter 40: Secret Feeling

EUPHY'S POV

Ugh! Kakagising ko pa lang at feeling ko'y hindi na ako makakabangon pa sa tindi ng sakit ng ulo ko. Feeling ko nahulugan ng isang dosenang hollow blocks ang ulo ko sa sobrang sakit.

Sobra talaga akong nagsisisi na uminom ako kagabi. Mapait naman yung alak na tipong hindi mo magugustuhan ang lasa at nakapagtataka talagang makakaubos ako ng ilang bote. Ni hindi ko na nga matandaan kung anong mga pinaggagawa ko kagabi. Nakakahiya nga kay Kelly kasi sa tingin ko siya pa yung nag-asikaso sakin.

So this is how it feels. Having a hangover, being broken hearted. It sucks.

Nakaramdam din ako ng panlalamig pero napawi naman ito nang bigla ko na lang naramdamang may yumakap sa akin at ramdam ko ang mainit nitong katawan.

Unti-unti kong binuksan ang mata ko at dun ko lang narealize na may brasong nakapulupot sa bewang ko.

But what is much worser is that we're both naked under the bedsheet.

Nagpalinga-linga rin ako sa paligid ko. Nakita kong nagkalat sa sahig ang mga damit namin at maging yung underwear ko. Oh God.

I remember what happened last night. I thought I was just dreaming, Charles and I were making out.

Aaaaah! Shit! No!

Panaginip lang ang lahat ng ito. Right?

Babangon na sana ako nang bigla naman akong pigilan ni Charles.

"Your already awake? It's too early. Matulog ulit tayo" Sabi niya sa akin in a husky voice. Halatang kagigising lang at puyat na puyat pa.

Papalag pa sana ako ng bigla niyang hinigpitan ang yakap sa akin tapos isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa akin. Sheteng malagkit!

Nagpumiglas ako. The moment kasi na hinayaan ko lang na nasa ganito kaming posisyon ay baka gustuhin ko na lang na forever kaming ganito. Nangako na ako sa sarili ko na didistansya na ako palagi sa kanya para kahit papaano hindi na lumalim pa itong nararamdaman ko sa kanya.

Dahil sa hindi ako makapalag ay sumigaw na lang ako ng pagkalakas lakas at sinigurado kong mababasag ang ear drum niya.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!" Bigla naman siyang napabangon.

"Euphy naman huwag kang sumigaw" Kung naiinis siya, well, mas naiinis ako sa kanya.

"Explain!" Sabi ko sa kanya.

"Explain what?" Inosenteng tanong nito at nagtingin-tingin pa ito sa paligid at dun niya lang narealize kung anong gusto kong ibig sabihin.

"Ooooh" Sabi niya with his lips forming into "o".

"Do I have to explain what happened last night? You were drunk. At dahil sa inakit mo ako kagabi, di ko na napigilan ang sarili ko. Aminin mo man o hindi, pareho nating ginusto ang nangyari last night" Sabi niya sa akin with a wide grin on his face.

Napatigil ako o should I say natulala kasi hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Is it true?

Nagsalita ulit siya.

"Gusto mo bang ikuwento ko sayo kung paano natin iyon ginawa? Well, you were moaning and calling may name---" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Stop!" Tinakpan ko ang mga tenga. Ayoko! Ayokong marinig!

Gusto kong maniwala na biro lang ito pero hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko.

Lumapit si Charles ng kaunti sa akin.

"Why are you so scared? To think na normal lang sa mga mag-asawa ang ginawa natin kagabi"

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon