Chapter 11: A night with...HIM?! (2)

392K 4.7K 480
                                    


dedicated to: damngerous

 

Chapter 11: A night with...HIM?! (2)

EUPHY'S POV

"No, Ihahatid na kita sa bahay mo"

WEH? Ako? Ihahatid nito?

Sabagay, may puso naman iyan si Boss.

O baka napipilitan lang iyan dahil umuulan?

"Boss, huwag na po. Diyan na lang po ako sa may sakayan ng jeep" sabi ko. Nakakahiya naman kasi. Baka traffic sa may bandang tulay na dadaanan ko pauwi, alam niyo naman itong boss ko masyadong mainipin.

"Huwag ka nang magreklamo. Pasalamat ka nga't ihahatid na kita" Well, siya na nga nagsabi. Eh di sundin. Ok na rin ito, makakatipid din ako ng pamasahe. Yes!

"Ok Boss. Sabi mo eh" Yun na lamang nasabi ko.

"Please stop calling me that way" Huh? Ano namang sinasabi nito?

"Huh?"

"That 'BOSS' thing. Ang sagwa pakinggan" At hindi nga ako nagkamali, nakakunot noo na naman siya.

Pero bakit ayaw niya 'Boss' kung gayong boss ko naman siya?

"Bakit naman? Boss naman kita ah kaya tatawagin kitang 'BOSS'." There I said. Eh sa mas comfortable ako sa 'BOSS'.

''Change it. Call me 'Sir' instead." Hay. Pati rin pala mga lalaki ay ang aarte. 

"Ayoko nga" Tinamaan na naman ako ng pagkalokaret kay naisip kong pagtripan to.

"Change it or I'll fire you" Nakalimutan kong Boss ko pala itong naisipan kong pagtripan. At saka ginamit pa niya yung trabaho ko para lang hindi ko siya tawaging 'BOSS' dahil ang sagwa daw pakinggan. Like duh?

"Ok Bo-- I mean Sir!" Ayan! Makakalimutan ko na  naman. Hihihihi!

"Good" And he smirked.

Tumingin na lang ako sa bintana. Ang lakas pa rin ng ulan at lalong mas lumalakas yung ulan. Hindi naman siguro bumaha sa tulay diba? Makakauwi pa naman ako diba?

Tinuro ko kay Boss este kay SIR yung daan patungong bahay namin. And there,hindi nga ako nagkakamali. Traffic as in HEAVY TRAFFIC. Tapos mukhang hindi pa gumagalaw. Anubayan! Ito yung daan patungo sa tulay na dadaanan para makauwi. Nakakadaan naman dun ang mga sasakyan. 

Malayo pa kami sa tulay pero ang haba ng pila ng mga sasakyan. Gusto ko nang umuwi!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon