Chapter 45: Special Day

242K 3.2K 215
                                    

Sorry guys, di siya naedit. Eto na po ang maikling UD. Hihihi..





CHAPTER 45: SPECIAL DAY

 

 

EUPHY’S POV

 

 

Nagising ako dahil sa liwanag ng ilaw na tumatama sa mukha ko. Umaga na pala at nung tiningnan ko yung orasan ay 8:00 am na. Medyo napaaga ang gising ko kasi usually 5:30am ang karaniwang gising ko every morning, may trabaho man o wala.

Kinapa ko yung katabi ko at napansin kong wala siya sa tabi ko. Mukhang napaaga ng gising si Charles ah.

Dapat masaya ako ngayong araw na ito. Iwas bad vibes muna. Espesyal ang araw na ito eh.

Babangon na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang napakagwapo kong asawa na may hawak hawak na tray. Napangiti na lang ako nang makita ko siyang nakasuot lang ng sando kaya naman kitang kita mo ang matitipuno niyang braso. Napakakisig niya talaga.

“Good morning my wife!” Masayang bati niya sakin.

“Good morning! Bakit hindi mo ako ginising? Hindi tuloy ako nakaluto ng breakfast” Sabay pout ko sa kanya.

“Hindi na kita ginising. Halata namang napuyat ka dahil sa akin kagabi” Sabay ngiti niya ng nakakaloko.

“Pinuyat mo kasi ako eh. Kaya kasalanan mo!” At tumawa na lang siya. Ang mga tawa niya ay parang musika sa aking pandinig.

Napuyat kami kagabi kasi nanood kami ng movie. Almost past midnight na natapos yung pinanood namin kaya ayun nagising ako ng tanghali.

“Sinisi mo pa talaga ako. Here, I made you breakfast” Pagkalapag niya nung tray ay hinalikan niya naman ako sa noo. Ang sweet niya no? Hindi ko sukat akalaing ganito pala kabait at kalambing ang taong halos kamuhian ko noon. Bihira ko na rin siyang makita na nakabusangot ang mukha at palaging galit. Nagagawa nga naman ng pag-ibig oh.

There’s no doubt pa para pagdudahan ko ang pagmamahal niya sakin. Araw-araw niya sakin pinapakita at pinaparamdam kung gaano niya ko kamahal.

“Ikaw nagluto?” Gulat kong tanong rito. Ni hindi niya nga makuha ang mga lutong tinuturo ko sa kanya. Isang Charles Darren Ocampo, nagluto ngayon?

“Oo, hindi ka ba naniniwala?” Nginitian ko na lang siya as in yung very wide smile. Hindi naman kasi ako makapaniwalang pinagluto niya ako ng almusal.

“Oo na. Basta ikaw” Ooooh. Sosyal to. Breakfast in bed.

Naniniwala na akong siya ang nagluto. Kasi naman yung ulam medyo sunog pero okay na rin. Pwede pang makain. Naapreciate ko talaga itong effort niya. May nakalagay din sa tray na isang baso ng gatas. How thoughtful.

“Share tayo” Offer ko sa kanya.

“No thanks. Pinaghirapan kong gawin yan para sayo. Hope you like it” At tumabi siya sakin.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon