Special Chapter # 1

166K 2.2K 24
                                    



Special Chapter # 1

EUPHY'S POV

Kanina pa ako nakaupo dito sa sofa namin habang nanoood ng movie. Halos patapos na ang pinapanood ko pero hindi pa dumadating ang hinihintay ko. Ilang oras na akong naghihintay pero wala pa siya.

Natapos ang movie na hindi pa dumarating ang asawa ko. Pagtingin ko sa oras ay almost 11 pm na. Huwag niyang sabihin na nagtatrabaho pa siya sa lagay na ito? Ang akala kong magiging masayang gabi namin ay hahantong lang sa ganito. Tinawagan ko kanina ang secretary niya at kaninang 7pm pa daw ito nakaalis sa office niya. Tinanong ko rin ito kung may nakaschedule siyang meeting pero wala naman.

5pm ang out niya sa office niya pero nagpaalam si Charles kanina na gabi ito makakauwi pero hindi ineexpect na sa ganitong oras ay wala pa siya. To think na 7pm pa siya nag out.

Ayokong mag-isip pero masama ang kutob ko na may ibang agenda ang asawa ko. Saan naman siya pupunta sa ganitong oras?

Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng condo.

"Thanks Emily. You're such a big help. See you tomorrow" aba! May kausap pa siya sa phone niya.

Binaba niya ang cellphone niya at dun niya lang napansin na nasa sala ako na halos kaharap niya na.

"Hey wife--" may sasabihin sana siya nang pinutol ko ang kung anumang sasabihin niya.

"Wife ka dyan! Bakit ngayon ka lang? At sino si Emily?" hindi ko na iniwasang hindi siya tanungin sa bagay na yan. Nakakainis lang kasi!

"May inasikaso lang ako" lumapit sa sakin. Hahlikan niya sana ako nang umatras ako.

"I called your secretary. Kanina ka pa daw umalis ng 7pm" I eyed him. Hindi siya makakatakas sa mga kalokohan niya. Kung pwede nga sana na ako ulit ang secretary niya kaso ayaw niya. Parang alam ko na tuloy kung bakit ayaw niyang bumalik ako sa kumpanya.

"I had a dinner with a foreign investor" sagot niya sa akin. Dinner? Dinner na umabot ng apat na oras?

"Eh yung kausap mo sa phone? Si Emily?" ginalaw niya ng mata niya na para bang ayaw akong tingnan ng diretso.

"W-well, siya yung s-secretary nung ka-dinner ko kanina. We only talked about pure business" nakita kong lumunok-lunok pa siya. Sa ganong ayos pa lang alam kong nagsisinungaling na siya.

"Nag-usap na pala kayo pero bakit pa kayo magkikita bukas?" tinaas ko ang isang kilay ko habang tinitingnan siya.

"W-well, Euphy, i-it's sbout business. Malamang may inaasikaso kami kaya halos araw-araw kami mag meet kasama nung amo niya" pautal-utal niyang sabi.

"Liar" sabi ko dito.

"Euphy--" pinutol ko ang sasabihin ko sa kanya.

"Obvious naman na nagsisinungaling ka! Really, Charles? Really? Alam mo pinapabayaan lang kita this past few weeks pero feeling ko may iba ka nang ginagawa eh. For the past three weeks halos ganitong oras ka na kung umuwi pero narinig mo ba akong magreklamo? Hindi diba? Kasi may tiwala ako sayo na trabaho talaga ang inaatupag mo but now? I don't know?" hindi ko naman maiwasang hindi magalit sa kanya. Mukhang tama ang hinala ko may babae tong lalaking ito! My God, 4 months pa lang kaming kasal!

"You don't understand. Wala akong ginagawang masama" saad nito sa akin.

"Eh di ipaintindi mo sa akin! Tinatanong kita tapos sasagutin mo ako ng kasinungalingan. Akala mo hindi ko alam na nagsisingaling ka sa akin ha! May babae ka no?"I asked him.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon